[UA] Tungkol sa Ecommerce

Mangolekta at magsuri ng data ng pagbili at transaksyon.
Ang artikulong ito ay tungkol sa mga ulat sa Ecommerce sa Universal Analytics. Para sa impormasyon tungkol sa mga ulat sa Ecommerce sa Google Analytics 4, pumunta sa [GA4] Ulat sa mga pagbili sa ecommerce.

Nagbibigay-daan sa iyo ang mga ulat sa Ecommerce na suriin ang aktibidad ng pagbili sa site o app mo. Puwede mong makita ang impormasyon ng produkto at transaksyon, average na halaga ng order, rate ng conversion na ecommerce, tagal o panahon bago bumili, at iba pang data.

Para makita ang data ng Ecommerce sa Analytics, kailangan mong:
  • i-enable ang Ecommerce sa iyong mga ulat at
  • magdagdag ng code sa iyong site/app upang mangolekta ng data ng ecommerce. Para kumpletuhin ang gawaing ito, kailangang kumportable ka sa pag-edit ng HTML at pag-code sa JavaScript, o tumanggap ng tulong mula sa isang may karanasang web developer.

Basahin ang I-set up ang Pagsubaybay sa Ecommerce.

Sa artikulong ito:

Hanapin ang mga ulat

Available ang mga sukatan ng ecommerce (hal. Mga Transaksyon, Kita, Rate ng Conversion na Ecommerce) sa tab na Explorer ng Ecommerce ng maraming karaniwang ulat. Puwede ka ring makakita ng mga ulat na partikular sa Ecommerce:

  1. Mag-sign in sa Google Analytics.
  2. Mag-navigate sa iyong view.
  3. Buksan ang Mga Ulat.
  4. Piliin ang Mga Conversion > Ecommerce.

Available na data

Binubuo ang data ng Ecommerce ng data ng transaksyon at item.

Binubuo ang data ng transaksyon ng impormasyong nakalolekta tungkol sa bawat transaksyon na nangyayari sa iyong site o app, at ibinibigay ang mga sumusunod na dimensyon:

Transaction ID Palaging kinokolekta at makikita sa mga ulat Ang transaction ID. (hal. 1234)
Kaugnayan Opsyonal na kinokolekta Ang tindahan o affiliation kung saan nangyari ang transaksyon.
Kita Opsyonal na kinokolekta Tinutukoy ang kabuuang kita o grand total na nauugnay sa transaksyon (hal. 11.99). Maaaring kabilang sa halagang ito ang pagpapadala, mga gastusin sa buwis o iba pang mga pagsasaayos sa kabuuang kita na gusto mong isama bilang bahagi ng mga kalkulasyon ng kita.
Pagpapadala Opsyonal na kinokolekta Tinutukoy ang kabuuang gastusin sa pagpapadala ng transaksyon. (hal. 5)
Buwis Opsyonal na kinokolekta Tinutukoy ang kabuuang buwis ng transaksyon. (hal.1.29)
Tandaan: Ginagamit ng Analytics ang Transaction ID para matiyak na isang beses lang bibilangin bawat session ang bawat transaksyon sa iisang Transaction ID, kahit na ilang beses pang tingnan ng user ang iyong page ng kumpirmasyon sa session na iyon (gaya ng pag-refresh ng page habang nagche-checkout). Gayunpaman, puwede mo pa ring iulat ang kita sa ecommerce nang walang transaction ID.

Ipinapakita ng isang item ang isang indibidwal na produktong binili bilang bahagi ng transaksyon. Ang isang item ay may mga sumusunod na dimensyon:

Transaction ID Palaging kinokolekta at makikita sa mga ulat Ang transaksyon kung saan binili ang item. (hal. 1234)
Pangalan Palaging kinokolekta at makikita sa mga ulat Ang pangalan ng item. (hal. Fluffy Pink Bunnies)
SKU Opsyonal na kinokolekta Tinutukoy ang SKU o item code. (hal. SKU47)
Kategorya Opsyonal na kinokolekta Ang kategoryang kinabibilangan ng item (hal. Mga Laruang Pang-party)
Presyo Opsyonal na kinokolekta Ang presyo ng bawat unit para sa item. (hal. 11.99)
Dami Opsyonal na kinokolekta Ang bilang ng mga unit ng item na binili bilang bahagi ng transaksyong ito. Kung nangongolekta ng iyong tracking code ng mga hindi buong numerong halaga (hal. 1.5), ira-round ito sa pinakamalapit na buong numerong halaga.

Mga karaniwang ulat

Available ang mga sumusunod na karaniwang ulat. Available ang mga karagdagang ulat bilang bahagi ng Pinahusay na Ecommerce.

  • Pangkalahatang-ideya: Buod ng Kita, Rate ng Conversion na Ecommerce, Mga Transaksyon, Average na Halaga ng Order at iba pang mga sukatan.
  • Performance ng Produkto: Kita, Mga Pagbili, Dami, Average na Presyo, at Average na QTY ayon sa SKU at Kategorya.
  • Pagganap sa Pagbebenta: Kita ayon sa Petsa.
  • Mga Transaksyon: Kita, Buwis, Pagpapadala at Dami ayon sa Transaction ID.
  • Oras bago Bumili: Mga Araw bago ang Transaksyon at Mga Session bago ang Transaksyon.

Batay sa data na ito, mauunawaan mo:

  • Kung aling mga produkto ang mabenta, at batay rito, kung aling mga produkto ang pinakaangkop para sa iyong customer base at kung alin sa mga ito ang sinusuportahan ng pinakamahuhusay mong pagsisikap sa marketing.
  • Ang kita sa bawat transaksyon, at ang bilang ng mga produkto sa bawat transaksyon. Halimbawa, kung ang bilang ng mga produkto sa bawat transaksyon ay mas mababa sa gusto mo, puwedeng makatulong sa iyo ang pag-aalok ng mas malalaking diskwento batay sa dami ng bibilhin, o ang hindi pagsingil ng mga gastusin sa shipping kung aabot sa isang minimum na halaga ng dolyar ang bibilhin ng mga customer.
  • Kung gaano katagal (sa oras at sa bilang ng mga session) inaabot ang mga customer bago magpasyang bumili. Kung hindi nagbabago ang iyong cycle ng benta, o kung madaling hulaan ang pagbabago nito batay sa produkto o panahon, magagamit mo ang impormasyong ito (kasabay ng kabuuang mga pagtataya sa benta) upang mahulaan mo ang kikitain mo sa maaasahang paraan. Kung regular na bumibisita nang ilang beses ang mga customer bago sila bumili, baka pag-isipan mong magkaroon ng disenyo ng site na mas madaling humantong sa iyong mga page ng pagbili, o mga opsyong nagbibigay-daan sa mga customer na ihambing ang mga produkto at presyo mo sa mga produkto at presyo ng iyong mga kakumpitensya.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
true
Pumili ng sarili mong learning path

Tingnan ang google.com/analytics/learn, isang bagong resource para tulungan kang sulitin ang Google Analytics 4. Makakakita sa bagong website ng mga video, artikulo, at may gabay na flow, at may mga link ito sa Discord ng Google Analytics, Blog, channel sa YouTube, at repository sa GitHub.

Magsimulang matuto ngayon!

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
6476490607382736370
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
69256
false
false