Misrepresentasyon

Nagbibigay ang Google ng mga nakasaling bersyon ng aming Help Center, gayunpaman, hindi ginawa ang mga ito para baguhin ang content ng aming mga patakaran. Ang English na bersyon ang opisyal na wikang ginagamit namin para ipatupad ang aming mga patakaran. Para tingnan ang artikulong ito sa ibang wika, gamitin ang dropdown ng wika sa ibaba ng page.

Dapat sumunod ang mga user ng Display & Video 360 sa patakaran ng Google Ads na ito. Bisitahin ang help center ng Display & Video 360 para sa mga karagdagang paghihigpit.

Para sa mga subtitle sa iyong wika, i-on ang mga caption sa YouTube. Piliin ang icon ng mga setting Larawan ng icon ng mga setting ng YouTube sa ibaba ng video player, pagkatapos ay piliin ang "Mga Subtitle/CC" at piliin ang iyong wika.


Gusto naming mapagkatiwalaan ng mga user ang mga ad sa aming platform, kaya nagsisikap kaming matiyak na malinaw at tapat ang mga ad, at na makakapagbigay ang mga ito ng impormasyong kinakailangan ng mga user para makagawa ng matatalinong pagpapasya. Hindi namin pinapahintulutan ang mga ad o destinasyong nanloloko sa mga user sa pamamagitan ng hindi pagsama ng kaugnay na impormasyon tungkol sa produkto, o pagbibigay ng mapanlinalang na impormasyon tungkol sa mga produkto, serbisyo, o negosyo.

Nasa ibaba ang ilang halimbawa ng kung ano ang dapat iwasan sa iyong mga ad. Alamin kung ano ang mangyayari kung lalabag ka sa aming mga patakaran.

Mga hindi katanggap-tanggap na kasanayan sa negosyo

Hindi pinapayagan ang sumusunod:

Pag-scam ng mga user sa pamamagitan ng pagtatago o pagbibigay ng maling impormasyon tungkol sa negosyo, produkto, o serbisyo ng advertiser

Mga Halimbawa (hindi kumpleto):

  • Panghihikayat sa mga user na magbigay ng pera o personal na impormasyon sa pamamagitan ng pagpapanggap o maling pagpapahiwatig ng affiliation sa, o pag-eendorso ng, isang pampublikong personalidad, brand, o organisasyon
  • Panghihikayat sa mga user na magbigay ng pera o impormasyon sa pamamagitan ng isang negosyong kulang sa mga kwalipikasyon o kapasidad na ibigay ang mga ina-advertise na produkto o serbisyo
  • Maling pag-advertise ng mga serbisyong puwedeng magsapanganib sa kalusugan, buhay, o kaligtasan ng isang user; pagkukunwaring magbibigay ng mga kritikal na serbisyo na magreresulta sa pagkaantala sa paggamot sa user o sa pagtanggap niya ng medikal na tulong

Mga destinasyon ng ad na gumagamit ng mga diskarte ng “phishing” para mangalap ng impormasyon ng user

Mga Halimbawa (hindi kumpleto): Mga site na nangloloko ng mga user para ihayag ang kanilang personal na impormasyon sa pamamagitan ng pagtulad sa isang pinagkakatiwalaang entity tulad ng browser o bangko

Tandaan: Puwede kaming magsagawa ng pagkilos sa account ng advertiser batay sa, halimbawa, matitinding babala, settlement, o desisyon ng awtoridad sa pagkontrol tungkol sa mga kasanayan sa negosyo ng isang advertiser, o mga direktang reklamo mula sa mga negosyo at iba pang entity tungkol sa pagpapanggap.

Lubos naming sineseryoso ang mga paglabag sa patakarang ito, at itinuturing naming malubha ang mga ito. Ang malubhang paglabag sa mga patakaran ng Google Ads ay isang seryosong paglabag na ilegal o nagdudulot ng malaking pinsala sa aming mga user. Para malaman kung lumalabag sa patakarang ito ang isang advertiser o destinasyon, puwede kaming magsuri ng impormasyon mula sa maraming source, kasama ang iyong ad, website, mga account, at mga third-party na source.  Kung makakakita kami ng mga paglabag sa patakarang ito, sususpindihin namin ang iyong mga Google Ads account pagkatapos matukoy ang paglabag nang walang patiunang babala, at hindi ka na papahintulutan pang mag-advertise ulit sa amin. Kung naniniwala kang may pagkakamali, at hindi mo nilabag ang aming patakaran, magsumite ng apela at ipaliwanag kung bakit. Nagbabalik lang kami ng mga account kung idinidikta ng kalagayan at kapag may magandang dahilan para gawin iyon, kaya mahalagang maglaan ka ng panahon para maging detalyado, tumpak, at matapat. Matuto pa tungkol sa mga nasuspindeng account.

Mga planadong mapanlinlang na kagawian

Hindi pinapayagan ang sumusunod:

Hindi pinapayagan Pakikipag-ugnayan sa iba pang site o account at ang pagtatago o pagsisinungaling tungkol sa iyong pagkakakilanlan o sa iba pang mahahalagang detalye tungkol sa sarili mo, kung saan nauugnay ang iyong content sa pulitika, mga isyung panlipunan, o mga pampublikong usapin.

Hindi pinapayagan Pagdidirekta ng content tungkol sa pulitika, mga isyung panlipunan, o mga pampublikong usapin sa mga user na nasa ibang bansa, kung mamaliin o itatago mo ang iyong pinagmulang bansa o ang iba pang mahalagang detalye tungkol sa sarili mo. 

Lubos naming sineseryoso ang mga paglabag sa patakarang ito, at itinuturing naming malubha ang mga ito. Ang malubhang paglabag sa mga patakaran ng Google Ads ay isang seryosong paglabag na ilegal o nagdudulot ng malaking pinsala sa aming mga user. Para malaman kung lumalabag sa patakarang ito ang isang advertiser o destinasyon, puwede kaming magsuri ng impormasyon mula sa maraming source, kasama ang iyong ad, website, mga account, at mga third-party na source.  Kung makakakita kami ng mga paglabag sa patakarang ito, sususpindihin namin ang iyong mga Google Ads account pagkatapos matukoy ang paglabag nang walang patiunang babala, at hindi ka na papahintulutan pang mag-advertise ulit sa amin. Kung naniniwala kang may pagkakamali, at hindi mo nilabag ang aming patakaran, magsumite ng apela at ipaliwanag kung bakit. Nagbabalik lang kami ng mga account kung idinidikta ng kalagayan at kapag may magandang dahilan para gawin iyon, kaya mahalagang maglaan ka ng panahon para maging detalyado, tumpak, at matapat. Matuto pa tungkol sa mga nasuspindeng account.

Alamin kung paano mag-ayos ng hindi naaprubahang ad o asset.

Nakakapanlinlang na representasyon

Hindi pinapayagan ang sumusunod:

Hindi pinapayagan Paggawa ng mga nakakapanlinlang na pahayag, pagtatago, o pag-aalis ng mahalagang impormasyon tungkol sa iyong pagkakakilanlan, mga affiliation, o mga kwalipikasyon

Mga Halimbawa (hindi kumpleto): Pagpapahiwatig ng affiliation sa o pag-eendorso ng, isa pang organisasyon, brand, o pribadong mamamayan nang hindi nila alam o nang walang pahintulot mula sa kanila; isang affiliate marketer na nag-a-advertise ng mga legal na serbisyo nang hindi inihahayag na hindi sila nagbibigay ng mga legal na serbisyo; isang hindi lisensyadong contractor ng bahay na nagsasabing isa siyang lisensyadong provider

Hindi pinapayagan Pagbibigay ng hindi tumpak na pangalan ng negosyo, o pangalan ng negosyo na hindi malinaw na kinakatawan ang naka-advertise na negosyo, o hinalaw sa mga katulad na negosyo sa mga interaction sa ad o user

Halimbawa (hindi kumpleto): misrepresentasyon sa pangalan ng iyong negosyo sa mga pagtawag sa mga user

Ang mga paglabag sa patakarang ito ay hindi hahantong sa agad na pagsususpinde ng account nang walang patiunang babala. May ibibigay na babala, hindi bababa sa 7 araw, bago ang anumang pagsususpinde ng iyong account. Matuto pa tungkol sa mga nasuspindeng account.

Mga hindi matapat na gawi sa pagpepresyo

Hindi pinapayagan ang sumusunod:

Hindi malinaw at hindi madaling makitang paglalahad ng modelo ng pagbabayad o kabuuang halagang babayaran ng user

Mga Halimbawa (hindi kumpleto): hindi paglalantad ng presyo, mga gastos sa pagpapadala, at iba pang impormasyong may kaugnayan sa pagsingil, mga rate ng interes, mga multa sa nahuling pagbabayad o umuulit na gastos sa subscription; paggamit ng mga numero ng telepono na may premium sa mga asset para sa pagtawag; pagpapalobo ng mga presyo mula sa na-quote na halaga para samantalahin ang mga user sa mga panahong mahina sila o madali silang mapuwersa

 Pag-advertise ng mga produkto o serbisyo na libre kahit na nasisingil ang mga ito

Mga Halimbawa (hindi kumpleto): Pag-promote ng mga app na libre kahit na dapat magbayad ang isang user para ma-install ang app

  1. Suriin ang ad at ang destinasyon nito para tingnan kung saan posibleng may kulang na mahalagang impormasyon ang mga ito. Narito ang ilang halimbawa:
    • Modelo ng pagbabayad at impormasyon sa pagsingil: Tiyaking malinaw at kapansin-pansing ipinapahayag ng iyong site o app ang kabuuang halagang gagastusin ng user, pati na rin kung paano gumagana ang iyong proseso ng pagsingil. Kapag nagpapasya kung malinaw at kapansin-pansin ang isang bagay, puwede naming isaalang-alang ang mga salik gaya ng: 
      • Kung nakikita at halata ba sa mga user ang impormasyon tungkol sa presyo (halimbawa, hindi magandang simula ang hindi pagkakaroon ng impormasyon tungkol sa presyo sa landing page, o pagtatago ng impormasyon, dahil may access dapat ang mga user sa impormasyong ito bago nila gamitin ang serbisyo)
      • Kung madali bang makikita at mauunawaan ng mga customer ang mga magagastos nila, o kung, sa kabaligtaran, idinisenyo ang page sa paraang nagtatago ng impormasyon tungkol sa presyo o nagpapahirap para sa mga customer na maunawaan ang mga magagastos nila (halimbawa, pagpapakita ng impormasyon tungkol sa presyo gamit ang mga grey na character sa grey na background, paggamit ng napakaliliit na font, o pagpapakita ng ibang element ng page sa ibabaw ng mahalagang impormasyon)
      • Kung madali bang maunawaan ang istruktura ng bayarin (halimbawa, simple at diretsahan dapat hangga't posible ang formula na ipinapakita para ipaliwanag kung paano tutukuyin ang gastusin sa serbisyo) 
        Partikular na halimbawa: Kapag sinisingil ang mga user sa pamamagitan ng paggamit ng numero ng teleponong may premium na rate na malinaw at kapansin-pansing nagpapakita ng mga magagastos ng user, gaya ng presyo bawat tawag at/o presyo bawat minuto ng tawag. 
    • Mga pag-install ng app: Tiyaking alisin ang anumang content sa ad creative na nanlilinlang sa mga user para maniwalang libreng i-download ang iyong app kahit hindi naman.
  2. Ayusin ang destinasyon ng ad. Idagdag ang anumang kinakailangang impormasyon. Kung hindi mo maaayos ang destinasyon ng ad, i-update ang ad sa pamamagitan ng pagpapalit ng bagong destinasyong nakakasunod sa patakarang ito.
  3. I-edit ang ad. Idagdag ang anumang kinakailangang impormasyon. Kung nakakasunod na ang iyong ad sa patakaran pero nagsagawa ka ng mga pagbabago sa destinasyon ng ad, i-edit ang ad at i-save ito. Isusumite nito ulit ang ad at ang destinasyon nito para sa pagsusuri.

Ang mga paglabag sa patakarang ito ay hindi hahantong sa agad na pagsususpinde ng account nang walang patiunang babala. May ibibigay na babala, hindi bababa sa 7 araw, bago ang anumang pagsususpinde ng iyong account. Matuto pa tungkol sa mga nasuspindeng account.

Mga Clickbait na Ad

Hindi pinapayagan ang sumusunod:

Mga ad na gumagamit ng mga clickbait na diskarte o pumupukaw ng matinding damdamin na text o koleksyon ng imahe para humimok ng trapiko

Mga Halimbawa (hindi kumpleto): Mga ad na nagsasabing magbubunyag ang mga ito ng lihim, iskandalo, o iba pang pumupukaw ng matinding damdamin na impormasyon tungkol sa produkto o serbisyong ina-advertise; mga ad na gumagamit ng clickbait na mensahe tulad ng “Mag-click dito para malaman,” “Hindi ka maniniwala sa nangyari,” o mga pariralang kasingkahulugan o katulad ng mga ito para hikayatin ang user na mag-click sa Ad para maunawaan ang buong konteksto ng ad;  mga ad na gumagamit ng malinaw na binago at naka-zoom in na mga bahagi ng katawan, mugshot, o larawan ng tunay na aksidente o kalamidad para mag-promote ng produkto o serbisyo; o mga ad na gumagamit ng mga “bago at pagkatapos” na larawan para mag-promote ng malalaking pagbabago sa katawan ng tao

Mga ad na gumagamit ng mga negatibong pangyayari sa buhay tulad ng kamatayan, mga aksidente, mga sakit, mga pagkaaresto, o pagkabangkarote para magdulot ng takot, pagsisisi, o iba pang matinding negatibong emosyon para udyukan ang mga manonood na magsagawa kaagad ng pagkilos.

Mga Halimbawa (hindi kumpleto): Mga ad na nagtutulak sa user na bumili, mag-subscribe sa, o huminto sa paggamit ng isang produkto o serbisyo para makaiwas sa pinsala; mga ad na gumagamit ng mga paglalarawan ng matinding pagkabalisa, sakit, takot, o pagkagulat para mag-promote ng produkto o serbisyo
Ang mga paglabag sa patakarang ito ay hindi hahantong sa agad na pagsususpinde ng account nang walang patiunang babala. May ibibigay na babala, hindi bababa sa 7 araw, bago ang anumang pagsususpinde ng iyong account. Matuto pa tungkol sa mga nasuspindeng account.
Alamin kung paano mag-ayos ng hindi naaprubahang ad o asset.

Nakakapanlinlang na disenyo ng ad

Hindi pinapayagan ang sumusunod:

 

Hindi pinapayagan Mga ad na ginagawang mahirap para sa user na maunawaan na nag-i-interact sila sa isang ad

Mga Halimbawa (hindi kumpleto):  Mga ad na kahawig ng mga babala/mensahe ng error ng system o site; mga ad na nanggagaya ng mga mensahe, dialog box, menu, o notification ng kahilingan; mga naka-host na ad na walang pagkakaiba sa iba pang content; mga ad na nagpapakita ng mga feature na hindi gumagana, gaya ng mga button na isara, kahon sa pag-input ng text, mga opsyon na may maraming pagpipilian; mga button o icon sa pag-download/pag-install sa mga image ad; mga ad na may transparent na background; mga larawang naka-segment; isang larawang naglalaman ng maraming kopya nito sa ad; mga larawang mukhang mas marami sa isang ad; mga gumagalaw at nagki-click na arrow; mga ad na gumagamit ng mga palihim na diskarte para itago ang katangian nito

Tandaan: Puwedeng magkaroon ang mga animated na ad at ad sa Ad gallery ng mga kunwaring animated na feature o icon hangga't gumagana ang functionality o makikita sa landing page ang layunin ng mga feature na ito.

Ang mga paglabag sa patakarang ito ay hindi hahantong sa agad na pagsususpinde ng account nang walang patiunang babala. May ibibigay na babala, hindi bababa sa 7 araw, bago ang anumang pagsususpinde ng iyong account. Matuto pa tungkol sa mga nasuspindeng account.
Alamin kung paano mag-ayos ng hindi naaprubahang ad o asset.

Minanipulang media

Hindi pinapayagan ang sumusunod:

Hindi pinapayagan Pagmamanipula ng media para manlinlang, mandaya, o manloko ng iba

Mga Halimbawa (hindi kumpleto):  Mapanlinlang na pagdodoktor ng media na may kinalaman sa pulitika, mga isyung panlipunan, o mga pampublikong usapin

Ang mga paglabag sa patakarang ito ay hindi hahantong sa agad na pagsususpinde ng account nang walang patiunang babala. May ibibigay na babala, hindi bababa sa 7 araw, bago ang anumang pagsususpinde ng iyong account. Matuto pa tungkol sa mga nasuspindeng account.
Alamin kung paano mag-ayos ng hindi naaprubahang ad o asset.

Hindi pinapayagan ang sumusunod:

Paggamit ng mga hindi tumpak na pahayag o mga pahayag na nag-eengganyo sa user na puwede niyang asahan ang isang resultang malabong mangyari (kahit na posible ang resultang ito)

Mga pahayag na may kaugnayan sa kalusugan at pagpapapayat
  • Pagbibigay ng mga hindi napatunayang pahayag tungkol sa mga gamot para sa mga hindi nagagamot na medikal na karamdaman

    Mga Halimbawa (hindi kumpleto): Mga "miracle cure" para sa mga medikal na karamdaman tulad ng arthritis, diabetes, Alzheimer’s disease, o cancer; Mga produktong nangangakong “nakakagamot ng lahat” para sa ilang sakit;

    Tandaan: Para sa mga pahayag na may kinalaman sa kalusugan, kabilang ang testimonial na content, puwede naming sundin ang mga lokal na alituntunin sa regulasyon kapag ipinapatupad ang patakarang ito.

  • Pagbibigay ng mga pahayag kaugnay ng hindi makatotohanang pagpapapayat sa loob ng isang partikular na yugto ng panahon o na nangangailangan ng kaunting pagsisikap lang

    Halimbawa (hindi kumpleto): Mga produkto o programa para sa matinding pagpapapayat

    Partikular na halimbawa: Ipinapahayag ng isang ad tungkol sa pagpapapayat na magagawa mong kainin ang anumang gusto mo at magbawas ng 10 pound sa isang buwan

  • Content na nagpo-promote ng mga mapaminsalang pahayag sa kalusugan, o content na nauugnay sa kasalukuyan at malaking krisis sa kalusugan at sumasalungat sa may awtoridad na siyentipikong napagkasunduan.

    Mga Halimbawa (hindi kumpleto): Adbokasiya laban sa bakuna; pagtanggi sa pagiging totoo ng mga medikal na kundisyong gaya ng AIDS o Covid-19; gay conversion therapy

Tandaan: Kung nagbibigay ka ng garantiya sa ilang partikular na resulta, magkaroon ng malinaw at mabilis na naa-access na patakaran sa pag-refund (pagbabalik ng pera). Ang mga testimonial na nagpapahayag ng mga partikular na resulta ay may kasama dapat na nakikitang disclaimer na nagsasaad na walang garantiya ang mga partikular na resulta at puwedeng mag-iba-iba ang mga resulta. Magsama ng mga link papunta sa pag-verify ng third-party o magsama ng mga may kaugnayan at kapansin-pansing disclaimer kapag ipinapahiwatig ng mga testimonial at pag-eendorso na karaniwan ang mga resulta.

Mga pahayag na may kaugnayan sa mga produktong pampinansyal o scheme para kumita ng pera
  • Pagbibigay ng mga hindi makatotohanang pangako ng malaking kita kapalit ng kaunting panganib, pagsisikap, o maliit na puhunan lang

    Mga Halimbawa (hindi kumpleto): Mga scheme sa "mabilis na pagyaman;" paggagarantiya ng kita, o pangangako ng kita na hindi makatotohanan o exaggerated para sa ina-advertise na produkto ng pamumuhunan; pagpapakitang walang panganib sa mga produkto ng pamumuhunan o pinagmumukhang hindi gaanong mapanganib ang mga pagkakataon sa pamumuhunan

Mga pahayag na may kaugnayan sa pulitika, mga isyung panlipunan, o mga pampublikong usapin
  • Pagbibigay ng mga pahayag na nakikitang hindi totoo at puwedeng magkaroon ng negatibong epekto sa paglahok o pagtitiwala sa elektoral o demokratikong proseso.

    Halimbawa (hindi kumpleto): Impormasyon tungkol sa mga pamamaraan ng pampublikong pagboto, pagiging kwalipikado ng isang pulitikal na kandidato batay sa edad o lugar ng kapanganakan, mga resulta ng eleksyon, o paglahok sa census na kumokontra sa mga opisyal na tala ng gobyerno; mga maling pahayag na namatay o naaksidente ang isang kilalang tao

  • Paggawa ng mga pahayag na kumokontra sa may awtoridad na siyentipikong napagkasunduan tungkol sa pagbabago sa klima
Ang mga paglabag sa patakarang ito ay hindi hahantong sa agad na pagsususpinde ng account nang walang patiunang babala. May ibibigay na babala, hindi bababa sa 7 araw, bago ang anumang pagsususpinde ng iyong account. Matuto pa tungkol sa mga nasuspindeng account.
Alamin kung paano mag-ayos ng hindi naaprubahang ad o asset.

Hindi malinaw na kaugnayan

Hindi pinapayagan ang sumusunod:

Mga promosyong walang kaugnayan sa destinasyon

Mga Halimbawa (hindi kumpleto): Ad na gumagamit sa feature na paglagay ng keyword nang walang nakatakdang kaugnay na "default" na keyword; walang kaugnayan sa content ng ad ang pamagat ng ad; hindi malinaw na isinasaad ng ad na ang magreresultang destinasyon ay isang page ng resulta ng paghahanap; hindi tumpak na inilalarawan ng ad kung ano ang makikita ng user sa destinasyon; paggamit ng masyadong pangkalahatang keyword o pagsasagawa ng pag-spam ng keyword

Tandaan: Kapag gumagamit ng paglagay ng keyword, magsama ng default na ad text na malinaw at madaling maunawaan.

Ang mga paglabag sa patakarang ito ay hindi hahantong sa agad na pagsususpinde ng account nang walang patiunang babala. May ibibigay na babala, hindi bababa sa 7 araw, bago ang anumang pagsususpinde ng iyong account. Matuto pa tungkol sa mga nasuspindeng account.
Alamin kung paano mag-ayos ng hindi naaprubahang ad o asset.

Mga hindi available na alok

Hindi pinapayagan ang sumusunod:

Pangangako ng mga produkto, serbisyo, o pampromosyong alok sa ad na hindi available o hindi madaling makita mula sa destinasyon

Mga Halimbawa (hindi kumpleto): Pag-promote ng mga produktong walang stock, pag-promote ng deal na hindi na aktibo; pag-promote ng presyong hindi tumpak, call-to-action sa ad na hindi agarang available mula sa destinasyon

Partikular na halimbawa: "Bumili ng mga tablet mula Php2,000" ang nakalagay sa ad, pero kapag na-click ang ad, walang makikitang tablet ang user na mabibili sa halagang Php2,000

Tandaan: Iwasang gumawa ng mga ad para sa mga partikular na alok maliban na lang kung maa-update mo ang iyong mga ad kapag nagbago ang imbentaryo o mga alok mo. Halimbawa, kung gumawa ka ng ad para sa isang pampromosyong diskwento na pang-isang araw, tandaang i-update o alisin ang ad sa susunod na araw kapag hindi na available ang alok. Kung madalas magbago ang imbentaryo o mga presyo sa iyong site, pag-isipang mag-set up ng Mga Dynamic na Search Ad, na awtomatikong magpapakita ng ad mo batay sa content ng iyong website.

Ang mga paglabag sa patakarang ito ay hindi hahantong sa agad na pagsususpinde ng account nang walang patiunang babala. May ibibigay na babala, hindi bababa sa 7 araw, bago ang anumang pagsususpinde ng iyong account. Matuto pa tungkol sa mga nasuspindeng account.
Alamin kung paano mag-ayos ng hindi naaprubahang ad o asset.

Kailangan mo ba ng tulong?

Kung mayroon kang mga tanong tungkol sa aming mga patakaran, ipaalam sa amin: Makipag-ugnayan sa Suporta sa Google Ads

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
13652218559035998273
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false
false