Nagbibigay ang Google ng mga translated na bersyon ng aming Help Center, gayunpaman, hindi ginawa ang mga ito para baguhin ang content ng aming mga patakaran. Ang English na bersyon ang opisyal na wikang ginagamit namin para ipatupad ang aming mga patakaran. Para tingnan ang artikulong ito sa ibang wika, gamitin ang dropdown ng wika sa ibaba ng page.
Dapat sumunod ang mga user ng Display & Video 360 sa patakaran ng Google Ads na ito. Bisitahin ang help center ng Display & Video 360 para sa mga karagdagang paghihigpit.
Para sa mga subtitle sa iyong wika, i-on ang mga caption sa YouTube. Piliin ang icon ng mga setting sa ibaba ng video player, pagkatapos ay piliin ang "Mga Subtitle/CC" at piliin ang iyong wika.
Binibigyang-priyoridad ng Google Ads ang kaligtasan online at offline, kaya hindi ka makakapag-promote ng mga produkto o serbisyong nagdudulot ng pagkasira, kapahamakan, o pinsala sa iyong mga ad o destinasyon.
Makikita sa ibaba ang ilang halimbawa ng mga produkto at serbisyong itinuturing na mapanganib at pinaghihigpitan ng patakaran ng Google Ads sa Mga mapanganib na produkto o serbisyo.
Sa artikulong ito
- Mga pampasabog
- Mga baril, piyesa ng baril, at kaugnay na produkto
- Iba pang armas
- Mga recreational drug
- Sodium Nitrite
- Tabako
- Mga paalala sa consumer
Mga pampasabog
Hindi pinapayagan ang mga ad para sa mga produktong idinisenyong sumabog at puwedeng magdulot ng pinsala sa mga tao o ari-ariang nasa malapit.
Hindi pinapayagan ang mga ad para sa content na nagtuturo tungkol sa pagbuo, pagpapahusay, o pagkuha ng mga item na pampasabog.
Matuto pa tungkol sa patakaran sa Mga Pampasabog.
Mga baril, piyesa ng baril, at kaugnay na produkto
Hindi pinapayagan ang mga ad para sa mga piyesa ng baril at nauugnay na item na nagdaragdag sa kaligtasan ng baril.
Hindi pinapayagan ang mga ad para sa mga functional na device na mukhang naglalabas ng projectile nang napakabilis, para man ito sa sports, sa pagtatanggol sa sarili, o sa pakikipaglaban.
Hindi pinapayagan ang mga ad para sa anumang piyesa o bahagi, tapos man o hindi, na mahalaga sa o nagpapahusay sa functionality ng baril.
Hindi pinapayagan ang mga ad para sa mga tagubilin sa pagbuo o pagpapahusay sa functionality ng mga armas.
Matuto pa tungkol sa patakaran sa Mga baril, piyesa ng baril, at kaugnay na produkto.
Iba pang armas
Hindi pinapayagan ang mga ad para sa mga kutsilyong idinisenyo o pino-promote (sa paggamit sa modernong panahon) bilang mga produktong puwedeng gamitin para magdulot ng pinsala sa isang katunggali sa sport, sa pagtatanggol sa sarili, o sa pakikipaglaban.
Hindi pinapayagan ang mga ad para sa anumang disenyo ng kutsilyo na nagbibigay ng bentahe sa pakikipaglaban (kasama ang hindi halatang hitsura o mekanismong nakakatulong sa pagbukas).
Hindi pinapayagan ang mga ad para sa anupamang produktong idinisenyong magdulot (sa paggamit sa modernong panahon) ng pinsala sa isang katunggali sa sport, sa pagtatanggol sa sarili, o sa pakikipaglaban.
Hindi pinapayagan ang mga ad para sa content na nagtuturo tungkol sa pagbuo, pagpapahusay, o pagkuha ng anumang produktong saklaw sa ilalim ng patakaran sa Iba pang armas.
Matuto pa tungkol sa patakaran sa Iba pang armas.
Mga recreational drug
Hindi pinapayagan ang mga ad para sa mga topical at hemp-derived cannabidiol (CBD) na produktong may THC content na 0.3% o mas kaunti. Ang mga advertiser ay dapat mag-apply para mag-advertise ng mga CBD na produkto at dapat California, Colorado, at Puerto Rico lang ang i-target nila. May ilang format ng ad na posibleng may mga karagdagang paghihigpit sa pag-promote ng mga CBD na produkto.
Hindi pinapayagan ang mga ad para sa mga substance na bumabago sa estado ng pag-iisip na ginagamit bilang recreation o kaya ay para magdulot ng "high."
Hindi pinapayagan ang mga ad para sa mga produkto o serbisyong ibinebenta bilang pantulong sa paggamit ng recreational drug.
Hindi pinapayagan ang mga ad para sa content na nagtuturo tungkol sa pagbuo, pagbili, o paggamit ng mga recreational drug.
Mga ad para sa mga pill press, encapsulating machine, at kaugnay na component na ginagamit para sa pag-compact o pagpuno ng mga powder, granule, o iba pang materyal sa mga tableta o capsule.
Mga halimbawa (hindi kumpleto): Mga pill press, tableting machine, selyo, molde, stamp, punch na ginagamit sa paggawa o pag-imprint ng mga pill at tableta.
Matuto pa tungkol sa patakaran sa Mga recreational drug.
Sodium Nitrite
Hindi pinapayagan ang mga produktong may concentration na lampas sa 10% sodium nitrite.
Matuto pa tungkol sa patakaran sa Sodium Nitrite.
Tabako
Hindi pinapayagan ang mga ad para sa tabako o anumang produktong naglalaman ng tabako.
Hindi pinapayagan ang mga ad para sa mga produktong bahagi ng isang produktong tabako, pati na rin ang mga produkto at serbisyong direktang tumutulong o nagpo-promote ng pagkonsumo ng tabako.
Hindi pinapayagan ang mga ad para sa mga produktong idinisenyong mag-simulate ng paninigarilyo ng tabako.
Matuto pa tungkol sa patakaran sa Tabako.
Mga paalala sa consumer
Hindi pinapayagan ang mga ad para sa mga produktong may napatunayan at hindi nalutas na panganib ng pagkamatay o malalang pinsala sa katawan at naging paksa ng paalala sa consumer o mga pagbawi ng produkto.
Matuto pa tungkol sa patakaran sa Mga paalala sa consumer.
Kailangan mo ba ng tulong?
Kung mayroon kang mga tanong tungkol sa aming mga patakaran, makipag-ugnayan sa Suporta sa Google Ads.