Nagbibigay ang Google ng mga translated na bersyon ng aming Help Center, gayunpaman, hindi ginawa ang mga ito para baguhin ang content ng aming mga patakaran. Ang English na bersyon ang opisyal na wikang ginagamit namin para ipatupad ang aming mga patakaran. Para tingnan ang artikulong ito sa ibang wika, gamitin ang dropdown ng wika sa ibaba ng page.
Mga promo code sa Mga asset para sa promosyon
Hindi pinapayagan ang sumusunod:
Text sa field ng Promo code na hindi promo code
Mga Halimbawa: Mga paglalarawan ng produkto, numero ng telepono, pampromosyong salaysay
Mga nauugnay na patakaran at madalas na hindi pag-apruba
Ang mga sumusunod na patakaran ng Google Ads ay partikular na may kaugnayan sa mga asset para sa promosyon at kadalasang naiuugnay sa mga hindi pag-apruba. Alamin kung ano ang mangyayari kung lalabag ka sa aming mga patakaran.
Pang-editoryal
Nalalapat sa lahat ng ad ang mga karaniwang kinakailangan para sa linaw, tamang spelling, at paggamit ng capitalization at mga simbolo. Sumangguni sa Patakarang pang-editoryal para sa higit pang impormasyon.
Mga Trademark
Puwedeng mag-alis ng mga ad o asset ang Google bilang tugon sa mga reklamo ng may-ari ng trademark. Responsibilidad ng mga advertiser ang tamang paggamit ng trademark sa kanilang ad text, mga asset, at impormasyon ng negosyo. Sumangguni sa Patakaran sa mga trademark para sa higit pang impormasyon.
Mga hindi available na alok
Ang mga produkto at serbisyo ay dapat na napresyuhan nang tumpak, madaling makita sa destinasyon ng ad, at tumutugma sa mga header at paglalarawan. Sumangguni sa Patakaran sa mga alok na hindi available para sa higit pang impormasyon.Hindi malinaw na kaugnayan
May kaugnayan dapat ang lahat ng impormasyon sa kung ano ang iyong ina-advertise. Halimbawa, iisang advertiser dapat ang kinakatawan ng lahat ng isinumiteng field ng ad at may kaugnayan dapat ang mga ito sa pino-promote na produkto. Sumangguni sa patakaran sa Hindi malinaw na kaugnayan para sa higit pang impormasyon.
Hindi available na wika
Ang lahat ng ad at asset ay nakasulat dapat sa isang sinusuportahang wika at nagli-link dapat ang mga ito sa isang destinasyon na nasa isang sinusuportahang wika. Sumangguni sa Patakaran sa hindi sinusuportahang wika para sa higit pang impormasyon.