Mga kinakailangan sa destinasyon

Nagbibigay ang Google ng mga translated na bersyon ng aming Help Center, gayunpaman, hindi ginawa ang mga ito para baguhin ang content ng aming mga patakaran. Ang English na bersyon ang opisyal na wikang ginagamit namin para ipatupad ang aming mga patakaran. Para tingnan ang artikulong ito sa ibang wika, gamitin ang dropdown ng wika sa ibaba ng page.

Dapat sumunod ang mga user ng Display & Video 360 sa patakaran ng Google Ads na ito. Bisitahin ang help center ng Display & Video 360 para sa mga karagdagang paghihigpit.

Para sa mga subtitle sa iyong wika, i-on ang mga caption sa YouTube. Piliin ang icon ng mga setting Larawan ng icon ng mga setting ng YouTube sa ibaba ng video player, pagkatapos ay piliin ang "Mga Subtitle/CC" at piliin ang iyong wika.


Priyoridad namin ang experience ng user sa lahat ng produkto ng Google kaya sinisikap naming gumawa ng ligtas na environment kung saan pinagkakatiwalaan ng mga user ang Google ad network. Kapag nag-click ang mga user sa isang ad at na-redirect sa isang landing page, tinitiyak naming maganda ang pangkalahatang experience. Ipinapatupad ang Patakaran sa Mga Kinakailangan sa Destinasyon para ang mga landing page na ito ay gumagana, kapaki-pakinabang, at madaling i-navigate. Napapakinabangan din ito ng mga advertiser dahil tinitiyak ng Google Ads na magiging masigla ang experience sa brand sa ecosystem ng mga ad.

Hindi gumaganang destinasyon

Kinakailangan ng Google na gumagana sa mga karaniwang browser at device ang destinasyon at mga content ng iyong ad para maihatid ang mga user sa gumaganang destinasyon ng ad.

Tiyaking gumagana ang iyong destinasyon ng ad para sa mga web crawler ng Google AdsBot at na hindi ito nagbabalik ng anumang error sa destinasyon (tulad ng code ng sagot na error sa HTTP) sa lahat. Ang Pinahabang URL na nakikita mo sa Google Ads UI ay ang destinasyon ng ad para sa iyong ad. Ito ang ganap na na-assemble na URL ng ad, kung saan pinagsasama ang Final URL at ang anumang Template ng Pagsubaybay (kung naaangkop) at anumang parameter (kung naaangkop).

Posibleng kwalipikado ang mga user ng Smart campaign na piliin ang kanilang Profile ng Negosyo (na-optimize para sa iyong ad) bilang landing page nila kung hindi gumagana ang sarili nilang website. 

Hahantong ang mga sumusunod na sitwasyon sa hindi pag-apruba dahil sa Hindi gumaganang destinasyon:

pulang x na marka Mga destinasyong hindi gumagana nang maayos o hindi na-set up nang tama.

  • Mga Halimbawa: "Mali na sa page na ito ka napunta" ; "Oops! Walang makikita rito!" ; "Ginagawa pa ang Site" 

pulang x na marka Mga destinasyong nagbabalik ng code ng error sa HTTP para sa mga web crawler ng Google AdsBot sa mga karaniwang deivce sa lahat.

  • Mga Halimbawa: Isang site na nagbabalik ng HTTP client code o code ng sagot sa error sa server: 403 Forbidden, 404 Not Found, o 500 Internal Server Error sa mga karaniwang browser at device batay sa mga web crawler ng Google AdsBot.

 

Para sa mga subtitle sa iyong wika, i-on ang mga caption sa YouTube. Piliin ang icon ng mga setting Larawan ng icon ng mga setting ng YouTube sa ibaba ng video player, pagkatapos ay piliin ang "Mga Subtitle/CC" at piliin ang iyong wika.


Unawain kung bakit hindi naaprubahan ang iyong ad

Hakbang 1 sa 3: Tukuyin ang error sa destinasyon

1.1 Suriin ang URL na inilagay mo. Suriin ang mga URL ng landing page, URL ng keyword, dynamic na URL para sa pagsubaybay, at URL ng deep link para matiyak na tama at walang typo ang mga ito.

1.2 Tiyaking gumagana nang maayos ang destiansyon ng ad.

  • Mga site at app: Tiyaking humahantong ang iyong ad sa isang app o website na nagbabalik ng HTTP 200 na code ng sagot sa lahat.
    • Kahit na matagumpay na naglo-load ang iyong app o site sa panig mo, hindi dapat magbalik ng anumang error sa destinasyon ang app o site mo (tulad ng code ng error sa HTTP) kapag na-access ito ng mga web crawler ng Google AdsBot (mga user agent).
    • Tingnan ang destinasyon ng ad sa iba't ibang browser at device para matiyak na palagi itong nagli-link sa isang gumaganang website o app. Puwede lang i-promote ang mga app sa mga lugar kung saan available na i-download ang application.
  • Mga ad sa engagement sa app: Tingnan kung na-set up mo nang tama ang iyong URL ng deep link at hindi ka gumagamit ng tracker ng third-party dahil hindi ito sinusuportahan sa ngayon para sa mga ad sa engagement sa app.
  • Mga ad sa pag-promote ng app: Tiyaking nire-redirect ng anumang tracker ng third-party ang user sa tamang app sa tamang app store.

1.3 Mag-hover sa hindi naaprubahang ad sa Google Ads UI para alamin ang mga detalye ng dahilan ng hindi pag-apruba.

Ipinapakita ng larawang ito ang error na "Hindi kwalipikado" dahil sa isang hindi naaprubahang ad sa Google Ads.

Halimbawa, hindi naaprubahan ang ad na ito dahil nagbalik ang Pinahabang URL ng HTTP 404 error nang na-access ng Google AdsBot ang site sa desktop device.

Tandaan: Hindi puwedeng i-promote ang mga app sa mga lugar kung saan hindi available na i-download ang application.

Hakbang 2 sa 3: Unawain ang error sa destinasyon

Ang mga pinakakaraniwang dahilan para sa hindi pag-apruba sa Hindi gumaganang destinasyon ay:

HTTP 4xx na sagot; HTTP 5xx na sagot: Ang server na nagho-host ng iyong website ay nagbalik ng error sa HTTP na pumigil sa aming i-access ang content. Halimbawa, maling URL ang ibinigay mo sa amin (hal. may mali sa URL) kaya naman nagbalik ang destinasyon ng error na ‘Page not found (404)’ noong na-access ng mga web crawler ng Google AdsBot.

DNS error: Hindi namin nalutas ang hostname ng iyong server sa isang IP address kaya hindi namin na-access ang page.

Masyadong mahaba ang URL sa pag-redirect; walang laman ang URL sa pag-redirect; mali ang URL sa pag-redirect: Hindi valid ang URL sa pag-redirect na ibinalik ng iyong server at hindi namin ito nasundan.

Pribadong IP: Naka-host ang iyong website sa likod ng isang firewall o router at hindi namin ito na-access.

Sirang HTTP na sagot: Magulo ang sagot mula sa iyong server.

Nag-time out ang pagbabasa sa page: Masyadong natagalan ang server sa pagbabalik ng page at iniwan namin ang pag-crawl sa produktong iyon.

Masyadong madalas mag-redirect ang server: Maraming beses ni-redirect ng iyong server ang pag-crawl at kinailangan itong iwanan.

Nangangailangan ng pag-authenticate ang page: Ang ibinigay na URL ay protektado ng isang uri ng protocol sa pag-authenticate na pumipigil sa Google na i-access ang content.

(Opsyonal) Hakbang 3 sa 3: I-verify na gumagana ang URL para sa mga web crawler ng Google AdsBot gamit ang Chrome DevTools

Pagkatapos tukuyin ang dahilan ng hindi pag-apruba, puwede mong i-verify kung gumagana ang URL para sa Google sa pamamagitan ng mga web crawler ng Google AdsBot. Para gawin ito, i-access ang site gamit ang Chrome DevTools nang nakatakda ang string ng user agent bilang Google AdsBot. Mag-click dito para alamin kung paano i-override ang user agent gamit ang Chrome DevTools.

Mga opsyon para maayos

Suriin ang inilagay mong URL

Tiyaking tama ang destinasyon ng ad at walang typo.

Ayusin ang mga error sa destinasyon o HTTP

Tiyaking hindi nagbabalikang iyong destinasyon ng ad ng anumang error sa destinasyon (tulad ng error sa HTTP) sa mga web crawler ng Google AdsBot kapag na-crawl. Kung hindi mo maayos ang error sa destinasyon, ipaalam sa iyong web developer na hindi dapat magbalik ang app o website ng error sa destinasyon (tulad ng error sa HTTP) sa Google AdsBot kapag na-crawl. Puwede mo ring pag-isipang gumamit ng ibang destinasyong hindi nagbabalik ng anumang error sa destinasyon. I-edit ang final URL ng iyong ad para dumirekta ito sa ibang bahagi ng app o website mo na hindi lumalabag sa aming mga patakaran, pagkatapos ay i-save ang iyong ad para masuri namin ito ulit.

Iapela ang pasya sa patakaran

Kung naayos mo na ang iyong destinasyon o kung sa tingin mo ay mali ang ginawa namin, direktang iapela ang pasya sa patakaran mula sa iyong Google Ads account para humiling ng pagsusuri. Kapag nakumpirma na naming gumagana ang destinasyon, maaaprubahan na namin ang iyong mga ad.

Kung hindi mo maaayos ang mga paglabag na ito, o kung pipiliin mong huwag ayusin ang mga ito, pakialis ang iyong ad para makatulong na maiwasang masuspinde ang account mo sa hinaharap dahil sa pagkakaroon ng masyadong maraming hindi naaprubahang ad. 

Hindi tugmang destinasyon

Kinakailangan ng Google ang mga ad para tumpak na maipakita kung saang app o website madidirekta ang user, kapag nag-click sila sa ad.

Tandaan: Tiyaking tumpak na ipinapakita ng display URL kung saan dinidirekta ang user at na walang nangyayaring pag-redirect mula sa final URL na naghahatid sa user sa ibang domain. Tiyakin din na humahantong ang “Pinahabang URL” sa final URL.

Tip: Kapag may parameter sa pagsubaybay sa final URL, posibleng magkaroon ng hindi tugmang destinasyon kung walang {ignore} na ilalagay bago ang parameter sa pagsubaybay. Kung gumagamit ka ng pagsubaybay sa iyong final URL, kasama ang dynamic ID mula sa isang third party na system sa pagsubaybay, kailangan mong maglagay ng {ignore} bago ang parameter sa pagsubaybay sa iyong final URL.
Halimbawa: http://example.com/?{ignore}tracking=123&id=DynamicId

Hahantong ang mga sumusunod na sitwasyon sa hindi pag-apruba dahil sa Hindi tugmang destinasyon:

pulang x na marka Ang domain o extension ng domain sa display URL ay hindi tumutugma sa mga final at mobile URL kung saan dinadala ang mga user.

  • Mga Halimbawa: Display URL: google.com at Final URL: example.com; Display URL ng ad: example.com at Final URL ng keyword: example.org; gamit ang feature na paglagay ng keyword sa domain sa una o pangalawang antas ng iyong display URL, tulad ng "www.{keyword}.com"

pulang x na marka Hindi paggamit ng subdomain para malinaw na matukoy ang isang site mula sa lahat ng iba pang site na naka-host sa domain na iyon o mula sa parent na domain

  • Halimbawa: Display URL: blogspot.com at Final URL: mycompany.blogspot.com

Tandaan: Hindi kinakailangan ang isang subdomain kung eksklusibong ginagamit ng isang kumpanya ang domain.

pulang x na marka Mga pag-redirect mula sa final URL na nagdadala sa user sa ibang domain

  • Halimbawa: Nagre-redirect ang final URL na http://example.com sa http://example2.com

pulang x na marka Template ng pagsubaybay o pinahabang URL na hindi humahantong sa iisang content katulad ng final URL

  • Mga Halimbawa: Humahantong ang final URL sa isang page ng kategorya ng produkto, pero dinidirekta ng template ng pagsubaybay o pinahabang URL ang user sa isang partikular na page ng produkto; Final URL: example.com/clothes pero dumidirekta ang template ng pagsubaybay sa example.com/clothes/shirts

Unawain kung bakit hindi naaprubahan ang iyong ad

Mag-hover sa hindi naaprubahang ad dahil sa Hindi tugmang destinasyon para alamin ang dahilan ng hindi pag-apruba sa pagtugma.

Ang mga pinakakaraniwang dahilan para sa Hindi tugmang destinasyon ay:

  • Hindi tumutugma ang na-crawl na final URL sa inaasahang final URL: Kapag may mga pag-redirect sa labas ng domain ang Final URL na naghahatid sa user sa ibang domain.
  • Hindi tumutugma ang Display URL sa Final URL: Kapag hindi tumutugma ang website o app na ipinapakita sa iyong ad (iyon ang display URL mo) sa website o app kung saan dadalhin ang mga user kapag nag-click sila sa iyong ad (iyon ang page ng final URL mo).
  • Hindi nagre-redirect ang template ng pagsubaybay sa isang final URL: Kapag hindi dinadala ng template ng pagsubaybay ang user sa parehong content katulad ng sa final URL. Ang anumang pagkakaibang idudulot ng template ng pagsubaybay sa URL, kabilang ang sa mga parameter at subdomain, ay puwedeng magdala sa user sa content na iba sa final URL.

Mga opsyon para maayos

Ayusin ang hindi tugmang destinasyon

Tiyaking tumpak na ipinapakita ng display URL kung saan dinidirekta ang user at na walang nangyayaring pag-redirect mula sa final URL na naghahatid sa user sa ibang domain. Makikita mo sa iyong email ng hindi pag-apruba at kapag nag-hover ka sa ad ang domain kung saan dumirekta ang ad mo sa panahon ng pagsusuri. Puwede mo ring gamitin ang Search Console para suriin ang huling landing page ng iyong URL para tiyaking tumutugma ang magreresultang domain sa domain ng display URL mo. Nalalapat ang patakarang ito sa mga URL ng keyword na hindi tumutugma sa display URL. Alamin kung paano mag-edit ng mga URL ng keyword. Kung gumagamit ka ng mga template ng pagsubaybay, tiyaking hahantong ang template ng pagsubaybay at pinahabang URL sa iisang content tulad ng sa final URL.

Tandaang awtomatikong susuriin ang mga pagbabago sa mga template ng pagsubaybay sa antas ng ad, keyword, o sitelink. Pero kung ginawa mo ang template ng pagsubaybay para sa isang buong ad group, campaign, o account, kakailanganin mong humiling ng pagsusuri kapag naayos mo na ang template.

I-edit ang iyong mga URL para sumunod ang mga ito sa patakaran. Kapag na-edit at na-save mo na ang iyong ad, ipapadala ito para sa pagsusuri. Kapag nakumpirma na naming sumusunod ang mga destinasyon ng ad, maaaprubahan na namin ang iyong mga ad.

Iapela ang pasya sa patakaran

Kung naayos mo na ang iyong destinasyon o kung sa tingin mo ay mali ang ginawa namin, direktang iapela ang pasya sa patakaran mula sa iyong Google Ads account para humiling ng pagsusuri. Kapag nakumpirma na naming sumusunod ang destinasyon, maaaprubahan na namin ang iyong mga ad.

Kung hindi mo magagawang ayusin ang mga paglabag na ito, o kung pipiliin mong huwag ayusin ang mga ito, pakialis ang iyong ad para makatulong na maiwasang masuspinde ang account mo sa hinaharap dahil sa pagkakaroon ng masyadong maraming hindi naaprubahang ad.

Hindi ma-crawl na destinasyon

Kinakailangan ng Google na nako-crawl ng mga web crawler ng Google AdsBot ang destinasyon at mga content ng iyong ad para matiyak naming dinadala ang mga user sa isang destinasyon ng ad kung saan makikita ang ad na na-click nila.

Hahantong ang sumusunod na sitwasyon sa hindi pag-apruba dahil sa Hindi ma-crawl na destinasyon:

pulang x na marka Mga destinasyong hindi nako-crawl ng Google Ads

  • Halimbawa: Paggamit ng mga file ng pagbubukod (gaya ng "robots.txt") para paghigpitan ang access sa isang buong site o sa malaking bahagi ng isang site; paghihigpit sa kakayahang mag-crawl sa paraang hindi tumutugma sa bilang ng mga isinusumiteng ad

Tandaan: Kahit na hindi mo bina-block ang Google Ads sa pag-crawl sa iyong content, posibleng nalilimitahan mo ang mga epektibong pag-crawl nang hindi sinasadya. Posible itong mangyari lalo na kung nagsumite ka kamakailan ng maraming ad sa Google. Kung gumagamit ka ng tagasubaybay ng pag-click para sa iyong mga ad, pakitingnan kung nakakaapekto iyon sa kakayahang mag-crawl. Kung walang sapat na kakayahang mag-crawl ang iyong website, pag-isipang hati-hatiin sa mas maliliit na batch ang mga pagsusumite mo ng ad at paghiwa-hiwalayin ang mga ito sa iba't ibang araw.

Mga opsyon para maayos

Payagan ang mga web crawler ng Google AdsBot na i-access ang iyong mga destinasyon ng ad

Suriin ang mga setting ng iyong website o app para tiyaking hindi mo pinaghihigpitan ang Google Ads na i-crawl ang content mo gamit ang mga file ng pagbubukod (tulad ng "robots.txt").

Ano ang Robots.txt file?

Sinasabi ng robots.txt file sa mga search engine crawler kung aling mga URL ang maa-access ng crawler sa iyong site. Matuto pa tungkol sa kung paano binibigyang-kahulugan ng Google ang detalye ng robots.txt dito. Ang mga pinakakaraniwang dahilan para sa hindi ma-crawl na destinasyon dahil sa Robots.txt ay:

  • Hindi pinapayagan ng robots.txt ng server ang pag-access: Nagdagdag ka ng ‘robots.txt’ file sa iyong server at pinagbawalan mo ang pag-access ng pag-crawl. Hindi namin mako-crawl ang mga page na may ganitong mga uri ng mga file at pagbabawal. Lutasin ito sa pamamagitan ng pag-configure sa ‘robots.txt’ file para payagan ang pag-crawl namin.
  • Hindi maabot ang robots.txt ng server; nagta-time out ang pagbabasa sa robots.txt: Hindi namin nabasa ang iyong robots.txt file kaya hindi namin na-crawl ang page mo.

Alamin kung paano i-update ang iyong robot.txt file dito.

Tiyaking hindi ka gumagamit ng mga file ng pagbubukod (tulad ng "robots.txt") para paghigpitan ang access sa buong site o sa malaking bahagi ng site. Puwede mo ring gamitin ang Google Search Console para makita kung paano gagawing naa-access ang iyong mga page at para tingnan kung may mga crawl error o kung nagtakda ka ng mababang rate ng pag-crawl. Kung gumagamit ka ng tagasubaybay ng pag-click para sa iyong mga ad, tingnan kung nakakaapekto iyon sa kakayahang mag-crawl. Kung hindi mo malutas ang isyu, ipaalam sa iyong web developer na naa-access dapat ng mga web crawler ng Google AdsBot ang app o website mo.

Kung naayos mo na ang iyong destinasyon o kung sa tingin mo ay mali ang ginawa namin, direktang iapela ang pasya sa patakaran mula sa iyong Google Ads account para humiling ng pagsusuri. Kapag nakumpirma na naming sumusunod ang destinasyon, maaaprubahan na namin ang iyong mga ad. 

Pumili ng ibang destinasyon

Puwede mo ring pag-isipang gumamit ng ibang destinasyon na sumusunod. I-edit ang final URL ng iyong ad para dumirekta ito sa ibang bahagi ng app o website mo na hindi lumalabag sa aming mga patakaran, pagkatapos ay i-save ang iyong ad para masuri namin ito ulit.

Kung hindi mo magagawang ayusin ang mga paglabag na ito, o kung pipiliin mong huwag ayusin ang mga ito, pakialis ang iyong ad para makatulong na maiwasang masuspinde ang account mo sa hinaharap dahil sa pagkakaroon ng masyadong maraming hindi naaprubahang ad.

Hindi naa-access ang destinasyon

Kailangan ng Google na naa-access ang mga ad sa tina-target na lokasyon.

Hahantong ang mga sumusunod na sitwasyon sa hindi pag-apruba dahil sa Hindi naa-access ang destinasyon:

pulang x na marka Mga destinasyong hindi naa-access sa tina-target na lokasyon

  • Mga Halimbawa (hindi kumpleto): Site na nagpapakita ng mensahe ng limitasyon sa pag-access na batay sa lokasyon (hal. “Hindi naa-access ang site na ito sa iyong lokasyon”); site na nagpapakita ng ibang mensaheng nauugnay sa mga limitasyon sa pag-access sa tina-target na lokasyon (hal. “wala kang pahintulot na i-access ang page na ito”).

Experience sa destinasyon

Kinakailangan ng Google na madali dapat i-navigate at ligtas ang mga destinasyon ng ad para sa mga user na magki-click sa isang ad sa Google Ad network.

Tiyaking hindi mahirap mag-navigate sa mga destinasyon ng ad o content (kasama ang mga pop-up) at walang mapang-abusong experience sa mga ito kung saan idinisensyong maging nakakalinlang ang mga site. Bukod dito, tiyaking hindi direktang nagsisimula ang destinasyon ng ad ng direktang pag-download o humahantong sa isang email address o file (sumangguni sa listahan sa ibaba).

Tandaan: Ang anumang window, anupaman ang content, na lumalabas bukod pa sa orihinal na landing page ay tinuturing na pop-up. Narito ang ilang halimbawa (hindi kumpleto):
  • Mga inorasang pop-up
  • Mga pop-up na kusang nagsasara
  • Mga pop-up na labas nang labas
  • Mga pop-up na binuo mula sa mismong ad
  • Mga pop-up sa pagda-download
  • Mga Pop-under

Pinapayagan namin ang mga interstitial hangga't hindi pinipigilan ng mga ito ang isang user na lumabas sa isang site. Bagama't katulad ng isang pop-up, ang isang katanggap-tanggap na interstitial ay isang uri ng graphic na lumalabas sa landing page sa halip na nagbubukas ng panibagong window ng browser, at hindi nito pinipigilan ang isang user na lumabas sa isang site o app.

Hahantong ang mga sumusunod na sitwasyon sa hindi pag-apruba dahil sa Experience sa destinasyon:

pulang x na marka Mga destinasyon o content na napakahirap o nakakainis i-navigate

  • Mga Halimbawa: Mga website na may mga pop-up o interstitial na nakakasagabal sa kakayahan ng user na makita ang hiniling na content; mga site na nagdi-disable ng o nakakasagabal sa button na bumalik ng browser; mga website na hindi mabilis naglo-load sa karamihan ng mga pinakasikat na browser at device, o nangangailangan ng pag-download ng karagdagang application para makita ang landing page (maliban sa mga karaniwang plug-in ng browser)

pulang x na marka Mga link na nagpapasimula ng direktang pag-download mula sa ad o humahantong sa isang email address o file

  • Mga Halimbawa: Mga larawan, video, audio, mga dokumento

Tandaan: Pinapayagan ang mga advertiser ng gamot na gumamit ng mga PDF na landing page. May paunawa dapat na naaprubahan ang mga PDF na landing page para sa mga pharmaceutical at certified na ad/account.

pulang x na marka Mga destinasyong naglalaman ng mga mapang-abusong experience

  • Mga Halimbawa: Mga website na awtomatikong nagre-redirect ng page nang walang ginagawa ang user; mga website na naglalaman ng mga ad na mukhang mga babala ng system o site o mga mensahe ng error.

pulang x na marka Mga destinasyong may mga karanasan sa ad na hindi sumusunod sa Better Ads Standards. Para sa higit pang impormasyon tungkol sa mga uri ng mga hindi pinapahintulutang karanasan sa ad, pakibisita ang website ng Coalition for Better Ads.

  • Mga halimbawa: Mga prestitial ad na may countdown; malalaking sticky ad at nagfa-flash na animated na ad.

Mga opsyon para maayos

Ayusin ang experience sa destinasyon ng ad

Tiyaking binibigyan ng iyong destinasyon ng ad ang mga user ng magandang experience kung saan madali dapat itong i-navigate, gumagana, at kapaki-pakinabang. Direktang iapela ang desisyon ng patakaran mula sa iyong Google Ads account kapag na-update mo na ang destinasyon para makasunod sa aming mga patakaran o kung sa palagay mo ay nagkamali kami.

Kung may mga mapang-abusong experience sa iyong website, sundin ang mga tagubilin sa ibaba para malutas ang paglabag:

  1. Tingnan ang status ng iyong site sa Google Search Console
  2. Alisin ang anumang mapang-abusong karanasan sa iyong website. 
  3. Sundin ang mga alituntunin sa muling pagsasaalang-alang na ito
  4. Kung lalabas sa pagsusuri na wala nang mapang-abusong experience sa website, maaaprubahang gumana ang iyong mga ad. 

Kung may mga experience sa ad ang iyong destinasyon na hindi sumusunod sa Better Ads Standards, sundin ang mga tagubilin sa ibaba para lutasin ang paglabag:

  1. Alamin ang status ng iyong destinasyon sa Ulat sa Karanasan sa Ad
  2. Ayusin ang lahat ng isyu sa experience sa ad sa iyong destinasyon. 
  3. Sundin ang mga alituntunin sa muling pagsasaalang-alang na ito
  4. Kung lalabas sa pagsusuri na naayos na ang lahat ng isyu sa experience sa ad, maaaprubahang gumana ang iyong mga ad. 

Pumili ng ibang destinasyon

Kung hindi ka puwedeng magsagawa ng mga pagbabago sa destinasyon ng ad, pag-isipang gumamit ng ibang destinasyon. I-edit ang final URL ng iyong ad para dumirekta ito sa ibang bahagi ng app o website mo na sumusunod sa patakaran, pagkatapos ay i-save ang iyong ad para masuri namin ito ulit.

Kung hindi mo maaayos ang mga paglabag na ito, o kung pipiliin mong huwag ayusin ang mga ito, pakialis ang iyong ad para makatulong na maiwasang masuspinde ang account mo sa hinaharap dahil sa pagkakaroon ng masyadong maraming hindi naaprubahang ad. 

Hindi sapat na orihinal na content

Gusto naming magkaroon ng magandang karanasan ang mga consumer kapag nag-click sila sa isang ad, kaya dapat mag-alok ang mga destinasyon ng ad ng natatanging halaga sa mga user.

Naglista kami ng ilang halimbawa (hindi kumpleto) ng mga iiwasan sa iyong mga ad. Hahantong sa hindi pag-apruba dahil sa Hindi sapat na orihinal na content ang mga sumusunod na sitwasyon:

pulang x na marka Content ng destinasyon na idinisenyo para sa pangunahing layuning magpakita ng mga ad

  • Halimbawa: Paghimok ng trapiko (sa pamamagitan ng "arbitrage" o iba pang paraan) papunta sa mga destinasyong mas marami ang ad kaysa sa orihinal na content, may kaunti o walang orihinal na content, o labis ang pag-advertise

pulang x na marka Content ng destinasyon na kinopya mula sa isa pang source nang hindi nagdaragdag ng halaga sa anyo ng orihinal na content o karagdagang functionality

  • Halimbawa: Pag-mirror; pag-frame; pag-scrape ng content mula sa ibang source; mga template o mga paunang binuong website na nagbibigay ng duplicate na content

pulang x na marka Mga destinasyong idinisenyo lang para dalhin ang mga user sa ibang lugar

  • Halimbawa: Bridge page, doorway, gateway, iba pang intermediate na page na ginagamit lang para mag-link sa iba pang site

pulang x na marka Mga destinasyong nagpapakita ng mensahe ng destinasyon na hindi nagbibigay ng anumang serbisyo

  • Halimbawa: Naka-park na domain, site na ginawa lang para magreserba ng web address, pagpapakita ng "Kasalukuyang Ginagawa," "Paparating Na," o mga katulad na mensahe

pulang x na marka Mga destinasyong hindi maintindihan o walang kabuluhan

  • Halimbawa: Mga blangkong page, walang kwentang content ng landing page

Mga opsyon para maayos

Ayusin ang mga content ng destinasyon ng ad

Pagtuunan ang agarang pagbibigay sa user ng kapaki-pakinabang, natatangi, at orihinal na content, at huwag lagyan ng masyadong maraming ad ang destinasyon, kahit na gaano kataas ang antas ng kaugnayan ng mga ad sa iyong ad text. Ipaalis sa iyong web developer ang lahat ng HTML frameset na kumokopya ng content mula sa mga domain na hindi ang domain ng landing page ng ad. Kung may functionality na paghahanap ang iyong site o app, tiyaking hindi lang basta kinopya mula sa iba pang site o app ang mga resulta ng paghahanap. Tingnan kung nag-expire na ang pagpaparehistro ng iyong site.

Kung naayos mo na ang iyong destinasyon o kung sa tingin mo ay mali ang ginawa namin, direktang apelahin ang pasya sa patakaran mula sa iyong Google Ads account para humiling ng pagsusuri. Kapag puwede na naming makumpirmang sumusunod sa aming patakaran ang destinasyon, maaaprubahan na namin ang iyong mga ad.

Pumili ng ibang destinasyon

Kung hindi ka puwedeng magsagawa ng mga pagbabago sa destinasyon ng ad, pag-isipang gumamit ng ibang destinasyon. I-edit ang final URL ng iyong ad para dumirekta ito sa ibang bahagi ng app o website mo na sumusunod sa patakaran, pagkatapos ay i-save ang iyong ad para masuri namin ito ulit.

Kung hindi mo maaayos ang mga paglabag na ito, alisin ang iyong ad para makatulong na maiwasang masuspinde ang account mo sa hinaharap dahil sa pagkakaroon ng masyadong maraming hindi naaprubahang ad. 

Paglabag sa patakaran ng app o web store

Kinakailangan ng Google na sumusunod ang mga destinasyon ng app o web store mo sa mga patakaran sa app o web store ng Google.

Ang sumusunod na sitwasyon ay hahantong sa hindi pag-apruba dahil sa Paglabag sa patakaran ng app o web store:

pulang x na marka Mga destinasyong lumalabag sa mga patakaran sa app o web store ng mga ito

Unawain kung bakit hindi naaprubahan ang iyong ad

Pakisuri ang notification na ipinadala sa iyo ng app o web store (tulad ng Chrome Web Store o Google Play Store) para alamin pa ang mga detalye ng paglabag. Kapag may resolusyon na sa iyong app o web store, puwede nang magsimula ulit ang paghahatid ng ad.

Hindi katanggap-tanggap na URL

 

Hahantong sa hindi pag-apruba dahil sa Hindi Katanggap-tanggap na URL ang sumusunod na sitwasyon: 

pulang x na marka Mga URL na hindi sumusunod sa karaniwang syntax

pulang x na marka Paggamit ng IP address bilang display URL

  • Halimbawa: 123.45.678.90

pulang x na marka Mga display URL na gumagamit ng mga hindi katanggap-tanggap na character

  • Mga Halimbawa: Mga character gaya ng !, *, #, _, @
Alamin kung paano mag-ayos ng hindi naaprubahang ad o asset.

Hindi kilalang app

Hahantong sa hindi pag-apruba dahil sa Hindi Kilalang App ang sumusunod na sitwasyon:

pulang x na marka Mga app na hindi makilala ng Google

  • Mga Halimbawa: App ID o App store na mali ang pagkakagawa, app na na-delete o sinuspinde sa app store
Alamin kung paano mag-ayos ng hindi naaprubahang ad o asset.

Hindi na-verify na numero ng telepono

Nire-require ng Google na ang mga numero ng telepono sa mga call-only na ad, asset para sa pagtawag, at asset para sa lokasyon ay dapat gumagana sa bansang tina-target mo at nauugnay sa ina-advertise na kumpanya.

Hahantong sa hindi pag-apruba dahil sa Hindi na-verify na numero ng telepono sa mga call-only na ad, asset para sa pagtawag, at asset para sa lokasyon ang sumusunod na sitwasyon:

pulang x na marka Mga numero ng telepono na hindi pa nave-verify ng Google

Opsyon para maayos

Hakbang 1 sa 2: I-verify ang iyong numero ng telepono

May 2 paraan ng pag-verify ng numero ng telepono:

  • Ipakita ang numero sa iyong site.
    • Nasa website dapat na fini-feature sa iyong ad ang numero ng telepono sa iyong ad. Kung lumalabas ang numero ng telepono sa mga ad para sa iba't ibang website, dapat lumabas ang numero ng telepono na iyon sa kahit isang page man lang para sa bawat isa sa mga website na iyon.
    • Tandaang magkapareho dapat ang domain ng URL sa pag-verify at ang domain ng display URL ng iyong ad. Dapat lumabas bilang text ang numero. Hindi nito matutugunan ang patakaran kung lumalabas ito bilang larawan.
      • Tandaan: Mas madaling masusuri at mave-verify ang iyong numero ng telepono kung itinatampok ito sa isang landing page na madalas na pinupuntahan. Para lumaki ang tsansang ma-detect ng crawler namin ang iyong numero ng telepono, tiyaking nasa E.164 na format ang numero sa source code ng website mo. Halimbawa ng E.164 na format: [+] [country code] [numero ng telepono kasama ang area code]. Kung gumagamit ka ng script para sa dynamic na pagpapasok ng numero para baguhin ang numero ng telepono sa iyong website batay sa source ng trapiko, inirerekomenda naming gamitin ang mga paraan ng pag-verify ng pagmamay-ari ng domain na nakadetalye sa ibaba.
  • I-verify ang pagmamay-ari ng domain

Hakbang 2 sa 2: I-edit ang iyong ad o asset

Kung gumagamit ka ng asset para sa lokasyon, dapat sundin ng nauugnay na numero ng telepono ang mga kinakailangan sa itaas. May 2 paraan para i-edit ang iyong asset batay sa address na gusto mong gamitin.

  1. Address ng Profile ng Negosyo

Kung ang hindi naaprubahang lokasyon ay isang address mula sa Profile ng Negosyo, kakailanganin mong mag-sign in sa iyong account ng Profile ng Negosyo at i-update ang impormasyon ng lokasyon mo roon, na awtomatikong ililipat sa Google Ads. Matutunan kung paano mag-edit ng listing ng Profile ng Negosyo.

  1. Address na manual na inilagay

Kung manual mong inilagay ang iyong address, mag-hover sa address na iyon at mag-click sa icon na lapis para i-edit ang impormasyon ng lokasyon mo. Suriin ang pangalan ng kumpanya at tiyaking hindi ka gumagamit ng ipinagbabawal na trademark.

Kung gumagamit ka ng call-only na ad o asset para sa pagtawag, palitan ang numero ng telepono sa iyong ad o asset para maaprubahan ang ad mo.

Kapag na-edit at na-save mo na ang iyong ad o asset, ipapadala ito sa amin para sa pagsusuri. Kung malaman naming inalis mo na ang hindi sumusunod na content sa iyong ad at landing page, puwede naming aprubahan ang iyong ad para magsimula itong gumana.

Hindi katanggap-tanggap na numero ng telepono

Kinakailangan ng Google na ang mga numero ng telepono sa mga call-only na ad, asset para sa pagtawag, at asset para sa lokasyon ay dapat nagseserbisyo sa bansang tina-target mo at nauugnay dapat ito sa ina-advertise na kumpanya.

Hahantong sa hindi pag-apruba dahil sa Hindi katanggap-tanggap na numero ng telepono sa mga call-only na ad, asset para sa pagtawag, at asset para sa lokasyon ang sumusunod na sitwasyon:

pulang x na marka Hindi pinapayagan ang mga numero ng telepono na hindi tumpak, hindi aktibo, hindi nauugnay, o hindi nakakonekta sa ina-advertise na kumpanya.

Paalala: Paminsan-minsan, puwedeng gumawa ang Google ng maiikling pansubok na tawag sa ibinigay na numero ng telepono para kumpirmahin ang pagiging valid, tumpak, at nauugnay nito, at puwede rin nitong i-record ang mga pansubok na tawag na ito.

pulang x na marka Mga numero ng fax, premium na numero, o vanity na numero

  • Halimbawa ng mga premium na numero: Anumang numero na nangangailangan ng mga karagdagang bayarin o singilin para makumpleto ang tawag, gaya ng 1-900 na numero sa United States o mga 871 na numero sa United Kingdom
  • Halimbawa ng mga vanity na numero: Mga numero ng telepono kung saan ang mga numero ay pinalitan ng mga letra, gaya ng "1-800-GOOG-411" sa halip na "1-800-466-4411"

Paalala: Maaari kang gumamit ng mga numero ng telepono na may nakabahaging gastusin, ngunit lalabas ang mga ito nang may disclaimer na nagsasaad na maaaring may malapat na mga karagdagang singilin.

pulang x na marka Mga numero ng telepono na hindi lokal o domestic para sa bansang tina-target mo

  • Halimbawa: Paggamit ng lokal na numero ng German sa ad na tina-target ang Canada

pulang x na marka Mga serbisyo ng virtual na numero ng telepono o personal na pagnunumero

Paalala: Available lang ang serbisyong ito sa mga partikular na bansa, gaya ng United Kingdom at Spain.

pulang x na marka Mga numero ng telepono na walang aktibong serbisyo ng voicemail

Mga paghihigpit na partikular sa bansa: Brazil

Para sa mga numero ng telepono sa Brazil, tiyaking magsama ng carrier code para sa carrier na iyong pipiliin. Halimbawa, sa halip na "11 5555-1234" gamitin ang "0XX11 5555 1234" (kung saan ang ibig sabihin ng "XX" ay code ng carrier). Para sa mga numerong toll-free o may nakabahaging gastusin gaya ng 4004 o 0800, hindi kinakailangan ng mga carrier code.

Mga opsyon para maayos

Hakbang 1 sa 2: Ayusin ang iyong numero ng telepono

  • Magbigay ng gumagana at may kaugnayang numero ng telepono na kumokonekta sa ina-advertise na kumpanya at domestic sa bansang gusto mong i-target.

Hakbang 2 sa 2: I-edit ang iyong ad o mga asset

  • Kung gumagamit ka ng asset para sa lokasyon, dapat sundin ng nauugnay na numero ng telepono ang mga kinakailangan sa itaas. May dalawang paraan para i-edit ang iyong asset batay sa address na gusto mong gamitin.

    • Address ng Profile ng Negosyo

      Kung ang hindi naaprubahang lokasyon ay isang address mula sa Profile ng Negosyo, kakailanganin mong mag-sign in sa iyong account ng Profile ng Negosyo at i-update ang impormasyon ng lokasyon mo roon, na awtomatikong ililipat sa Google Ads. Matutunan kung paano mag-edit ng listing ng Profile ng Negosyo.

    • Address na manual na inilagay

      Kung manual mong inilagay ang iyong address, mag-hover sa address na iyon at i-click ang icon na lapis para i-edit ang impormasyon ng lokasyon mo. Suriin ang pangalan ng kumpanya at tiyaking hindi ka gumagamit ng ipinagbabawal na trademark.

  • Kung gumagamit ka ng call-only na ad o asset para sa pagtawag, mag-edit at maglagay ng numero ng telepono na nakakasunod sa patakaran.

    • Kapag na-edit at na-save mo na ang iyong ad o asset, ipapadala ito sa amin para sa pagsusuri. Kung malaman naming inalis mo na ang hindi sumusunod na content sa iyong ad at landing page, puwede naming aprubahan ang iyong ad para magsimula itong gumana.

Mag-override gamit ang Chrome DevTools

Mga hakbang para i-override ang user agent sa Chrome DevTools

Ipinapakita ng animation na ito kung paano gamitin ang tool ng developer sa Chrome para i-override ang user agent.

Puwede mong gamitin ang Chrome DevTools para i-override ang user agent ng iyong web browser para magaya ang web crawler ng Google AdsBot na ginagamit para magsuri ng mga destination URL.

  1. Buksan ang Chrome DevTools gamit ang isa sa mga sumusunod na paraan:
    1. Gumamit ng mga keyboard shortcut: Command+Option+I (para sa mga user ng Mac) o Control+Shift+I (para sa mga user ng Windows, Linux, o ChromeOS).
    2. Mula sa web page: Mag-right click kahit saan sa page, pagkatapos ay piliin ang Inspect para buksan ang Chrome DevTools.
    3. Mula sa UI ng Chrome:
      1. Mula sa kanang bahagi sa itaas ng iyong window ng Chrome, i-click ang 3-dot icon .
      2. I-click ang Higit pang tool.
      3. I-click ang Mga tool ng developer.
  2. Buksan ang tab na Mga kundisyon ng network:
    1. Sa kanang bahagi sa itaas ng panel ng Chrome DevTools, i-click ang 3-dot icon .
    2. I-click ang Higit pang tool.
    3. I-click ang Mga kundisyon ng network.
  3. I-click ang "I-disable ang cache" sa seksyong "Pag-cache."
  4. Sa seksyong "User agent," i-uncheck ang "gamitin ang default ng browser," piliin ang Custom... at ilagay ang string ng user agent.
    • Halimbawa, para mag-access ng destinasyon sa web bilang mga web crawler ng Google AdsBot, ilagay ang "buong string ng user agent" ng isa sa mga web crawler ng Google AdsBot sa "Maglagay ng custom na user agent."
  5. Ilagay ang destination URL sa browser para i-access ang site gamit ang napiling user agent at siguraduhing maglo-load ang page gaya mismo ng pag-load nito gamit ang default na user agent ng browser mo.
Tandaan: Puwede ka ring sumangguni sa dokumentasyon ng Chrome DevTools: Mga kundisyon ng network: I-override ang string ng user agent.

Mga tagasuri ng web ng Google AdsBot (mga user agent)

Ang "crawler" ay isang pangkalahatang termino para sa anumang programang ginagamit para awtomatikong tumuklas at mag-scan ng mga website sa pamamagitan ng pagsunod sa mga link mula sa isang webpage papunta sa iba pa. Paminsan-minsan itong tinatawag na "robot" o "spider."

Ang User Agent ay isang string na ibinibigay ng browser o crawler na humihingi ng impormasyon mula sa server sa web. Ang pangunahing uri ng mga user agent ng Google para sa pagsusuri sa kalidad ng ad sa web page ay tinatawag na AdsBot. Makikita rito ang paglalarawan sa mga tagasuri ng web ng Google at ang kumpletong listahan ng mga string ng User Agent.

Ang buong string ng user agent ay isang kumpletong paglalarawan sa crawler. Lalabas ito sa kahilingan at sa iyong mga web log. Layunin ng string na ito na tukuyin ang layunin ng kahilingan at mga kakayahan ng device. Halimbawa, magagamit ng web developer o host ng server sa web ang User Agent para i-configure ang mga panuntunan sa pag-crawl para sa kanilang site.

Hindi aaprubahan ang mga ad dahil sa Hindi gumaganang destinasyon kung magbabalik ang destinasyon ng ad ng error sa destinasyon (tulad ng code ng error sa HTTP) kapag na-crawl ng alinman sa mga string ng user agent ng Google AdsBot na tinukoy sa ibaba:

AdsBot Mobile Web - Tinitingnan ang kalidad ng ad sa mobile web page

  • User-agent na token: AdsBot-Google-Mobile
  • Buong user-agent na string: Mozilla/5.0 (Linux; Android 6.0.1; Nexus 5X Build/MMB29P) AppleWebKit/537.36 (KHTML, tulad ng Gecko) Chrome/W.X.Y.Z Mobile Safari/537.36 (compatible; AdsBot-Google-Mobile; +http://www.google.com/mobile/adsbot.html)

AdsBot - Tinitingnan ang kalidad ng ad sa desktop web page

  • User-agent na token: AdsBot-Google
  • Buong user-agent na string: AdsBot-Google (+http://www.google.com/adsbot.html)

Kailangan mo ba ng tulong?

Kung mayroon kang mga tanong tungkol sa aming mga patakaran, makipag-ugnayan sa Suporta sa Google Ads
 

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Mga app ng Google
Pangunahing menu