Ang Google tag (gtag.js) ay isang tag na maidaragdag mo sa iyong website para makagamit ng iba't ibang produkto at serbisyo ng Google. Sa halip na mamahala ng maraming tag para sa iba't ibang account ng produkto ng Google, puwede mong gamitin ang Google tag sa iyong buong website at ikonekta ang tag sa maraming destinasyon.
Ginagamit ng Google tag ang library ng JavaScript na gtag.js para magpadala ng data sa Google Analytics. Bukod pa sa Google tag, puwede mong gamitin ang Google Tag Manager para magpadala ng data sa Google Analytics.
Dating tinukoy ang Google tag bilang ang pangkalahatang tag ng site.
Hindi na sinusuportahan ng Google Analytics ang analytics.js JavaScript library.