Reports

[GA4] Compatibility ng data

Nangongolekta ang Google Analytics ng data mula sa mga website at mobile app na ita-tag mo, pati na rin sa mga pagsasama (hal., pagkonekta sa Google Ads), manual na pag-import ng data, data na pinagmamay-arian ng Google, at higit pa. Inilalarawan ng artikulong ito kung bakit hindi compatible ang ilang partikular na data sa iba pang data.

Puwede mong gamitin ang seksyong Mga Compatible na Field ng Explorer ng Mga Dimensyon at Sukatan ng GA4 para ma-verify kung compatible ang mga partikular na dimensyon at sukatan. 

Bakit hindi compatible ang data

Gustong tiyakin ng Google Analytics na tumpak at kapaki-pakinabang ang iyong data. Dahil doon, hindi mo mapagsasama-sama ang ilang partikular na dimensyon at sukatan kapag totoo ang alinman sa mga sumusunod:

  • Hindi compatible sa isa't isa ang mga dimensyon at sukatan. Nagso-store ang Analytics ng ilang kumbinasyon ng mga dimensyon at sukatan nang magkahiwalay na hindi puwedeng i-query nang magkasama. Halimbawa, ang data mula sa isang pagsasama ng Google Ads, tulad ng gastos sa campaign, ay hindi puwedeng hatiin ayon sa isang dimensyong tulad ng Pangalan ng event.
  • Hindi compatible sa isang visualization o technique ang mga dimensyon at sukatan. Nagbibigay sa iyo ang mga pag-explore ng access sa mga advanced na technique para sa pag-explore sa iyong data. Gumagamit ang bawat technique ng natatanging modelo ng data na hindi sa lahat ng dimensyon at sukatan gagana. Halimbawa, ang mga sukatang User at Bilang ng event lang ang sinusuportahan ng technique na pathing.

Bukod pa rito, hindi mo puwedeng pagsama-samahin ang ilang partikular na dimensyon at sukatan para sa iba pang dahilan sa compatibility na itinakda ng Analytics. Halimbawa, posibleng isinasama mo ang mga dimensyong Mga demograpiko at interes sa ilang partikular na field ng content na binuo ng user o custom na dimensyong hindi na compatible.

Pagiging hindi compatible sa Analytics

Ginagawa ng Analytics ang kahit man lang isa sa mga sumusunod kapag hindi compatible ang mga dimensyon at sukatan:

  • Gine-gray out ng Analytics ang mga dimensyon at sukatan para hindi mo mapili ang mga ito. Nangyayari ito sa Mga Pag-explore kung susubukan mong idagdag ang dimensyon o sukatan sa pag-explore.
    Halimbawa ng mga na-gray out na dimensyon
  • Magpapakita ang Analytics ng walang lamang ulat o pag-explore na may text na "Walang available na data," text na "Walang data para sa kumbinasyong ito ng mga segment, mga value, mga filter, at hanay ng petsa," o babalang Hindi compatible na kahilingan.
    An example of the "No data available" text in a report

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
true
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
2875590211186109446
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
69256
false
false