Mga patakaran ng Google Ads

Nagbibigay ang Google ng mga translated na bersyon ng aming Help Center, gayunpaman, hindi ginawa ang mga ito para baguhin ang content ng aming mga patakaran. Ang English na bersyon ang opisyal na wikang ginagamit namin para ipatupad ang aming mga patakaran. Para tingnan ang artikulong ito sa ibang wika, gamitin ang dropdown ng wika sa ibaba ng page.

Dapat sumunod ang mga user ng Display & Video 360 sa patakaran ng Google Ads na ito. Bisitahin ang help center ng Display & Video 360 para sa mga karagdagang paghihigpit.

Bilang bahagi ng kamakailan naming pagsususpinde ng mga ad sa Russia, ipo-pause din namin ang mga ad sa mga pag-aari at network ng Google sa buong mundo para sa mga advertiser na nakabase sa Russia.
Dahil sa kasalukuyang digmaan sa Ukraine, pansamantala naming ipo-pause ang paghahatid ng mga Google ad sa mga user na nasa Russia.

Welcome sa Google Advertising Policies Center

Ito ang unang button para sa mga opsyon sa patakaran ng Google Ads, piliin ito para pamahalaan ang iyong account gamit ang Manager ng patakaran. Ito ang ikalawang button para sa mga opsyon sa patakaran ng Google Ads, piliin ito para matutunan kung paano iapela ang isang nasuspindeng account. Ito ang ikatlong button para sa mga opsyon sa patakaran sa Google Ads, pumili para mag-ulat ng pagabag ng ad.

Pangkalahatang-ideya sa aming mga patakaran at kung paano namin ipinapatupad ang mga ito

Layunin naming suportahan ang kapaki-pakinabang na ecosystem ng digital na pag-advertise—ecosystem na mapagkakatiwalaan at transparent, at gumagana para sa mga user, advertiser, at publisher. Ang layunin ng help center na ito ay ang tulungan kang bumuo ng mga Google Ads campaign na kaayon ng aming mga patakaran sa pag-advertise na nakalista sa ibaba.

Idinisenyo ang mga patakarang ito para matiyak na may ligtas at positibong karanasan para sa aming mga user at sumunod sa mga naaangkop na batas. Nangangahulugan itong ipinagbabawal ng aming mga patakaran ang content na nakakapinsala sa mga user at sa pangkalahatang ecosystem ng pag-advertise.

Sumasaklaw ang aming mga patakaran sa pag-advertise sa 4 na malawak na bahagi:

Google Ads policies | prohibited content Ipinagbabawal na content: Content na hindi mo puwedeng i-advertise sa Google Network
Google Ads policies | prohibited practice Mga ipinagbabawal na kasanayan: Mga bagay na hindi mo puwedeng gawin kung gusto mong mag-advertise sa amin
Google Ads policies | restricted content Pinaghihigpitang content at mga feature: Content na puwede mong i-advertise, pero may mga limitasyon
Google Ads policies | Editorial and technical Pang-editoryal at teknikal: Mga pamantayan ng kalidad para sa iyong mga ad, website, at app

I-click ang mga patakaran sa ibaba para sa mga kahulugan ng patakaran, halimbawa, at hakbang sa pag-troubleshoot.

Gumagamit kami ng kumbinasyon ng pagsusuri ng Google AI at ng tao para matiyak na nakakasunod ang mga ad sa mga patakarang ito. Ginagamit ng aming mga teknolohiya sa pagpapatupad ang Google AI, na nakamodelo sa mga pasya ng mga taong tagasuri, para makatulong na protektahan ang aming mga user at panatilihing ligtas ang aming mga platform ng ad. Ang mga mas kumplikado, nuanced, o matinding kaso ay madalas na sinusuri at tinatasa ng mga aming mga ekspertong may espesyal na pagsasanay.

Inaaksyunan namin ang content na lumalabag sa aming mga patakaran. Posibleng kabilang dito ang hindi pag-apruba sa mga lumalabag na ad para hindi maihatid ang mga ito, pati na rin ang pagsususpinde ng mga account para sa mga paulit-ulit at matinding paglabag. Sineseryoso namin ang mga paulit-ulit na paglabag sa aming mga patakaran at patuloy kaming mag-e-expand ng system ng strike para sa mga paulit-ulit na lumalabag.

Bibigyan ka namin ng impormasyon tungkol sa aming desisyon para sa anumang pagkilos sa pagpapatupad sa paglabag sa patakaran na gagawin namin. Kung hindi maaaprubahan ang isa sa iyong mga ad, puwede mong ayusin ang ad na iyon o iapela ang pasya (o dito para sa mga DV360 ad). Puwede ka ring mag-apela ng pasya sa pagsuspinde ng account (o dito para sa mga apela sa DV360). Para gumana ang mga link na ito, kailangang naka-sign in ka sa iyong Google Ads account.

Ipinagbabawal na content

Mga pekeng produkto

Ipinagbabawal ng Google Ads ang pagbebenta o ang pag-promote ng pagbebenta ng mga pekeng produkto. Naglalaman ang mga pekeng produkto ng trademark o logo na kapareho ng o halos hindi matukoy ang kaibahan sa trademark ng iba. Ginagaya ng mga ito ang mga feature ng brand ng produkto sa pagtatangkang maituring mismo ang mga ito bilang tunay na produkto ng may-ari ng brand. Nalalapat ang patakarang ito sa content ng iyong ad at sa website o app mo. 


Mga mapanganib na produkto o serbisyo

Gusto naming tumulong na panatilihing ligtas ang mga tao online man o offline, kaya hindi namin pinapayagan ang promosyon ng ilang produkto o mga serbisyo na nagdudulot ng pagkasira, pagkapinsala, o pagkapahamak.

Mga halimbawa ng mapanganib na content: Mga recreational drug (kemikal o herbal); mga sangkap na psychoactive; kagamitang pantulong sa paggamit ng droga; mga armas, bala, mga materyales na pampasabog, at mga paputok; mga pagtuturo sa paggawa ng mga pampasabog o iba pang mapaminsalang produkto; mga produktong tabako

Panghihikayat ng hindi matapat na gawi

Pinapahalagahan namin ang pagiging tapat at patas, kaya hindi namin pinapahintulutan ang pag-promote ng mga produkto o serbisyong idinisenyo para bigyang-daan ang hindi matapat na gawi.

Mga halimbawa ng mga produkto o serbisyo na nanghihikayat ng hindi matapat na gawi: Software o mga tagubilin sa pag-hack; mga serbisyong idinisenyo para artipisyal na pataasin ang trapiko ng ad o website; mga pekeng dokumento; mga serbisyo sa pandarayang pang-akademiko

Hindi naaangkop na content

Pinapahalagahan namin ang pagkakaiba-iba at paggalang sa iba, at nagsisikap kaming hindi makasakit ng mga user, kaya hindi namin pinapayagan ang mga ad o destinasyon na nagpapakita ng nakakapangilabot na content o nagpo-promote ng pagkapoot, hindi pagtanggap sa iba, diskriminasyon, o karahasan.

Mga halimbawa ng hindi naaangkop o nakakapanakit na content: pambu-bully o pananakot sa isang indibidwal o grupo, diskriminasyon batay sa lahi, paraphernalia ng hate group, mga graphic na larawan ng eksena ng krimen o aksidente, pagmamalupit sa mga hayop, pagpatay, pananakit sa sarili, pangingikil o pag-blackmail, pagbebenta o pakikipagpalitan ng mga endangered species, mga ad na gumagamit ng bastos na pananalita


Mga ipinagbabawal na kasanayan

Pang-aabuso sa ad network

Gusto naming maging kapaki-pakinabang, iba-iba, nauugnay, at ligtas para sa mga user ang mga ad sa buong Google Network. Hindi namin pinapayagan ang mga advertiser na magpagana ng mga ad, content, o mga destinasyong sumusubok na dayain o iwasan ang aming proseso ng pagsusuri ng ad.

Mga halimbawa ng pang-aabuso sa ad network: pag-promote ng content na may malware; "cloaking" o paggamit ng iba pang diskarte para itago ang tunay na destinasyon kung saan dadalhin ang mga user; "arbitrage" o pag-promote ng mga destinasyon para sa natatangi o pangunahing layunin ng pagpapakita ng mga ad; pag-promote ng mga destinasyong "bridge" o "gateway" na idinisenyo para lang ipadala ang mga user sa ibang lugar; pag-advertise kung saan ang natatangi o pangunahing layunin ay ang pampublikong pagpapaendorso sa user sa social network; "gaming" o pagmamanipula ng mga setting sa pagtatangkang dayain ang aming mga sistema sa pagsusuri ng patakaran

Pangongolekta at paggamit ng data

Gusto naming magtiwala ang mga user na igagalang at pangangasiwaan nang may angkop na pangangalaga ang impormasyon tungkol sa kanila. Dahil dito, hindi dapat gamitin ng aming mga partner sa pag-advertise ang impormasyong ito sa maling paraan, o kolektahin ito para sa mga hindi malinaw na layunin o nang walang naaangkop na paghahayag o hakbang na panseguridad.

Tandaang nalalapat ang mga karagdagang patakaran kapag gumagamit ng naka-personalize na pag-advertise, kung saan kasama ang audience ng remarketing at custom na audience. Kung gagamit ka ng mga feature sa pag-target ng naka-personalize na pag-advertise, tiyaking suriin ang mga patakaran sa pangongolekta at paggamit ng data ng mga naka-personalize na ad.

Mga halimbawa ng impormasyon ng user na dapat maingat na pangasiwaan: buong pangalan; email address; address sa pag-mail; numero ng telepono; pambansang pagkakakilanlan, pensyon, social security, tax ID, pangangalaga sa kalusugan, o numero ng lisensya sa pagmamaneho; petsa ng kapanganakan o pangalan sa pagkadalaga ng ina bukod pa sa anuman sa nabanggit na impormasyon; status na pampinansyal; affiliation sa politika; sekswal na oryentasyon; lahi o etnisidad; relihiyon

Mga halimbawa ng iresponsableng pangongolekta at paggamit ng data: pagkuha ng impormasyon ng credit card sa hindi secure na server, mga promosyong nagsasaad na alam ng mga ito ang sekswal na oryentasyon o status na pampinansyal ng user, mga paglabag sa aming mga patakarang sumasaklaw sa pag-advertise at remarketing na batay sa interes

Misrepresentasyon

Gusto naming mapagkatiwalaan ng mga user ang mga ad sa aming platform, kaya nagsisikap kaming matiyak na malinaw at tapat ang mga ad, at na makakapagbigay ang mga ito ng impormasyong kinakailangan ng mga user para makagawa ng matatalinong pagpapasya. Hindi namin pinapahintulutan ang mga ad o destinasyong nanloloko sa mga user sa pamamagitan ng hindi pagsama ng kaugnay na impormasyon tungkol sa produkto, o pagbibigay ng mapanlinalang na impormasyon tungkol sa mga produkto, serbisyo, o negosyo.

Mga halimbawa ng misrepresentasyon: pagtatanggal o pagtatago ng mga detalye ng pagsingil gaya ng kung paano, ano, at kailan sisingilin ang mga user; pagtatanggal o pagtatago ng mga singiling nauugnay sa mga serbisyong pampinansyal gaya ng mga rate ng interes, bayarin, at multa; hindi pagpapakita ng mga numero ng buwis o lisensya, impormasyon sa pakikipag-ugnayan o aktwal na address kapag kinakailangan; pag-aalok ng mga bagay na hindi naman talaga available; paglalagay ng mga pag-aangking mapanlinlang o hindi makatotohanan tungkol sa pagpapapayat o pagkita ng pera; pagsisinungaling para makapangolekta ng mga donasyon; "phishing" o pagpapanggap bilang mapagkakatiwalaang kumpanya para ibigay ng mga user ang kanilang mahalagang personal o pampinansyal na impormasyon


Pinaghihigpitang content at mga feature

Sinasaklaw ng mga patakaran sa ibaba ang content na kung minsan ay sensitibo ayon sa batas o kultura. Puwedeng napakahusay na paraan ang pag-advertise online para maabot ang mga customer, pero sa maseselang lugar, nagsusumikap din kami para iwasan ang pagpapalabas ng mga ad na ito kung kailan at kung saan puwedeng hindi angkop ang mga ito.

Sa dahilang iyon, pinahihintulutan namin ang pag-promote ng content sa ibaba, sa limitadong paraan. Puwedeng hindi lumabas ang mga promosyong ito sa lahat ng user sa lahat ng lokasyon, at puwedeng kailanganin ng mga advertiser na tugunan ang mga karagdagang kinakailangan bago maging kwalipikadong gumana ang kanilang mga ad. Tandaan na hindi lahat ng produkto, feature, o network ng ad ay nagagawang suportahan ang pinaghihigpitang content na ito. May makikita pang detalye sa Policy Center.

Default na Pagtrato ng Mga Ad

Isang larawang kumakatawan sa Default na Pagtrato ng Mga Ad ng Google na naglilimita sa ilang partikular na kategorya ng ad para sa mga user na wala pang 18 taong gulang.

Nakatuon ang Google sa paghahatid ng ligtas at mapagkakatiwalaang karanasan sa ad para sa lahat ng user. Kaya nililimitahan namin ang paghahatid ng ilang partikular na uri ng mga kategorya ng ad para sa mga user na hindi naka-sign in o user na tinutukoy ng aming mga system na wala pang 18 taong gulang.

Sekswal na content

An illustration representing Google's policy of limiting certain ads that involve sexual content.

Dapat igalang ng mga ad ang mga kagustuhan ng user at dapat sumunod ang mga ito sa mga legal na regulasyon. Pinaghihigpitan namin ang ilang partikular na uri ng sekswal na content sa mga ad at destinasyon, na lalabas lang sa mga limitadong pagkakataon batay sa mga query sa paghahanap ng user, edad ng user, at mga lokal na batas kung saan inihahatid ang ad. Hindi dapat mag-target ng mga menor de edad ang mga ad.

Alamin kung ano ang mangyayari kung lalabag ka sa aming mga patakaran.

Mga halimbawa ng pinaghihigpitang sekswal na content: Nakikitang ari at mga dibdib ng babae, hook-up dating, mga sex toy, mga strip club, live chat na may sekswal na pahiwatig, at mga modelong naka-pose na nagpapahiwatig ng kahalayan.

Alak

Isang larawang kumakatawan sa patakaran ng Google sa paglilimita ng ilang partikular na ad na nagsasangkot ng alak at mga inuming mukhang alak.

Sumusunod kami sa mga lokal na batas at pamantayan sa industriya sa alak, kaya hindi namin pinapayagan ang ilang partikular na uri ng pag-advertise na nauugnay sa alak, ito man ay para sa alak o mga inuming katulad ng alak. Pinapayagan ang ilang uri ng mga ad na nauugnay sa alak kung natutugunan ng mga ito ang mga patakaran sa ibaba, hindi nagta-target ng mga menor de edad, at nagta-target lang ng mga bansang hayagang pinapayagan na magpakita ng mga ad tungkol sa alak.

Mga halimbawa ng mga pinaghihigpitang inuming nakalalasing: beer, wine, sake, spirits o hard alcohol, Champagne, fortified wine, beer na walang alcohol, wine na walang alcohol, at distilled spirits na walang alcohol

Mga Copyright

Isang larawang kumakatawan sa patakaran ng Google sa pagprotekta sa mga karapatan ng mga may-ari ng copyright.

Sumusunod kami sa mga lokal na batas sa copyright at pinoprotektahan namin ang mga karapatan ng mga may-ari ng copyright, kaya hindi namin pinapayagan ang mga ad na hindi pinapahintulutang gumamit ng may copyright na content. Kung may legal kang pahintulot na gumamit ng naka-copyright na content, mag-apply para sa certification (o dito para sa DV360) para mag-advertise. Kung may makita kang walang pahintulot na content, magsumite ng reklamong may kaugnayan sa copyright.

Pagsusugal at mga laro

An illustration representing Google's policy of limiting certain ads that involve gambling-related advertising.

Sinusuportahan namin ang pag-advertise ng responsableng pagsusugal at sumusunod kami sa mga lokal na batas sa pagsusugal at pamantayan sa industriya, kaya hindi namin pinapayagan ang ilang partikular na uri ng pag-advertise na nauugnay sa pagsusugal. Pinapayagan ang mga ad na nauugnay sa pagsusugal kung nakakasunod ang mga ito sa mga patakaran sa ibaba at kung nakatanggap ang advertiser ng tamang certification sa Google Ads. Ang mga ad tungkol sa pagsusugal ay dapat na nagta-target ng mga naaprubahang bansa, may landing page na nagpapakita ng impormasyon tungkol sa responsableng pagsusugal, at hindi kailanman nagta-target ng mga menor de edad. Tingnan ang mga lokal na regulasyon para sa mga lugar na gusto mong i-target.

Mga halimbawa ng pinaghihigpitang content na nauugnay sa pagsusugal: mga aktwal na casino; mga site kung saan puwedeng tumaya ang mga user sa poker, bingo, roulette, o mga kaganapang pang-sports; mga pambansa o pribadong lottery; mga aggregator site para sa sports odds; mga site na nagbibigay ng mga bonus code o pampromosyong alok para sa mga site ng pagsusugal; mga online na materyal sa pag-aaral para sa mga larong pang-casino; mga site na nag-aalok ng mga larong "poker-for-fun"; mga site ng cash game na hindi pang-casino

Pangangalaga sa kalusugan at mga gamot

An illustration representing Google's policy of limiting certain ads that involve healthcare-related content.

Nakatuon kami sa pagsunod sa mga regulasyon sa pag-advertise para sa gamot at pangangalaga sa kalusugan, kaya inaasahan naming susunod ang mga ad at destinasyon sa mga naaangkop na batas at pamantayan sa industriya. Hindi talaga maaaring i-advertise ang ilang content na nauugnay sa pangangalaga sa kalusugan, habang ang iba naman ay maaari lang na i-advertise kung ang advertiser ay certified ng Google at nagta-target lang ng mga naaprubahang bansa. Tingnan ang mga lokal na regulasyon para sa mga lugar na gusto mong i-target.

Pampolitikang content

An illustration representing Google's policy of limiting certain ads that contain political content.

Inaasahan naming susunod ang lahat ng pampulitikang ad at destinasyon sa mga lokal na batas sa kampanya at eleksyon para sa anumang lugar na tina-target ng mga ad. Kabilang sa patakarang ito ang “mga campaign ban” tuwing eleksyon na iniuutos ng batas.

Mga halimbawa ng pampolitikang content: pag-promote ng mga politikal na partido o kandidato sa politika, pagsusulong ng isyung pampolitika

Mga serbisyo sa pananalapi

Isang larawang kumakatawan sa patakaran ng Google sa paglilimita ng ilang partikular na ad na tumatalakay ng mga pinansyal na serbisyo.

Gusto naming magkaroon ng sapat na impormasyon ang mga user para makagawa ng matatalinong pagpapasya kaugnay ng pera. Idinisenyo ang aming mga patakaran para bigyan ng impormasyon ang mga user para isaalang-alang ang mga gastusing nauugnay sa mga produkto at serbisyong pampinansyal, at para protektahan ang mga user laban sa mga nakakapinsala o mapanlinlang na kagawian. Para sa mga layunin ng patakarang ito, itinuturing naming mga produkto at serbisyong pinansyal ang mga produkto at serbisyong nauugnay sa pamamahala o pag-invest ng pera at mga cryptocurrency, kasama ang naka-personalize na payo.

Kapag nagpo-promote ng mga produkto at serbisyong pinansyal, dapat kang sumunod sa mga pang-estado at lokal na regulasyon para sa anumang lokasyong tina-target ng iyong mga ad — halimbawa, magsama ng mga partikular na paghahayag na iniaatas ng lokal na batas. Inaasahan na magsasagawa ang mga advertiser ng sarili nilang pananaliksik tungkol sa mga lokal na regulasyon para sa anumang lokasyong tina-target ng kanilang mga ad.

Sa ibaba, makakakita ka ng mga requirement sa patakaran na nauugnay sa mga pinansyal na serbisyo, personal na loan, at ilang partikular na pinaghihigpitang produktong pinansyal. Habang patuloy na nagbabago ang online na pag-advertise at ang mga regulasyon, patuloy naming ia-update at lalagyan ang patakarang ito ng mga karagdagang alituntunin na partikular sa produkto. Alamin kung ano ang mangyayari kung lalabag ka sa aming mga patakaran.

Mga Trademark

An illustration representing Google's policy of limiting certain ads that include trademarks.
Maraming salik ang tumutukoy sa kung kailan maaaring gamitin ang mga trademark sa mga ad. Kasama ng mga salik na inilarawan sa aming Policy Center, nalalapat lang ang mga patakarang ito kapag nagsumite ng wastong reklamo sa Google ang isang may-ari ng trademark.

Mga legal na kinakailangan

An illustration representing Google's policy on compliance with all applicable laws and regulations.

Palagi kang may pananagutan sa pagtiyak na nakakasunod ka sa lahat ng naaangkop na batas at regulasyon, bukod pa sa mga patakaran sa pag-advertise ng Google, para sa lahat ng lokasyon kung saan ipinapakita ang iyong mga ad.

Iba pang pinaghihigpitang negosyo

An illustration representing Google's policy on restricting certain kinds of businesses from advertising on Google Ads.
Pinaghihigpitan naming mag-advertise sa amin ang ilang partikular na uri ng negosyo para mapigilan ang pananamantala sa mga user, kahit na mukhang nakakasunod sa iba pa naming patakaran ang mga indibidwal na negosyo. Batay sa sarili naming tuluy-tuloy na mga pagsusuri, at sa feedback mula sa mga user, regulator, at awtoridad sa pagprotekta sa mga consumer, tinutukoy namin paminsan-minsan ang mga produkto o serbisyong malamang na maabuso. Kung sa palagay namin ay nagbibigay ng hindi makatwirang panganib sa kaligtasan ng user o karanasan ng user ang ilang partikular na uri ng negosyo, puwede naming limitahan o ihinto ang paggana ng mga nauugnay na ad.

Mga pinaghihigpitang format at feature ng ad

An illustration representing Google's requirements and certification process for advanced ad formats.

Maraming salik ang tumutukoy sa pagkakaroon ng access sa mga advanced na format at feature ng ad sa Google Ads. Hindi available ang ilang partikular na uri ng format ng ad para sa lahat ng advertiser hanggang sa matugunan nila ang aming mga partikular na kinakailangan o makumpleto ang proseso ng certification.

Mga kinakailangan para sa content na para sa bata

An illustration representing Google's policy on restricting ads for made for kids content.

Hindi puwedeng magpagana ang mga advertiser ng mga naka-personalize na ad sa content na itinakda bilang para sa bata. Tumingin dito para sa mga kategoryang pinaghihigpitan para sa pag-advertise sa content na ginawa para sa bata.

Mga proteksyon sa paghahatid ng ad para sa mga bata at teenager

Mahalagang kapaki-pakinabang, nagbibigay ng impormasyon, at higit sa lahat, ligtas para sa lahat ng aming user, kasama na rin ang mga bata at teenager, ang experience sa pag-advertise sa mga produkto ng Google. Nagpapatupad ang patakaran sa mga ad para sa bata at patakaran sa mga ad para sa teenager ng Google ng mga proteksyon para makatulong sa pagprotekta sa mga user na wala pang 18 taong gulang, kabilang ang pag-disable sa pag-personalize ng mga ad at paghihigpit sa mga sensitibong kategorya ng ad.

Limitadong paghahatid ng ad

Kinakatawan ng larawang ito ang patakaran sa limitadong paghahatid ng ad ng Google Ads.

Para maprotektahan ang integridad ng aming ecosystem ng Google Ads, nililimitahan namin ang mga impression ng mga ad na may mas mataas na potensyal na magdulot ng pang-aabuso o hindi magandang experience para sa aming mga user. Sa mga partikular na sitwasyong ito, mga kwalipikadong advertiser lang ang makakapaghatid ng mga ad nang walang limitasyon sa impression. Matuto pa kung kailan nalalapat ang limitadong paghahatid ng ad at sino ang kwalipikadong advertiser.

Mga kinakailangang pang-editoryal at teknikal

Gusto naming maghatid ng mga ad na nakakaengganyo para sa mga user pero hindi nakakayamot o hindi mahirap makaugnayan, kaya bumuo kami ng mga kinakailangang pang-editoryal para makatulong na panatilihing may dating sa mga user ang iyong mga ad. Tinukoy rin namin ang mga kinakailangang teknikal para makatulong sa mga user at advertiser na masulit ang iba't ibang format ng ad na iniaalok namin.

Pang-editoryal

Para makapagbigay ng de-kalidad na experience ng user, kinakailangan sa Google na matugunan ng lahat ng ad, asset, at destinasyon ang matataas na propesyonal at pang-editoryal na pamantayan. Pinapayagan lang namin ang mga ad na malinaw, propesyonal ang hitsura, at nagdadala sa mga user sa content na may kaugnayan, kapaki-pakinabang, at madaling makaugnayan.

Mga halimbawa ng mga pag-promote na hindi nakakatugon sa mga kinakailangang pang-editoryal at pampropesyonal na mga ito:

  • mga labis na generic na ad na naglalaman ng hindi malinaw na mga parirala gaya ng "Bumili rito ng mga produkto"
  • magimik na paggamit ng mga salita, numero, letra, bantas, o simbolo gaya ng LIBRE, l-i-b-r-e, at L!BR€!!

Mga kinakailangan sa destinasyon

Gusto naming magkaroon ng magandang karanasan ang mga consumer kapag nag-click sila sa isang ad, kaya dapat mag-alok ang mga destinasyon ng ad ng natatanging halaga sa mga user at dapat na gumagana, kapaki-pakinabang, at madaling i-navigate ang mga ito.

Mga halimbawa ng mga pag-promote na hindi nakakatugon sa mga kinakailangan sa destinasyon:

  • isang display URL na hindi tumpak na ipinakikita ang URL ng landing page, gaya ng pagdala ng "google.com" sa mga user sa "gmail.com"
  • mga site o app na kasalukuyang ginagawa, naka-park na domain o talagang hindi lang gumagana
  • mga site na hindi natitingnan sa mga karaniwang ginagamit na browser
  • mga site na nag-disable sa button na pabalik ng browser

Mga teknikal na kinakailangan

Para tulungan kaming mapanatiling malinaw at gumagana ang mga ad, kailangang matugunan ng mga advertiser ang aming mga kinakailangang teknikal.

Mga kinakailangan sa format ng ad

Upang tulungan kang makapagbigay ng de-kalidad na karanasan ng user at makapaghatid ng magagandang ad na propesyonal ang dating, pinapayagan lang namin ang mga promosyong nakakasunod sa mga partikular na kinakailangan para sa bawat ad. Suriin ang mga kinakailangang partikular sa format para sa lahat ng format ng ad na ginagamit mo.

Paalala: Hindi namin pinapayagan ang mga ad na hindi pampamilya sa mga image ad, video ad, at iba pang mga format na hindi text ad. Magbasa nang higit pa tungkol sa aming Patakaran sa pang-adult na content.

Mga halimbawa ng mga kinakailangan sa format ng ad: mga limitasyon sa bilang ng character para sa headline o body ng ad, mga kinakailangang laki ng larawan, mga limitasyon sa laki ng file, mga limitasyon sa haba ng video, mga aspect ratio.



Tungkol sa aming mga patakaran

Nagbibigay-daan ang Google Ads sa mga negosyong may iba't ibang laki mula sa lahat ng panig ng mundo na mag-promote ng maraming iba't ibang produkto, serbisyo, application, at website sa Google at sa buo naming network. Gusto ka naming tulungang maabot ang mga kasalukuyan at potensyal mong customer at audience. Gayunpaman, para makatulong na gumawa ng ligtas at positibong karanasan para sa mga user, nakikinig kami sa kanilang feedback at mga alalahanin tungkol sa mga uri ng mga ad na kanilang nakikita. Regular din naming sinusuri ang mga pagbabago sa mga online na trend at kasanayan, pamantayan sa industriya, at regulasyon. At panghuli, sa pagbuo ng aming mga patakaran, iniisip din namin ang tungkol sa aming mga pinahahalagahan at kultura bilang isang kumpanya, pati na rin ang mga pang-operasyon, teknikal, at pangnegosyong pagsasaalang-alang. Bilang resulta, nakagawa kami ng hanay ng mga patakaran na nalalapat sa lahat ng pag-promote sa Google Network.

Hinihingi ng Google na sumunod ang mga advertiser sa lahat ng naaangkop na batas at regulasyon at sa mga patakaran ng Google na inilarawan sa itaas. Mahalaga na maging pamilyar ka at patuloy na nakakaalam tungkol sa mga kinakailangan para sa mga lugar kung saan tumatakbo ang iyong negosyo, gayundin sa anumang lugar kung saan lumalabas ang iyong mga ad. Kapag nakakita kami ng content na lumalabag sa aming mga kinakailangan, puwede namin itong i-block sa paglabas, at sa mga kaso ng paulit-ulit o kapansin-pansing mga paglabag, puwede ka naming pigilan sa pag-advertise sa amin.

Responsibilidad ng mga advertiser na huwag mag-promote ng content o kumilos sa paraang nagdadala ng panganib sa aming mga user, mga empleyado, o sa ecosystem ng Ads. Kung may makita kaming ganitong content o gawi, posibleng umaksyon kami, kabilang ang, pero hindi limitado sa, paghihigpit o pag-block sa iyong mga ad at pagsususpinde ng account mo.

Kailangan mo ba ng tulong?

Kung mayroon kang mga tanong tungkol sa aming mga patakaran, makipag-ugnayan sa Suporta sa Google Ads

Ipaalam sa amin ang iyong opinyon

I-rate kung gaano kapaki-pakinabang ang page na ito at ibahagi sa amin ang iyong feedback:

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Mga app ng Google
Pangunahing menu