[GA4] Measurement ID

Ang measurement ID sa Google Analytics ay isang natatanging identifier para sa isang stream ng data ng web (na isang website na nakarehistro sa Google Analytics). Ang format ng measurement ID sa Google Analytics 4 ay 'G-' na sinusundan ng kumbinasyon ng mga numero at titik, gaya ng 'G-PSW1MY7HB4.'

Nagsisilbi ang measurement ID bilang kritikal na link, na nagkokonekta ng iyong website sa kaukulang stream ng data sa Google Analytics 4. Sinisigurado nito na sa tamang lokasyon maipapadala ang data mula sa iyong site.

Sa Google Analytics 4, parehong ID ang measurement ID sa destination ID.

Hanapin ang iyong measurement ID

Para mahanap ang measurement ID, sundin ang mga hakbang na ito:

  1. Sa Admin, sa ilalim ng Pangongolekta at pagbago ng data, i-click ang Mga stream ng data.
    Ang nakaraang link ay papunta sa huling property sa Analytics na na-access mo. Puwede mong baguhin ang property gamit ang selector ng property. Dapat isa kang Editor o mas mataas sa level ng property para mahanap ang iyong measurement ID.
  2. Piliin ang tab na Web.
  3. I-click ang stream ng data ng web.
  4. Hanapin ang measurement ID sa unang row ng mga detalye ng stream.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
false
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Mga app ng Google
Pangunahing menu
14745459390869136175
true
Maghanap sa Help Center
false
true
true
true
true
true
69256
false
false
false
false