Mga Copyright

Nagbibigay ang Google ng mga translated na bersyon ng aming Help Center, gayunpaman, hindi ginawa ang mga ito para baguhin ang content ng aming mga patakaran. Ang English na bersyon ang opisyal na wikang ginagamit namin para ipatupad ang aming mga patakaran. Para tingnan ang artikulong ito sa ibang wika, gamitin ang dropdown ng wika sa ibaba ng page.

Dapat sumunod ang mga user ng Display & Video 360 sa patakaran ng Google Ads na ito. Bisitahin ang help center ng Display & Video 360 para sa mga karagdagang paghihigpit.

Para maprotektahan ang mga karapatan ng mga may-ari ng copyright at para makasunod sa mga lokal at pandaigdigang batas sa copyright, hindi namin pinapayagan ang mga ad na gumamit ng naka-copyright na content sa paraang lumalabag sa copyright. Kung legal kang pinapayagang gamitin ang content, kakailanganin mong maging certified ng Google para magamit mo ang content na ito sa iyong mga ad. Kung sa palagay mo ay may gumagamit ng iyong naka-copyright na materyal nang walang pahintulot, puwede kang magsumite ng reklamo sa copyright.


Sa page na ito


Naka-copyright na content

Kinakatawan ng larawang ito ang patakaran ng Google Ads para sa naka-copyright na content.

Hindi pinapayagan ang mga sumusunod:

pulang x na markaMga hindi awtorisadong site o software na kumukuha, kumokopya, o nagbibigay ng access sa naka-copyright na content

Mga halimbawa: Mga site, software, o toolbar na nagbibigay-daan sa hindi awtorisadong streaming, pagbabahagi, pagkopya, o pag-download ng naka-copyright na content kasama ang, pero hindi limitado sa mga audio na gabay, e-book, anime, laro, pelikula, mp3 ringtone, musika, software, palabas sa TV, gawa ng mga independent na artist, record label, o iba pang content creator

pulang x na marka Mga site o app na nagbibigay-daan sa hindi awtorisadong offline na pamamahagi ng naka-copyright na content

Mga halimbawa: Mga site na nag-aalok ng mga hindi awtorisadong pisikal na kopya ng mga naka-copyright na CD, DVD, o software

pulang x na marka Software, mga site, o mga tool na nag-aalis ng teknolohiya ng pamamahala ng mga digital na karapatan (digital rights management o DRM) sa naka-copyright na materyal o kung hindi man ay umiiwas sa mga teknikal na pamproteksyong hakbang, lehitimo man o hindi ang nilalayong paggamit

Mga halimbawa: Mga produkto o serbisyo (gaya ng mga Blu-ray o DVD ripper, burner, at converter) na nagbibigay ng access sa naka-copyright na content sa pamamagitan ng pag-strip o pag-bypass ng teknolohiya ng DRM sa audio, video, mga e-book, o software

Tungkol sa mga reklamo sa DMCA

Ang Digital Millennium Copyright Act (DMCA) ay isang batas sa copyright sa United States na pumoprotekta sa mga may-ari ng copyright laban sa online na paglabag. Matuto pa tungkol sa Digital Millennium Copyright Act.

Kung makakatanggap ang Google ng notification ng DMCA tungkol sa content ng iyong ad o destinasyon ng ad, posibleng hindi maaprubahan ang ad.

Ano ang mga notification ng DMCA?

Ang mga notification ng DMCA ay mga habol ng paglabag sa copyright na isinumite ng mga may-ari ng copyright sa ilalim ng mga pamamaraang notice-and-take-down ng DMCA. Sinusuri at sinasagot ng Google ang mga habol na ito alinsunod sa mga patakaran nito.

Sino ang puwedeng maghain ng notification ng DMCA?

Ang may-ari lang ng copyright o isang awtorisadong kinatawan ang makakapaghain ng notification ng DMCA.

Ano ang hitsura ng notification ng DMCA?

Tingnan ang isang halimbawa ng notification ng DMCA.

Puwede ko bang isumite ulit ang mga ad ko kung hindi naaprubahan ang mga ito dahil sa mga paglabag sa DMCA?

Para isumite ulit ang iyong mga ad para sa pag-apruba, dapat ka munang maghain ng counter notification na nakakasunod sa mga requirement ng DMCA. Magagawa mo ito sa pamamagitan ng pagsagot sa form ng counter-notification ng DMCA.

Mahalaga
  • Kung magbibigay ka ng maling pahayag na hindi lumalabag sa copyright ang iyong content, posibleng managot ka sa mga danyos (kasama ang mga gastos at bayad sa abogado).
  • Kung hindi ka sigurado kung lumalabag sa copyright ng iba ang ilang partikular na materyal, iminumungkahing kumonsulta ka sa abogado bago ka magpatuloy.
  • Kung isusumite mo ulit ang iyong mga ad nang walang valid na counter-notification ng DMCA, puwede itong humantong sa pagwawakas ng account mo alinsunod sa aming patakaran sa paulit-ulit na paglabag.

Hindi ba aaprubahan ng Google ang mga ad ko kung may mga kasalukuyang isinasagawang legal na hakbang sa copyright?

Kung magsusumite ka ng valid na counter-notification ng DMCA at nagpasimula ng mga legal na hakbang laban sa iyo ang naghahabol ng copyright, mananatilihing hindi naaprubahan ang mga ad mo hangga't walang inilalabas na utos ng hukuman na pabor sa iyo.


Mag-apply para sa certification ng copyright

Certified ka dapat ng Google para makagamit ka ng naka-copyright na content sa iyong mga ad sa Google Ads at Display & Video 360. Kung naniniwala ka na may legal kang awtoridad na mag-advertise ng naka-copyright na content, magsumite ng aplikasyon gamit ang naaangkop na form ng certification:

Kung isa kang ahensyang nag-a-apply para sa isang advertiser, magpadala ng dokumentasyong nagdedetalye ng iyong kaugnayan sa advertiser o may-ari ng lisensya. Siguraduhing ibigay ang lahat ng nire-request na impormasyon para maiwasan ang mga pagkaantala sa pagpoproseso ng iyong aplikasyon.


Mga opsyon para ayusin ang mga isyu sa Copyright

  • Ipadala sa amin ang dokumentasyon ng copyright mo. Kung naniniwala kang may legal kang awtoridad na mag-advertise ng naka-copyright na content, sumagot ng aplikasyon para maging certified. Susuriin namin ito at ipapaalam namin sa iyo kung mapapagana namin ang iyong mga ad. Tandaan na nagre-require ang bawat domain ng hiwalay na certification ng copyright, kasama ang anumang domain na partikular sa bansa, gaya ng copyright.com vs. copyright.co.uk. Saklaw ng isang certification ang lahat ng bansa kung saan naghahatid ang parehong domain.
  • Alisin ang anumang naka-copyright na content sa destinasyon ng ad.Kung hindi iyon posible, i-update ang destinasyon ng ad at gawin itong destinasyon na nakakasunod sa aming patakaran sa copyright.
  • I-edit ang ad. Alisin ang anumang naka-copyright na content. Kung nakakasunod sa patakaran ang iyong ad pero na-update mo ang destinasyon nito, gumawa ng ilang maliliit na pag-edit at isumite ito ulit. Magti-trigger ito ng pagsusuri sa ad at sa destinasyon nito. Sinusuri ang karamihan ng mga ad sa loob ng isang (1) business day, bagama't puwedeng mas matagalan ang ilan kung nangangailangan ang mga ito ng mas kumplikadong pagsusuri.

Kung hindi mo maaayos ang mga paglabag na ito o kung pipiliin mong huwag itong ayusin, alisin ang iyong ad para makatulong na pigilan ang pagsuspinde ng account dahil sa pagkakaroon ng maraming hindi naaprubahang ad.

Tandaan na naaangkop lang ang impormasyong ito sa mga isyu sa Mga Copyright. Para pahintulutan ang mga Google Ads account na gumamit ng mga naka-trademark na term o mag-ulat ng mga paglabag sa trademark, gamitin ang Troubleshooter ng Trademark ng Google Ads.


Kailangan mo ba ng tulong?

Kung mayroon kang mga tanong tungkol sa aming mga patakaran, suriin ang mga alituntunin sa patakaran at mga halimbawang ibinigay o makipag-ugnayan sa Suporta sa Google Ads.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Mga app ng Google
Pangunahing menu
9758423173863606032
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
true
73067
false
false
true
false