Mga Serbisyong Pampinansyal: Bagong patakaran sa mga pinaghihigpitang produktong pampinansyal (Hunyo 2018)

Nagbibigay ang Google ng mga nakasaling bersyon ng aming Help Center, gayunpaman, hindi ginawa ang mga ito para baguhin ang content ng aming mga patakaran. Ang English na bersyon ang opisyal na wikang ginagamit namin para ipatupad ang aming mga patakaran. Para tingnan ang artikulong ito sa ibang wika, gamitin ang dropdown ng wika sa ibaba ng page.

Sa Hunyo 2018, ia-aupdate ng Google ang patakaran sa Mga serbisyong pampinansyal para paghigpitan ang pag-advertise ng Mga Contract for Difference, rolling spot forex, at spread betting na pampinansyal. Dagdag pa rito, hindi na papayagang ihatid ang mga ad para sa mga sumusunod:

  • Mga binary option at katulad na produkto
  • Mga cryptocurrency at kaugnay na content (kasama ang ngunit hindi limitado sa mga initial coin offering, palitan ng cryptocurrency, wallet ng cryptocurrency, at payo sa cryptocurrency trading)

Hindi na papayagang ihatid ang mga ad para sa mga aggregator at affiliate para sa mga sumusunod:

  • Mga Contract for Difference
  • Rolling spot forex
  • Spread betting na pampinansyal
  • Mga binary option at katulad na produkto
  • Mga cryptocurrency at kaugnay na content.

Kakailanganin ng mga advertiser na nag-aalok ng Mga Contract for Difference, rolling spot forex, at spread betting na pampinansyal na maging certified ng Google. Available lang ang certification sa ilang partikular na bansa.

Para maging certified ng Google, kakailanganin ng mga advertiser na:

  • Maging lisensyado ng kaugnay na awtoridad sa mga serbisyong pampinansyal sa bansa o mga bansang tina-target nila
  • Tiyaking nakakasunod ang kanilang mga ad at landing page sa lahat ng patakaran ng Google Ads
  • Sumunod sa mga may kaugnayang legal na kinakailangan, kasama ang mga nauugnay sa mga kumplikadong speculative na produktong pampinansyal

Maaaring humiling ng certification sa Google ang mga advertiser simula sa Abril 2018 kapag na-publish na ang form ng aplikasyon.

Malalapat ang patakarang ito sa buong mundo sa lahat ng account na nag-a-advertise nitong mga produktong pampinansyal. Para sa higit pang detalye, tingnan ang Tungkol sa certification ng mga pinaghihigpitang produktong pampinansyal.

(Na-post noong Marso 2018)

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
true
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
17958875336023238778
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false
false