Mga Update sa patakaran sa Misrepresentasyon (Agosto 2020)

Nagbibigay ang Google ng mga nakasaling bersyon ng aming Help Center, gayunpaman, hindi ginawa ang mga ito para baguhin ang content ng aming mga patakaran. Ang English na bersyon ang opisyal na wikang ginagamit namin para ipatupad ang aming mga patakaran. Para tingnan ang artikulong ito sa ibang wika, gamitin ang dropdown ng wika sa ibaba ng page.

 

Sa Agosto 2020, ire-rename at isasaayos namin ulit ang aming mga patakaran sa misrepresentasyon para mas madaling mabasa at maunawaan ang mga ito. Isasama sa ilang partikukar na pagkilos ng patakaran at kaukulang pagmemensahe sa mga advertiser sa Google ang mga na-update na pangalan ng patakaran. Gayunpaman, hindi maaapektuhan ng mga pagbabagong ito kung ano ang kasalukuyang pinaghihigpitan o ipinagbabawal ayon sa aming mga patakaran.

Halimbawa ng kung ano ang magbabago

Gagawing “Mga hindi matapat na kagawian sa pagpepresyo” ang pangalan ng patakaran sa “Nawawalang Impormasyon” para saklawin ang mga ad na may mga mapanlinlang na kagawian sa pagpepresyo o hindi malinaw na modelo ng pagbabayad. Ang mga alituntunin sa patakaran na nauugnay sa pangangalap ng mga pondo at tax exempt na status para sa mga pampulitikang organisasyon at kawanggawa na dating nasa patakaran sa Nawawalang Impormasyon ay ipapatupad na sa ilalim ng aming patakaran sa “Pangangalap ng Mga Pondo” mula ngayon. 

Ang maraming alituntunin sa patakaran na nauugnay sa “Mga hindi maaasahang pahayag,” “Mapanlinlang na disenyo ng ad,” at “Minanipulang media” na kasalukuyang ipinapatupad sa ilalim ng patakaran sa “Mapanlinlang na Content” ay magiging mga hiwalay na patakaran sa ilalim ng kategorya ng patakaran sa Misrepresentasyon para sa pinahusay na pagmemensahe sa advertiser. Gagawing "Mapanlinlang na representasyon" ang pangalan ng patakaran sa "Mapanlinlang na content."

Magiging isang bagong patakaran sa ilalim ng Editoryal ang “Mga kinakailangan sa pangalan ng negosyo.” Patuloy naming ipapatupad ang mga hindi tumpak at mapanlinlang na pangalan ng negosyo sa ilalim ng patakaran sa “Mapanlinlang na representasyon.”

 

(Na-post noong Agosto 2020)

 


 

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
true
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
17422929281291407700
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false
false