Nagbibigay ang Google ng mga translated na bersyon ng aming Help Center, gayunpaman, hindi ginawa ang mga ito para baguhin ang content ng aming mga patakaran. Ang English na bersyon ang opisyal na wikang ginagamit namin para ipatupad ang aming mga patakaran. Para tingnan ang artikulong ito sa ibang wika, gamitin ang dropdown ng wika sa ibaba ng page.
Ang mga asset para sa pagmemensahe ay nagbibigay-daan sa mga user na magsimula ng pag-uusap sa iyong negosyo gamit ang gusto mong platform sa pagmemensahe. Napapailalim ang mga asset para sa pagmemensahe sa mga karaniwang patakaran ng Google Ads at sa mga requirement sa ibaba.
Sa artikulong ito
- Tungkol sa patakaran
- Mga opsyon para maayos
- Mga nauugnay na patakaran at madalas na hindi pag-apruba
Hindi na-verify na asset para sa pagmemensahe
Para matiyak ang magandang experience ng user, nire-require ng Google na nauugnay ang mga asset para sa pagmemensahe sa ina-advertise na kumpanya. Hindi pinapayagan ang sumusunod:
Mga asset para sa pagmemensahe na hindi na-verify ng Google
Halimbawa (hindi kumpleto):
- Message ID o username na hindi na-verify ng Google
Mga opsyon para maayos
Puwede mong i-verify ang iyong asset para sa pagmemensahe sa 2 paraan.
Ipakita ang link sa platform sa pagmemensahe sa iyong site
Kung pipiliin mong i-verify ang iyong asset para sa pagmemensahe sa pamamagitan ng pagpapakita ng link sa site o page sa social media ng iyong negosyo, dapat matugunan ng asset para sa pagmemensahe at ad mo ang mga sumusunod na requirement:
- Nakikita dapat ang link ng platform sa pagmemensahe sa website o page sa social media ng iyong negosyo na itinatampok sa ad mo. Kung lalabas ang link ng platform sa pagmemensahe sa mga ad para sa iba't ibang website o page sa social media, dapat itong lumabas sa kahit man lang isang page para sa bawat isa sa mga website o page ng social media na iyon.
- Magiging mas madaling tukuyin at i-verify ang iyong link ng platform sa pagmemensahe kung itinatampok ito sa isang landing page na madalas pinupuntahan.
- Magkapareho dapat ang domain ng URL sa pag-verify at ng display URL ng iyong ad.
I-verify ang pagmamay-ari ng domain
Kung pipiliin mong i-verify ang iyong asset para sa pagmemensahe sa pamamagitan ng pagpapatunay ng pagmamay-ari sa domain ng display URL ng iyong ad, may dalawang paraan para magawa mo ito:
- I-link ang iyong Google Search Console account at Google Ads account.
- Idagdag ang iyong natatanging tag ng pagsubaybay sa conversion o tag ng remarketing ng Google Ads sa website mo.
Pagkatapos mong i-edit at i-save ang iyong asset, ipapadala ito sa amin para sa pagsusuri. Kung malaman ng Google na inalis mo ang hindi sumusunod na content sa iyong assert at landing page, puwede nang magsimulang gumana ang mga ad mo.
Mga nauugnay na patakaran at madalas na hindi pag-apruba
Ang mga sumusunod na patakaran sa Google Ads ay partikular na may kaugnayan sa mga asset para sa pagmemensahe at kadalasang naiuugnay sa mga hindi pag-apruba.
Hindi na-verify na numero ng telepono
Para sa mga asset para sa pagmemensahe na nauugnay sa mga numero ng telepono, dapat i-verify ng Google ang mga naturang numero ng telepono bago mo magamit ang mga iyon sa mga ad at asset. Sumangguni sa Patakaran sa hindi na-verify na numero ng telepono para sa higit pang impormasyon at mga hakbang sa pag-troubleshoot para sa pag-verify ng numero ng telepono. Bilang paglilinaw, isang pag-verify lang ang kinakailangan para sa mga asset para sa pagmemensahe, sa ilalim man ng Patakaran sa hindi na-verify na numero ng telepono o sa ilalim ng requirement sa Hindi na-verify na asset para sa pagmemensahe sa itaas.
Pang-editoryal
Nalalapat sa lahat ng ad ang mga karaniwang requirement para sa linaw, tamang spelling, at paggamit ng capitalization at mga simbolo, kasama ang starter na mensahe sa mga asset para sa pagmemensahe. Sumangguni sa Patakarang pang-editoryal para sa higit pang impormasyon.