Mga custom na event

Mangolekta ng karagdagang impormasyon na hindi awtomatikong kinokolekta ng Google Analytics

Kung minsan, nagsasagawa ang isang user ng pagkilos na gusto mong suriin sa iyong mga ulat na hindi isa sa mga awtomatikong kinokolekta o inirerekomendang event. Sa ganitong mga sitwasyon, baka mainam na magpatupad ng custom na event.

Ang custom na event ay isang event na tutukuyin mo para makakolekta ka ng impormasyon tungkol sa isang interaction na mahalaga sa iyong negosyo.

Halimbawa, bagama't itinatala ng Google Analytics kapag tumingin ang isang user sa isang page, baka gusto mong malaman kapag may isang user na nagbigay ng donasyon, nakipag-interact sa isang bagong feature, napunta sa page ng kumpirmasyon, o nag-rename ng file. Sa ganitong mga sitwasyon, malamang na gugustuhin mong magpatupad ng custom na event.

Panoorin ang isang video tungkol sa mga custom na event

Bago ka gumawa ng custom na event

Bago ka gumawa ng custom na event, tiyaking hindi pa kinokolekta ang event na gusto mong gawin sa pamamagitan ng isang event na awtomatikong kinokolekta o hindi pa inirerekomenda bilang inirerekomendang event. Palaging mas magandang gumamit ng kasalukuyang event dahil awtomatikong pino-populate ng mga event na ito ang mga dimensyon at sukatan na ginagamit sa iyong mga ulat.

Paano magpatupad ng custom na event

Puwede kang magpatupad ng custom na event sa ilang iba't ibang paraan, depende sa kung paano mo na-set up ang iyong pagsukat sa website o app. Kasama sa mga ito ang:

Magkakaiba ang mga partikular na detalye ng pagpapatupad depende sa kung paano mo sine-set up ang iyong pagsukat sa website o app. Sumangguni sa dokumentasyon ng developer (tulad ng nasa itaas) para sa higit pang detalye sa kung paano magpatupad ng custom na event.

Ang anatomy ng custom na event

Ang custom na event ay binubuo ng mga sumusunod na bahagi:

  • Pangalan ng custom na event
  • Mga parameter ng custom na event na nauugnay sa custom na event

Pangalan ng event

Ang pangalan ng custom na event ay anumang pangalang pipiliin mo para sa event. Dapat ilarawan ng pangalan ang nilalayon mong sukatin gamit ang event. Halimbawa, kung sinusukat mo ang mga donasyon, posiblang "donasyon" ang pangalan.

Bago mo pangalanan ang isang custom na event, tiyaking sumusunod ang pangalan sa mga panuntunan sa pagpapangalan ng event (hal., ang pangalan ay case sensitive, hindi puwedeng nakareserbang pangalan, at nagsisimula sa titik) at sa mga limitasyon sa pagpapangalan ng event (ibig sabihin, dapat mas maikli sa 40 character ang haba ng pangalan) para matiyak na kinokolekta at pinoproseso ng Google Analytics ang event.

Kapag may nag-trigger sa custom na event sa iyong website o app, ginagamit ang pangalan ng event para bilangin kung gaano karaming beses na isinagawa ng isang user ang pagkilos. Halimbawa, kung may magbigay ng donasyon, tataas ng 1 ang bilang ng event na donasyon. Anumang karagdagang impormasyon tungkol sa donasyon ay dapat makuha bilang mga parameter ng custom na event.

Mga parameter ng event

Ang mga paramater ng event ng isang custom na event ay nagbibigay ng higit na impormasyon tungkol sa nangyaring pagkilos. Halimbawa, puwede mong sukatin kung matagumpay ang pagkilos, kung kailan nangyari ang event, o ang mga pagpiling ginawa ng mga user sa panahon ng interaction.

Binubuo ang isang parameter ng mga key/value pair. Kasama sa bawat pair ang mga bahaging ito:

  • Pangalan ng parameter, na naglalarawan sa impormasyong kinokolekta mo
  • Value ng parameter, ang value na nauugnay sa parameter sa interaction na iyon

Ang pangalan ng parameter ay parehong pangalan na ginagamit sa lahat ng session, habang ang value ng parameter ay dapat ma-update depende sa kung ano ang ginagawa ng user sa session. Halimbawa, kung mag-donate ng Php50.00 ang isang user, ang parameter na 'value' ay magiging '50.00,' samantala, kung mag-donate ang isa pang user ng Php100.00, ang parameter na 'value' ay magiging '100.00.' Nagbibigay-daan ito sa iyong sukatin ang parehong impormasyon sa iba't ibang session sa consistent na paraan.

Tandaan: Siguraduhing hindi lalampas ang iyong mga event sa Google Analytics sa limitasyong 25 parameter bawat event. Puwede itong maging dahilan para hindi maisama ang halaga ng event, na hahantong sa mga hindi pagkakatugma sa pagitan ng mga property sa client-side at server-side. Pag-isipang alisin ang mga hindi kinakailangang parameter o mag-upgrade sa Google Analytics 360 para sa mas mataas na limitasyon sa parameter.

Mga custom na dimensyon at sukatan

Para i-access ang iba't ibang value na itinalaga sa isang parameter ng event sa iyong mga ulat, dapat kang gumawa ng custom na dimensyon o sukatan. Nagbibigay-daan sa iyo ang custom na dimensyon o sukatan na makita ang impormasyon kinolekta mo mula sa isang parameter ng event. Halimbawa, kung magse-set up ka ng parameter ng event na 'value,' puwede kang gumawa ng custom na sukatang tinatawag na 'Value' na nagbibigay-daan sa iyong makita ang bawat value na itinalaga sa parameter ng event. Matuto pa tungkol sa mga custom na dimensyon at sukatan.

Cardinality at mga limitasyon sa system

Habang nagse-set up ka ng parameter ng custom na event, pag-isipan ang dami ng mga posibleng value na puwedeng italaga sa parameter.

Ang bawat parameter ay puwedeng magkaroon ng maraming itinalagang value. Halimbawa, posibleng magkaroon ng dalawang potensyal na value ang parameter ng custom na event na 'mobile' – 'true' o 'false.' Ang iba pang parameter ay puwedeng magkaroon ng kahit ilang itinalagang value, tulad ng 'page_location,' na puwedeng magkaroon ng ibang value para sa bawat URL sa iyong website.

Kapag gumawa ka ng custom na dimensyon para makakita ng nakakategorya na impormasyon tulad ng page_location, mahalaga ang dami ng mga posibleng value. Itinuturing na mga high-cardinality na dimensyon ang mga dimensyong may mahigit sa 500 posibleng value. Posibleng maapektuhan ng mga limitasyon sa system ng Google Analytics ang mga ulat at pag-explore na naglalaman ng mga high-cardinality na dimensyon, na puwedeng humantong sa pagkaka-roll up ng mga value sa row na (iba pa) o baka ma-trigger ang pag-sample ng data.

Bukod pa rito, suriin ang bilang ng mga custom na dimensyon at sukatang magagawa mo bago gumawa ng mga parameter ng custom na event. Kung magpapadala ka ng higit pang parameter ng event na lampas sa mga limitasyong ito, kakailanganin mong piliin kung alin sa mga parameter ng event na ito ang gusto mong gamitin bilang mga custom na dimensyon at sukatan.

Mga limitasyon sa pangongolekta ng event

Walang limitasyon sa bilang ng mga custom na event na magagawa mo para sa isang stream ng data ng web (ibig sabihin, website). Gayunpaman, puwede kang mangolekta ng mahigit sa 500 magkakaibang event sa bawat user ng mobile app bawat araw. Halimbawa, puwede kang makakita ng 700 magkakaibang event kung mayroon kang dalawang magkaibang user sa magkaibang instance ng app kung saan bawat isa ay nag-trigger ng magkaibang event.

Hindi nabibilang sa mga limitasyong ito ang mga event na awtomatikong kinolekta at event ng pinahusay na pagsukat.

Suriin ang iba pang limitasyon sa pangongolekta ng event bago gumawa ng sarili mong mga event.

Mga pangunahing event

Anumang custom na event ay puwedeng markahan bilang pangunahing event. Halimbawa, kung mahalaga ang mga donasyon sa tagumpay ng iyong negosyo, posible mong markahan ang custom na event na 'donasyon' bilang pangunahing event.

Kung minsan, ang aksyon na gusto mong sukatin ay bahagyang nakukuha sa pamamagitan ng isang kasalukuyang event, pero gusto mong limitahan ang saklaw ng event para sukatin ang isang aksyon na mahalaga sa iyong negosyo. Halimbawa, awtomatiko nang sinusukat ng Analytics ang mga pageview, pero baka gusto mo ng hiwalay na custom na event kapag may tumingin sa page ng kumpirmasyon.

Sa halip na gumawa ng custom na event sa mga ganitong sitwasyon, magagawa mong gumawa ng kopya ng event o baguhin ang event nang direkta, mula sa Google Analytics. Pagkatapos, puwede mong markahan ang event bilang pangunahing event. Nagbibigay-daan ito sa iyong gumawa ng mga event nang mabilis at hindi kinakailangang i-update ang code ng iyong website.

Gayunpaman, tiyaking i-communicate ang mga pagbabagong ito sa taong gumagawa ng mga pagbabago sa code ng iyong website kung hindi ikaw iyon. Kung hindi, baka masobrahan mo ang pagbilang sa interaction kung gumawa rin siya ng custom na event para sa interaction na iyon.

Tingnan ang mga event sa iyong mga ulat

Pagkatapos mong magpatupad ng custom na event at makolekta ng Google Analytics ang event, puwede mong gamitin ang ulat na Mga Event sa seksyong Mga Ulat para makita kung gaano karaming beses na nakolekta ang event at iba pang data tungkol sa event sa tinukoy na hanay ng petsa.

Puwede ka ring pumili ng pangalan ng event para magbukas ng mas detalyadong ulat tungkol sa event na iyon, kasama ang mga detalye tungkol sa mga parameter, demograpiko tungkol sa mga user na nag-trigger sa event, at kung gaano karaming user ang nag-triger sa bawat event (at nauugnay na parameter) nang realtime.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Mga app ng Google
Pangunahing menu
6445094018306637485
true
Maghanap sa Help Center
false
true
true
true
true
true
69256
false
false
false
false