Bagong Patakaran sa Mga Serbisyo ng Pamahalaan (Mayo 2020)

Nagbibigay ang Google ng mga nakasaling bersyon ng aming Help Center, gayunpaman, hindi ginawa ang mga ito para baguhin ang content ng aming mga patakaran. Ang English na bersyon ang opisyal na wikang ginagamit namin para ipatupad ang aming mga patakaran. Para tingnan ang artikulong ito sa ibang wika, gamitin ang dropdown ng wika sa ibaba ng page.

 

Sa Mayo 2020, ia-update ng Google ang Patakaran sa iba pang pinaghihigpitang negosyo, at magdaragdag ng bagong patakaran sa Mga Dokumento at Opisyal na Serbisyo ng Pamahalaan. Aalisin ang kasalukuyang patakaran para sa Pagbebenta ng mga libreng item, na bahagi ng aming patakaran sa iba pang pinaghihigpitang negosyo.

Bagong patakaran para sa mga dokumento at opisyal na serbisyo ng pamahalaan

Hindi na papayagan ng Google ang mga ad para sa mga dokumento at/o serbisyo na makukuha nang direkta mula sa pamahalaan o isang itinalagang provider. Kasama rito ang mga pag-aalok ng tulong sa pagkuha ng mga produkto o serbisyong ito. Ang itinalagang provider ay tinutukoy bilang isang kumpanya na opisyal na pinagkatiwalaan o itinalaga ng orihinal na provider (ang Pamahalaan) para magbigay ng ilang partikular na produkto o serbisyo sa ngalan nila, na karaniwang ipinapatupad o ginagawa mismo ng Pamahalaan dati. Ipagbabawal ang mga promosyon mula sa mga pinapahintulutang provider o reseller. Ilalapat ang patakarang ito magkano man ang halagang sinisingil ng advertiser para sa produkto o serbisyo.

Ipagbabawal ng bagong patakarang ito ang promosyon para sa mga dokumento o serbisyong nagpapadali sa pagkuha, pag-renew, pagpapalit, o paghahanap ng mga opisyal na dokumento o impormasyong direktang available mula sa pamahalaan o itinalagang provider ng pamahalaan.

Mga Halimbawa (hindi kumpleto): mga passport at iba pang uri ng pambansang ID; patunay ng permanenteng paninirahan; patunay ng status/pagpaparehistro sa immigration; mga lisensya sa pagmamaneho; mga dokumento sa paglalakbay tulad ng mga visa at Electronic na Pahintulot sa Paglalakbay (Electronic Travel Authorizations o ETAs); mga social security card; mga lisensya sa pangangaso o pangingisda; mga lisensya o pagpaparehistro ng baril; at mga dokumento o impormasyong nakuha mula sa mga opisyal na rehistro tulad ng mga birth certificate, marriage certificate, at tala ng militar.

Ipagbabawal din ng patakarang ito ang mga promosyon para sa tulong sa pag-apply o pagbabayad para sa mga opisyal o pampublikong serbisyong direktang available sa pamamagitan ng pamahalaan o ng isang itinalagang provider.

Mga Halimbawa (hindi kumpleto): tulong sa pag-apply para sa mga appointment o benepisyong mula sa pamahalaan; tulong sa paghiling ng opisyal na pagpapalit ng address, opisyal na pagpapalit ng pangalan, hindi nakuhang pera, o isang naka-hold na mail; at tulong sa pagbabayad ng mga bayarin sa transportasyon, tulad ng mga toll sa tulay o singilin dahil sa pagsikip ng trapiko.
 

Hindi pinaghihigpitan ng patakarang ito ang mga sumusunod na propesyonal na serbisyo: mga serbisyo sa paghahanda ng buwis, serbisyong legal, serbisyo sa negosyo sa negosyo (business-to-business o B2B) / enterprise, abugado para sa immigration, o immigration consultant na nakatuon sa konsultasyon at hindi lang tulong sa pagkuha ng mga partikular na dokumento sa paglalakbay.

(Na-post noong Marso 2020)

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
true
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
1545814574071166597
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false
false