Update sa patakaran sa Pangangalaga sa kalusugan at mga gamot (Abril 2020)

Nagbibigay ang Google ng mga nakasaling bersyon ng aming Help Center, gayunpaman, hindi ginawa ang mga ito para baguhin ang content ng aming mga patakaran. Ang English na bersyon ang opisyal na wikang ginagamit namin para ipatupad ang aming mga patakaran. Para tingnan ang artikulong ito sa ibang wika, gamitin ang dropdown ng wika sa ibaba ng page.

Nitong Abril 2020, na-update ng Google ang patakaran sa Pangangalaga sa kalusugan at mga gamot na partikular sa mga bansang US at Canada para pahintulutan ang mga certified na provider ng telemedicine na mag-promote ng mga serbisyo ng online na parmasya. Bilang resulta, ang mga provider ng telemedicine na certified ng LegitScript ay puwedeng mag-apply para sa pag-advertise na may kaugnayan sa pangangalaga sa kalusugan na ilalapat kaagad. 

United States

Produkto Pinapayagan?
Mga online na parmasya

Green checkmark, allowed Pinapayagan nang may mga limitasyon

Pinapayagan ng Google ang mga online na parmasya kung may akreditasyon ang mga ito sa isa sa mga organisasyong nakalista sa ibaba:

Healthcare Merchant Certification at Monitoring Program ng LegitScript

  • Certification ng parmasya sa internet — Available sa mga website na tumatanggap ng mga refill, paglilipat, o bagong reseta; o mga parmasyang nagbebenta ng mga inireresetang gamot sa pamamagitan ng mail-order o iba pang anyo ng serbisyo sa malayuang pag-order.
  • Certification sa telemedicine — Available sa mga website na nag-aalok ng mga virtual na serbisyo sa pangangalaga sa kalusugan at nangangasiwa sa pagrereseta.

National Association of Boards of Pharmacy (NABP)

  • VIPPS — Available sa mga parmasyang may kumpletong online na functionality, kabilang ang pagbebenta (o pangangasiwa sa pagbebenta) ng mga inireresetang gamot o pagtanggap ng mga bagong order ng inireresetang gamot sa pamamagitan ng kanilang website.
  • .pharmacy Verified Websites Program — Ang mga website na may pinakamataas na antas ng domain na ".pharmacy" ay available sa mga parmasyang may kumpleto o limitadong online na functionality, kabilang ang pagbebenta (o pangangasiwa sa pagbebenta) ng mga inireresetang gamot o serbisyo, pagtanggap ng mga bagong order ng inireresetang gamot sa pamamagitan ng kanilang website, at mga pag-refill at paglilipat ng reseta.

Matuto pa o mag-apply para sa certification sa LegitScript o akreditasyon ng NABP

Certified din dapat sa Google ang mga advertiser. Tingnan kung paano mag-apply.

Mga serbisyo sa adiksyon

Green checkmark, allowed Pinapayagan nang may mga limitasyon

Para makapag-advertise para sa mga serbisyo sa adiksyon sa droga at alak na nakatuon sa pag-recover, dapat kang maging certified bilang provider ng mga serbisyo sa adiksyon ng programa ng Certification sa LegitScript.

Tungkol sa Certification sa LegitScript: Hindi lahat ng serbisyo sa adiksyon sa droga at alak ay kwalipikado para sa Certification sa LegitScript. Ang mga hindi kwalipikado para sa certification ay hindi pinapayagang mag-advertise sa Google para sa mga serbisyo sa adiksyon sa droga at alak. May sinisingil na bayarin ang LegitScript para sa pagproseso at pagsubaybay sa mga aplikante, pero posibleng walang maging bayarin sa ilang partikular na sitwasyon. Matuto pa o mag-apply para sa Certification sa LegitScript

Certified din dapat sa Google ang mga advertiser. Tingnan kung paano mag-apply.

Canada

Produkto Pinapayagan?
Mga online na parmasya

Green checkmark, allowed Pinapayagan nang may mga limitasyon

Pinapayagan ng Google ang mga online na parmasya kung may akreditasyon ang mga ito sa isa sa mga organisasyong nakalista sa ibaba:

Healthcare Merchant Certification at Monitoring Program ng LegitScript

  • Certification ng parmasya sa internet — Available sa mga website na tumatanggap ng mga refill, paglilipat, o bagong reseta; o mga parmasyang nagbebenta ng mga inireresetang gamot sa pamamagitan ng mail-order o iba pang anyo ng serbisyo sa malayuang pag-order.
  • Certification sa telemedicine — Available sa mga website na nag-aalok ng mga virtual na serbisyo sa pangangalaga sa kalusugan at nangangasiwa sa pagrereseta.

National Association of Boards of Pharmacy (NABP)

  • VIPPS — Available sa mga parmasyang may kumpletong online na functionality, kabilang ang pagbebenta (o pangangasiwa sa pagbebenta) ng mga inireresetang gamot o pagtanggap ng mga bagong order ng inireresetang gamot sa pamamagitan ng kanilang website.
  • .pharmacy Verified Websites Program — Ang mga website na may pinakamataas na antas ng domain na ".pharmacy" ay available sa mga parmasyang may kumpleto o limitadong online na functionality, kabilang ang pagbebenta (o pangangasiwa sa pagbebenta) ng mga inireresetang gamot o serbisyo, pagtanggap ng mga bagong order ng inireresetang gamot sa pamamagitan ng kanilang website, at mga pag-refill at paglilipat ng reseta.
Matuto pa o mag-apply para sa certification sa LegitScript o akreditasyon ng NABP

Certified din dapat sa Google ang mga advertiser. Tingnan kung paano mag-apply.

(Na-post nitong Abril 2020) 

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
true
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
8883575342499188304
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false
false