Mga Alituntunin sa Content ng Survey sa Pag-aaral ng Brand

Nagbibigay ang Google ng mga translated na bersyon ng aming Help Center, gayunpaman, hindi ginawa ang mga ito para baguhin ang content ng aming mga patakaran. Ang English na bersyon ang opisyal na wikang ginagamit namin para ipatupad ang aming mga patakaran. Para tingnan ang artikulong ito sa ibang wika, gamitin ang dropdown ng wika sa ibaba ng page.

Dapat sumunod ang mga third party na vendor ng pananaliksik na na-certify ng Google na maghatid ng mga survey o magpadala sa mga user ng mga imbitasyon sa survey sa mga sumusunod na patakaran sa content ng survey:

Patakaran sa Privacy  

  • May nakikita at naa-access dapat na link ng mga patakaran sa privacy ng vendor ng pananaliksik bago ang o kapag ipinakita ang unang tanong ng survey (pero inirerekomendang nakikita ang link ng patakaran sa privacy sa lahat ng tanong sa survey). Kabilang dito ang mga survey na isinagawa sa loob ng ad banner at/o sa hiwalay na browser na bumubukas mula sa imbitasyon sa survey.

Pangongolekta ng Impormasyong Nagbibigay ng Personal na Pagkakakilanlan (Personally Identifiable Information o PII)

  • Puwede lang kolektahin at gamitin ang PII para ihatid ang mga nauugnay na insentibo, at dapat kaagad na i-discard ang ganoong data pagkatapos maihatid ang mga nauugnay na insentibo.
  • Posibleng paghigpitan ang mga advertiser sa pangongolekta ng ilang partikular na uri ng data at pagbawalan sa pangongolekta ng ganitong mga uri ng data kapag nangongolekta rin sila ng PII.
  • Kasama sa mga pinaghihigpitang sensitibong kategorya kung naka-link sa PII ang, pero hindi limitado sa:
    • Status na pampinansyal o impormasyon ng account
    • Impormasyong hinggil sa lahi o etnisidad
    • Kasaysayan o impormasyong pangkalusugan/medikal
    • Sekswal na gawi/oryentasyon
    • Impormasyon tungkol sa mga batang wala pang 18 taong gulang
    • Mga pampulitikang opinyon/paniniwala
    • Pagsapi sa unyon ng mga manggagawa
    • Mga relihiyosong paniniwala o pilosopiya

Age gating

  • Puwede lang bumukas ang survey mo para sa mga user na lampas 18 taong gulang. Bagama't hindi nire-require na kunin ang edad ng user, nalalapat ang mga sumusunod na patakaran kung partikular na nanghihingi ang survey ng impormasyon ng edad:
    • Kung hinihingi ang edad sa survey, dapat itong hingin sa simula ng survey nang walang iba pang tanong o field sa parehong page. 
    • Kung wala pang 18 taong gulang ang user, dapat matapos kaagad ang survey.
    • Hindi pinapayagan ang pangongolekta ng edad sa mga publication na para sa mga bata, kabataan, laro, atbp.

Mga Google Branded Survey

  • Hindi puwedeng tukuyin ng imbitasyon sa survey at ng mismong survey na ito ay nauugnay o mukhang nauugnay sa Google/YouTube maliban kung pinopondohan ng Google/YouTube ang pag-aaral o maliban kung may explicit na nakasulat na pag-apruba. Kabilang dito ang pagbanggit ng pangalan, logo, at/o brand ng Google/YouTube sa anumang imbitasyon sa survey o survey. 

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Mga app ng Google
Pangunahing menu
15238151218154645002
true
Maghanap sa Help Center
false
true
true
true
true
true
73067
false
false
true
false