Posibleng gustuhin mo minsan na gumawa ng bagong event sa tuwing may mati-trigger na dati nang event na may mga partikular na value ng parameter. Halimbawa, kung gusto mong magrehistro ng pangunahing event sa tuwing may user na makakarating sa page ng kumpirmasyon, puwede kang bumuo ng bagong custom na event na tinatawag na confirm_signup, bilang halimbawa, sa tuwing may event na page_view na may value ng parameter na page_location na tumutugma sa URL ng page ng kumpirmasyon mo. Pagkatapos, mamarkahan mo ang event na confirm_signup bilang pangunahing event.
Puwede ka ring magbago ng dati nang event, halimbawa, i-rename ito o ang mga parameter nito. Nagbibigay-daan ito sa iyo na mag-ayos ng mga error sa pagsusukat na dulot ng typo sa pangalan, mga kundisyon, o mga parameter ng isang event.
Mga limitasyon at babala
- Hindi nalalapat sa dating data ang mga binago at bagong event.
- Puwede kang magbago ng hanggang 50 dati nang event at gumawa ng hanggang 50 event batay sa mga dati nang event.
- Lilipas ang isang oras o higit pa bago mailapat ang mga pagbabago.
- Kinakalkula ang mga pagbabago nang client-side (bago ipadala ang data sa Analytics).
-
Hindi ka puwedeng gumawa o magbago ng mga event batay sa mga parameter mula sa array ng mga item (hal.,
item_brand,item_name,item_id) kapag gumamit ka nggtag.js. -
Hindi ka puwedeng magbago ng mga event kung ipinapadala mo ang mga ito sa server-to-server na setup, halimbawa, kapag gumamit ka ng Protocol ng Pagsukat.
Bago ka magsimula
Bago ka gumawa ng bagong event o mag-rename ng dati nang event:
- Siguraduhing hindi nakareserbang pangalan ang bagong pangalan
- Suriin ang mga pagbabago sa iyong team para hindi mo ma-duplicate ang mga pangalan ng event
- Suriin ang mga limitasyon sa pagkolekta ng event
Mga Tagubilin
Kung marami kang stream na nakakonekta sa iyong property sa Google Analytics, hihilingin sa iyong pumili kung sa aling stream mo gustong gawin o baguhin ang mga event mo.
Kapag gumawa ka ng event, may kokopyahing dati nang event sa bagong event na may mga parameter mula sa dati nang event kasama ang anumang bagong parameter na itatakda mo.
- Sa Admin, sa ilalim ng Display ng data, i-click ang Mga Event.
Ang nakaraang link ay papunta sa huling property sa Analytics na na-access mo. Puwede mong baguhin ang property gamit ang selector ng property. Dapat isa kang Editor o mas mataas sa level ng property para gumawa ng event mula sa dati nang event. Kung hindi mo makikita ang button na Gumawa ng event sa kanang bahagi sa itaas ng talahanayan, wala ka ng nire-require na tungkulin para makagawa ng mga event.
- I-click ang Gumawa ng event, pagkatapos ay i-click ang Gumawa.
- Sa Pangalan ng custom na event, maglagay ng pangalan ng event na sumusunuod sa mga panuntunan sa pagpapangalan ng event.
- Sa Mga tumutugmang kundisyon, tumukoy ng isa o higit pang tumutugmang kundisyon. Kokopyahin ng Google Analytics ang anumang event na tumutugma sa mga kundisyong tutukuyin mo. Halimbawa, kung tutukuyin mo na "ang event_name ay katumbas ng view_item," kokopyahin ng Analytics ang view_item sa iyong bagong event.
Para tumukoy ng kundisyon para maging case sensitive, gamitin ang isa sa mga operator na walang text na "(balewalain ang case)." Halimbawa, gamitin ang "katumbas ng" sa halip na ang "katumbas ng (balewalain ang case)" kung gusto mong eksaktong tumugma ang parameter sa value.
Bago ka gumamit ng karaniwang expression sa isang tumutugmang kundisyon, suriin ang pinakamahuhusay na kagawian. - (Opsyonal) Bilang default, naka-enable ang Kopyahin ang mga parameter mula sa event ng source para gamitin ang mga parameter mula sa tumutugmang event. Para i-off ang feature na ito, i-click ang Kopyahin ang mga parameter mula sa event ng source.
- (Opsyonal) Sa Baguhin ang mga parameter, baguhin ang alinman sa mga parameter mula sa tumutugmang event na kinopya mo sa bagong event. Halimbawa, kung tutukoy ka ng event na view_item sa mga tumutugmang kundisyon, puwede mong baguhin ang parameter ng currency. Matuto pa
Tandaan: Hindi ka makakapaglapat ng mga mathematical operation sa mga event gamit ang event builder. Sa halip, kailangan mong ipadala ang na-update na value sa isang bagong event.
- I-click ang Gawin.
Kapag binago ang isang event, nao-overwrite ang isang dati nang event sa pamamagitan ng pagdaragdag, pagbabago, o pag-aalis ng mga parameter. Pinoproseso ang mga binagong event bago iproseso ang mga ginawang event.
- Sa Admin, sa ilalim ng Display ng data, i-click ang Mga Event.
Ang nakaraang link ay papunta sa huling property sa Analytics na na-access mo. Puwede mong baguhin ang property gamit ang selector ng property. Dapat isa kang Editor o mas mataas sa level ng property para magbago ng event sa kasalukuyang event Kung hindi mo makikita ang button na Baguhin ang event sa kanang bahagi sa itaas ng talahanayan, wala ka ng nire-require na tungkulin para mabago ang mga event.
- I-click ang Baguhin ang event, pagkatapos ay i-click ang Gumawa.
- Sa Pangalan ng pagbabago, maglagay ng pangalang naglalarawan sa mga pagbabago.
- Sa Mga tumutugmang kundisyon, tumukoy ng isa o higit pang tumutugmang kundisyon. Magagawa mong baguhin ang event na may isa o higit pang parameter ng event na tumutugma sa lahat ng kundisyong tutukuyin mo. Halimbawa, kung tutukuyin mo na "ang event_name ay katumbas ng view_item," mababago mo ang event na view_item.
Para tumukoy ng kundisyon para maging case sensitive, gamitin ang isa sa mga operator na walang text na "(balewalain ang case)." Halimbawa, gamitin ang "katumbas ng" sa halip na ang "katumbas ng (balewalain ang case)" kung gusto mong eksaktong tumugma ang parameter sa value.
Bago ka gumamit ng karaniwang expression sa isang tumutugmang kundisyon, suriin ang pinakamahuhusay na kagawian. - Sa Baguhin ang mga parameter, baguhin ang alinman sa mga paramater mula sa tumutugmang event. Narito ang ilang halimbawa ng mga pagbabagong magagawa mo.
Tandaan: Hindi ka makakapaglapat ng mga mathematical operation sa mga event gamit ang event builder. Sa halip, kailangan mong ipadala ang na-update na value sa isang bagong event.
- I-click ang Gawin.
Ipinapatupad ang mga pagbabago sa pagkakasunod-sunod ng mga ito sa listahang Mga pagbabago ng event.
Nalalapat ang mga pagbabago sa event sa iyong data ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga ito sa listahan ng modification. Posibleng mahalaga ang pagkakasunod-sunod na ito kung may mga pagbabago kang nakadepende sa isa't isa.
Halimbawa, kung babaguhin mo ang pangalan ng isang event sa Pagbabago 1 at gagamitin mo ang pangalang iyon bilang batayan para sa paggawa ng isa pang event sa Pagbabago 2, kailangan mong mapatakbo ang mga pagbabago ayon sa pagkakasunod-sunod na Pagbabago 1 > Pagbabago 2. Kung mali ang pagkakasunod-sunod ng mga pagbabagong iyon, hindi gagana ang Pagbabago 2.
Para baguhin ang pagkakasunod-sunod ng mga pagbabago:
- Sa Admin, sa ilalim ng Display ng data, i-click ang Mga Event.
Ang nakaraang link ay papunta sa huling property sa Analytics na na-access mo. Puwede mong baguhin ang property gamit ang selector ng property. Dapat isa kang Editor o mas mataas sa level ng property para baguhin ang pagkakaayos ng iyong mga binagong event Kung hindi mo makikita ang button na Baguhin ang event sa kanang bahagi sa itaas ng talahanayan, wala ka ng nire-require na tungkulin para mabago ang mga event.
- I-click ang Baguhin ang event.
- Sa pane na Mga pagbabago ng event, i-click ang Baguhin ang pagkakasunod-sunod.
- Mag-drag ng pagbabago mula sa isang posisyon sa listahan patungo sa isa pa ayon sa kinakailangan.
- I-click ang Ilapat.
- Sa Admin, sa ilalim ng Display ng data, i-click ang Mga Event.
Ang nakaraang link ay papunta sa huling property sa Analytics na na-access mo. Puwede mong baguhin ang property gamit ang selector ng property. Dapat isa kang Editor o mas mataas sa level ng property para mag-edit ng isa sa mga nabuo o binago mong event. Kung hindi mo makikita ang button na Gumawa ng event sa kanang bahagi sa itaas ng talahanayan, wala ka ng nire-require na tungkulin para makagawa ng mga event.
- I-click ang Gumawa ng event.
- Sa talahanayang Mga custom na event, piliin ang event na babaguhin.
- Isaayos ang mga kundisyon at parameter kung kinakailangan.
- I-click ang I-save.
Mga Halimbawa
Mag-modify ng existing na event
Ipinapakita ng sumusunod na halimbawa kung paano i-rename ang pub_article sa publish_article. Para sa lahat ng data na nakolekta pagkatapos ng pagbabagong ito, publish_article ang lalabas sa iyong mga ulat sa halip na pub_article.
Baguhin ang event
Pangalan ng pagbabago
| Gawing publish_article ang pub_article |
Mga tumutugmang kundisyon
| Parameter | Operator | Value |
| event_name | katumbas ng | pub_article |
Baguhin ang mga parameter
| Parameter | Bagong value |
| event_name | publish_article |
Bumuo ng bagong event mula sa dati nang event
Gumawa ng bagong event kapag kailangan mong mag-trigger ng event batay sa mga kundisyon, pero ayaw mong baguhin ang anumang dati nang event. Gumawa ng bagong event tulad ng inilalarawan sa mga tagubilin sa kung paano Bumuo ng bagong event mula sa dati nang event.
Halimbawa, ipagpalagay na na-trigger ang dati nang event na article_scroll noong nag-scroll ang isang bisita para magbasa ng kumpletong artikulo sa website. Para magkaroon ng hiwalay na pag-uulat sa mga pag-scroll sa page ng produkto (product.html), puwede kang gumawa ng bagong event na product_scroll. Lalabas ang article_scroll at product_scroll sa mga ulat, para sa lahat ng data na nakolekta pagkatapos ma-trigger ang bagong event.
Gumawa ng event
Custom na pangalan ng event
| product_scroll |
Mga tumutugmang kundisyon
| Parameter | Operator | Value |
| event_name | katumbas ng | article_scroll |
| page_location | Naglalaman ng (Balewalain ang case) | produkto |
Mag-trigger ng event batay sa isang value
Tukuyin ang kasalukyang event o parameter na gusto mong gamitin bilang trigger para sa iyong bagong event.
Sabihin nating gusto mong gumawa ng custom na event na tinatawag na "large_purchase" sa tuwing ipinapadala ang event na purchase na may value na $100 o higit pa.
- Ilagay ang "large_purchase" bilang pangalan ng Custom na event.
- Ilagay ang mga tumutugmang kundisyon.
- Kopyahin sa bagong event ang mga parameter ng orihinal na event.
Custom na pangalan ng event
| large_purchase |
Mga tumutugmang kundisyon
| Parameter | Operator | Value |
| event_name | katumbas ng | purchase |
| value | mas mataas sa o katumbas ng | 100 |
Configuration ng parameter
Kopyahin ang mga parameter mula sa event ng source
Sa halimbawang ito, mananatili ang orihinal na event na purchase at ila-log din ang iyong bagong event na "large_purchase" kapag mas mataas o katumbas ng 100 ang event na purchase.
Baguhin ang mga parameter
Magbukas ng event tulad ng inilarawan sa mga tagubilin sa kung paano baguhin ang isang dati nang event:
Magbago ng value ng parameter
Para magbago ng parameter ng event, piliin ang parameter sa field na Parameter, pagkatapos ay ilagay ang value na gusto mong gamitin sa field na Bagong value. Halimbawa, para baguhin ang value ng level_name at gawin itong "Nakakatakot na piitan," piliin ang level_name na parameter, pagkatapos ay ilagay ang bagong value:
| Parameter | Bagong value |
| level_name | Nakakatakot na piitan |
Kumopya ng value ng parameter
Puwede mong palitan ang value ng isang parameter gamit ang value ng isa pang parameter. Para gawin ito, ilagay ang pangalan ng ibang parameter nang nakapaloob sa double bracket sa field na Bagong value.
| Parameter | Bagong value |
| level_name | [[other_parameter]] |
Halimbawa, sabihin nating nakahanap ka ng typo sa isang pangalan ng parameter: sa halip na level_name, naipatupad ang isang event na may parameter na lvl_name. Maaayos mo ito sa pamamagitan ng pagkopya muna sa parameter na may maling spelling sa tamang parameter.
| Parameter | Bagong value |
| level_name |
[[lvl_name]] |
Tandaan: Para magamit ang feature na ito, huwag magdagdag ng text sa labas ng mga square bracket (halimbawa, hindi gagana ang "[[lvl_name]] iba pang text").
Mag-alis ng parameter ng event
Puwede kang mag-delete ng mga parameter na hindi mo kailangan o ayaw mo. Para magawa ito, itakda ang value ng parameter sa blangko.
| Parameter | Bagong value |
| lvl_name |