Nagbibigay ang Google ng mga translated na bersyon ng aming Help Center, gayunpaman, hindi ginawa ang mga ito para baguhin ang content ng aming mga patakaran. Ang English na bersyon ang opisyal na wikang ginagamit namin para ipatupad ang aming mga patakaran. Para tingnan ang artikulong ito sa ibang wika, gamitin ang dropdown ng wika sa ibaba ng page.
Dapat sumunod ang mga user ng Display & Video 360 sa patakaran ng Google Ads na ito. Bisitahin ang help center ng Display & Video 360 para sa mga karagdagang paghihigpit.
Sa artikulong ito
Ipinagbabawal ng Google Ads ang pagbebenta o pag-promote ng pagbebenta ng mga pekeng produkto. Ang mga pekeng produkto ay mga produktong naglalaman ng trademark o logo na kapareho ng o halos hindi naiiba sa trademark ng iba. Ginagaya ng mga ito ang mga feature ng brand ng produkto sa pagtatangkang pumasa ang mga ito bilang tunay na produkto ng may-ari ng brand.
Nalalapat ang patakarang ito sa content ng iyong ad at sa website o app mo.
Hindi pinapayagan ang sumusunod:
Mga produktong inilalarawan gamit ang mga terminong tulad ng knock off, replica, imitasyon, clone, faux, peke, mirror image, o mga katulad na termino kapag nagbabanggit ng pangalan ng brand sa pagtatangkang pumasa ang mga ito bilang mga tunay na produkto ng may-ari ng brand
Mga hindi tunay na produktong nanggagaya sa mga feature ng brand sa pagtatangkang pumasa ang mga ito bilang tunay na produkto
Mga halimbawa (hindi kumpleto): Mga hindi tunay na produktong may mga label o logo ng pangalan ng brand
Matuto pa tungkol sa kung Ano ang mangyayari kung lalabag ka sa aming mga patakaran.
Lubos na sineseryoso at itinuturing na matitindi ang mga paglabag sa patakarang ito. Ang matinding paglabag sa mga patakaran ng Google Ads ay isang seryosong paglabag na ilegal o nagdudulot ng malaking pinsala sa aming mga user. Para malaman kung lumalabag sa patakarang ito ang isang advertiser o destinasyon, puwedeng magsuri ang Google ng impormasyon mula sa maraming source, kasama ang iyong ad, website, mga account, at mga third-party na source. Kung may makitang mga paglabag sa patakarang ito, sususpindihin ang iyong mga Google Ads account sa oras na matukoy ang paglabag at nang walang paunang babala, at hindi ka na papayagang mag-advertise ulit sa Google Ads. Kung naniniwala kang may pagkakamali, at hindi mo nilabag ang aming patakaran, magsumite ng apela at ipaliwanag kung bakit. Ibinabalik lang ang mga account sa mga kapani-paniwalang pagkakataon at kapag may magandang dahilan, kaya mahalagang maglaan ka ng oras para maging detalyado, tumpak, at matapat. Matuto pa tungkol sa mga nasuspindeng account.
Mag-ulat ng ad
Kung sa tingin mo ay lumalabag sa patakarang ito ang isang ad o advertiser, puwede mong iulat ang content sa pamamagitan ng Form ng Google Ads para sa Reklamo sa Pamemeke.
Posibleng kasama sa sagot ng Google sa isang valid na reklamo sa pamemeke ang pag-aalis ng content o pagwawakas sa account ng user para sa produktong ito ng Google. Puwede ring isadokumento ng Google Ads ang mga reklamong inaaksyunan namin sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga kopya sa mga third party o pagsasapubliko ng mga ito. Kung tungkol sa maraming produkto ng Google ang iyong reklamo, magsumite ng hiwalay na reklamo sa pamemeke para sa bawat produkto, gamit ang form ng kaugnay na produkto.
Pinakamahuhusay na kagawian
- Maging malinaw tungkol sa mga partnership mo: Kung isa kang opisyal o awtorisadong re-seller para sa ibang brand o marami pang ibang brand, linawin ang iyong kaugnayan sa sarili mong website at mga ad. Kung magbabanggit ka ng ibang brand pero hindi ka opisyal o awtorisadong partner, pag-isipang maglagay ng disclaimer sa iyong website at sa mga ad mo.
- Gumamit ng sarili mong branding: Gamitin ang sarili mong pangalan, logo, mga larawan, at mga kulay ng brand sa iyong website at sa mga ad mo.
- Iwasang gamitin ang pagkakakilanlan ng ibang brand sa nakakapanlinlang na paraan: Iwasang gamitin ang pangalan, logo, mga larawan, at mga kulay ng ibang brand sa mga paraang makakapanlinlang sa mga tao. Huwag ibahin ang spelling ng pangalan ng ibang brand sa iyong ad text, tulad ng “G00gle.” Kapag nagbabanggit ng ibang brand, sundin ang patakaran ng Google sa mga trademark.
Iapela ang pasya sa patakaran
Kung sa tingin mo ay nagkaroon ng pagkakamali, direktang iapela ang pasya sa patakaran mula sa iyong Google Ads account para mag-request ng pagsusuri. Pagkatapos makumpirma na nakakasunod sa patakaran ang iyong content, papayagang maihatid ang mga ad mo. Kung hindi mo maayos ang mga paglabag na ito o kung pipiliin mong huwag ayusin ang mga ito, alisin ang iyong ad para makatulong na maiwasang masuspinde ang account mo sa hinaharap dahil sa mga paulit-ulit na paglabag sa patakaran.
Kailangan mo ba ng tulong?
Kung mayroon kang mga tanong tungkol sa mga patakaran, suriin ang mga alituntunin sa patakaran at mga halimbawang ibinigay o makipag-ugnayan sa Suporta sa Google Ads.