Magbabago ang patakaran ng Google Ads sa Pagsusugal at mga laro sa Abril 2019 para tumanggap ng mga lisensya mula sa Pronósticos para la Asistencia Pública, bilang karagdagan sa Secretaria de Gobernacion, at papayagan nito ang lahat ng uri ng lisensyadong online na laro sa casino bukod pa sa mga pinapayagang laro sa kasalukuyan. Tatanggapin din namin ang mga site na nagbibigay ng impormasyon tungkol sa, o ng paghahambing ng, iba pang serbisyo sa pagsusugal, ngunit hindi mismo nagbibigay ng mga aktibidad sa pagsusugal na nangangailangan ng lisensya. Puwede lang magbigay ang mga ito ng mga link papunta sa mga site ng pagsusugal na may valid na lisensya sa pagpapatakbo sa Mexico, ngunit hindi pinapatakbo o kinokontrol ng aggregator.
Pagkatapos ng pag-update, ang mga advertiser na gustong mag-promote ng content tungkol sa online na pagsusugal sa Mexico ay dapat magsumite ng kahilingan sa certification sa pamamagitan ng na-update na page ng patakaran.
(Na-post noong Abril 2019)