Mga Trademark

Nagbibigay ang Google ng mga translated na bersyon ng aming Help Center, gayunpaman, hindi ginawa ang mga ito para baguhin ang content ng aming mga patakaran. Ang English na bersyon ang opisyal na wikang ginagamit namin para ipatupad ang aming mga patakaran. Para tingnan ang artikulong ito sa ibang wika, gamitin ang dropdown ng wika sa ibaba ng page.

Dapat sumunod ang mga user ng Display & Video 360 sa patakaran ng Google Ads na ito. Bisitahin ang help center ng Display & Video 360 para sa mga karagdagang paghihigpit.

Sumusunod ang Google Ads sa mga lokal na batas sa trademark at pinoprotektahan nito ang mga karapatan ng mga may-ari ng trademark, kaya hindi namin pinapayagan ang mga ad na lumalabag sa mga karapatan sa trademark. Ang mga advertiser ay puwedeng gumamit ng mga trademark na pagmamay-ari ng iba sa ilang partikular na sitwasyong inilalarawan sa ibaba, halimbawa, kapag tumutukoy ng produktong ibinebenta. Kung mayroong may-ari ng trademark na magsusumite ng reklamo sa Google tungkol sa paggamit sa kanyang trademark sa mga ad sa Google Ads, susuriin namin ito at puwede naming paghigpitan ang paggamit sa trademark.

Ang mga paglabag sa patakarang ito ay hindi hahantong sa agad na pagsususpinde ng account nang walang patiunang babala. May ibibigay na babala, hindi bababa sa 7 araw, bago ang anumang pagsususpinde ng iyong account. Matuto pa tungkol sa mga nasuspindeng account.

Sa artikulong ito


Mga pamantayan sa pagsusuri ng trademark

Kapag sinuri ng Google ang isang reklamo ng may-ari ng trademark, isasaalang-alang ang lahat ng pamantayan sa ibaba para matukoy kung paghihigpitan ba ang paggamit sa trademark sa mga ad.

Saan ginagamit ang trademark sa ad

Dapat ginagamit ang trademark sa ad, hindi lang sa landing page ng ad.

Hindi paghihigpitan ng Google Ads ang:

  • Paggamit ng mga trademark bilang mga keyword
  • Paggamit ng mga trademark sa pangalawang level ng domain ng display URL ng ad

Paano ginagamit ang trademark

Paghihigpitan ng Google Ads ang:

  • Paggamit ng mga trademark sa isang ad mula sa direktang kakumpitensya
  • Mga ad na gumagamit sa trademark sa paraang nakakalito, mapanloko, o mapanlinlang

Hindi paghihigpitan ng Google Ads ang:

  • Mga landing page ng ad na gumagamit sa trademark na pangunahing nakalaan sa pagbebenta o malinaw na pangangasiwa sa pagbebenta ng mga produkto o serbisyo, bahagi, pamalit na piyesa, o compatible na produkto o serbisyo na nauugnay sa trademark
    • Dapat malinaw na nagbibigay ang landing page ng ad ng paraan para mabili ang mga produkto o serbisyo at dapat nagpapakita ito ng komersyal na impormasyon tungkol sa mga ito, tulad ng mga rate o presyo.
    • Dapat malinaw sa ad at landing page kung ang advertiser ba ay isang reseller o site ng impormasyon.
  • Mga ad na gumagamit sa trademark kung saan ang pangunahing layunin ng landing page ay magbigay ng mga detalyeng nagbibigay ng impormasyon tungkol sa mga produkto o serbisyong nauugnay sa trademark, o index ng mga resulta ng paghahanap na nauugnay sa trademark
  • Mga ad na gumagamit sa trademark bilang paglalarawan sa ordinaryong kahulugan nito

Magsumite ng reklamo sa trademark

Kung isa kang may-ari ng trademark at gusto mong magsumite ng reklamo sa trademark, matuto pa tungkol sa kung paano Mag-ulat ng Content sa Google. Tatanggap lang ang Google ng mga reklamo laban sa mga partikular na advertiser na natukoy batay sa kanilang (mga) URL sa mga bansa at industriya kung saan nagpakita ng mga karapatan sa trademark ang mga may-ari ng trademark.

Kung susuriin ng Google ang isang reklamo at magpapasya itong paghigpitan ang paggamit sa trademark sa isang ad, sa pangkalahatan, tuloy-tuloy na ilalapat ang mga paghihigpit sa anumang ad na gumagamit sa parehong pangalawang level ng domain sa final URL ng mga ito.

Mag-apela ng paghihigpit sa Patakaran sa mga trademark

Kung naniniwala ka na hindi dapat pinaghigpitan ang iyong mga ad sa ilalim ng patakarang ito, puwede kang magsumite ng apela sa pamamagitan ng pagsunod sa mga tagubilin sa mga notification na nauugnay sa mga paghihigpit na iyon sa rollover ng patakaran. Kung mayroon kang mga ad na hindi labag sa patakaran, magsumite ng apela para alisin ang mga paghihigpit sa iba pang ad sa account mo. Tandaan na kung gagawa ka ng mga bagong ad na labag sa patakaran pagkatapos magsumite ng apela, sa pangkalahatan, papanatilihin ang anumang paghihigpit anumang pagbabago ang gawin mo sa iyong mga ad o account sa hinaharap.

Kung may mga tanong ka pagkatapos suriin nang mabuti ang page na ito ng patakaran, puwede mong gamitin ang Troubleshooter ng Trademark sa Google Ads para makatulong na mahanap ang mga tamang resource.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Mga app ng Google
Pangunahing menu
5347228128958355009
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
true
73067
false
false
true
false