Nagbibigay ang Google ng mga translated na bersyon ng aming Help Center, gayunpaman, hindi ginawa ang mga ito para baguhin ang content ng aming mga patakaran. Ang English na bersyon ang opisyal na wikang ginagamit namin para ipatupad ang aming mga patakaran. Para tingnan ang artikulong ito sa ibang wika, gamitin ang dropdown ng wika sa ibaba ng page.
Bumuo ng tiwala, maging mas transparent, at makakuha ng access sa mas maraming feature sa pamamagitan ng pagkumpleto sa pag-verify ng advertiser. Kakailanganin mo lang tapusin ang ilang gawain, gaya ng pagsagot sa ilang tanong tungkol sa organisasyon mo. Pagkatapos ma-verify, lalabas ang ilan sa iyong impormasyon sa mga paghahayag ng ad at Ads Transparency Center, na nagbibigay ng konteksto tungkol sa isang advertiser at sa kanilang mga ad.
Matuto pa tungkol sa Pag-verify ng advertiser.Sa artikulong ito
Mga gawaing nire-require para sa pag-verify
Aabisuhan ka ng Google Ads sa pamamagitan ng notification sa account o ng email kapag kailangan mong kumpletuhin ang pag-verify ng advertiser.
Para simulan ang pag-verify, may ilang tanong kang sasagutin tungkol as iyong organisayon at may tatapusin kang ilang nire-require na gawain. Mag-iiba-iba ang mga gawaing ito depende sa iyong account, setup ng pagsingil, at iba pang salik. Admin lang ng Google Ads account ang puwedeng magkumpleto ng mga gawain.
Kapag na-verify ka na, lalabas ang pangalan at lokasyon ng iyong advertiser sa mga paghahayag ng ad, Ang Aking Ad Center, at Ads Transparency Center. Matuto pa tungkol sa Transparency ng mga ad
Kung magbabayad ka sa pamamagitan ng buwanang pag-invoice, posibleng iba ang proseso ng pag-verify mo. Matuto pa tungkol sa pag-verify para sa mga Google Ads account na nagbabayad sa pamamagitan ng buwanang pag-invoice.
Binigyan ng deadline?
Mapo-pause ang account mo kung hindi mo tatapusin ang pag-verify ng advertiser bago agn deadline. Makikita mo ang iyong deadline sa page ng pag-verify ng advertiser. Mahalagang magsimula nang maaga dahil puwedeng abutin nang hanggang 5 business days bago masuri ng Google Ads ang impormasyong isinumite mo.
Matuto pa Tungkol sa pag-pause ng Google Ads account.
Walang deadline?
Puwede mong piliing magpa-verify kung kailan mo gusto. Mainam kung gagawin mo ito para:
- Proactive na ma-verify
- Magkaroon ng access sa higit pang format at feature ng ad, tulad ng pangalan at logo ng iyong negosyo sa Search Ads
- Alisin ang mga limitasyon sa iyong account
Posibleng abutin nang 5 business days bago masuri ang iyong gawain. Sa mga bihirang sitwasyon, posibleng abutin nang hanggang 30 araw ang pagsusuri. Makakapagpagana ka pa rin ng mga ad kung hindi mo tatapusin ang pag-verify ng advertiser.
Naka-pause ang account?
Makakapagpagana ka ulit ng mga ad kung tatapusin mo ang pag-verify ng advertiser
Mag-aapela ng pagsususpinde?
Makakapag-apela ka lang kung tatapusin mo ang pag-verify ng advertiser
Paano magsimula ng gawain
Posibleng hilingin sa iyong tapusin ang isa o higit pa sa mga gawaing nakalista sa susunod na seksyon. Para magsimula ng gawain, tingnan ang iyong status, o subukan ulit ang isang gawain, sundin ang mga hakbang na ito:
- Sa iyong Google Ads account, i-click ang icon ng Pagsingil
.
- I-click ang Pag-verify ng advertiser.
- I-click ang Simulan ang gawain at sundin ang mga ibinigay na tagubilin.
Mga gawain para sa lahat ng uri ng account
|
|
Sagutin ang ilang tanong tungkol sa iyong organisasyonKakailanganin mong sagutin ang ilang tanong tungkol sa uri ng organisasyon at kung sino ang nagbabayad para sa mga ad. Kung namamahala ka ng mga ad para sa isang kliyente, siguraduhing pipiliin mo ang Oo para sa "Ahensya ba ang iyong organisayon?" para sa paghahayag ng ad. Kung hindi, mapo-pause o masususpinde ang account mo. |
|
|
Sumagot ng ilang tanong tungkol sa iyong business operations.Kakailanganin mong sumagot ng mga tanong tungkol sa:
Hindi makikita ng karamihan sa mga advertiser ang gawaing ito. Google Ads Business Operations Verification (BOV) Process: Overview Para sa mga subtitle sa iyong wika, i-on ang mga caption sa YouTube. Piliin ang icon ng Mga Setting |
|
|
Kumpirmahin kung plano mong magpagana ng mga pampolitikang ad para sa European UnionKakailanganin mong kumpirmahin kung plano mong gamitin ang account na ito o hindi para magpagana ng mga pampolitikang ad para sa European Union (EU). Nire-require ng mga regulasyon ng EU ang Google na itanong ito. Kung Oo ang pinili mo, hindi puwedeng gumana ang campaign mo sa European Union. Hindi pinapayagan ng Google Ads ang mga campaign na may mga pampolitikang ad sa EU na gumana sa EU. Puwede mo pa ring paganahin ang iyong campaign sa ibang rehiyon. Matuto pa tungkol sa Mga pampolitikang ad sa European Union. Admin o mga karaniwang user lang ang puwedeng kumumpleto sa gawaing ito. Magkumpirma para sa isang accountMapo-prompt ka sa iyong Google Ads account na magdeklara kung nilalayon mong magpagana ng mga pampolitikang ad para sa European Union.
Magkumpirma para sa isang campaignPara magkumpirma para sa isang campaign:
Magkumpirma para sa maraming campaignPara magkumpirma para sa maraming campaign nang sabay-sabay:
|
Mga gawain sa pagsingil
|
|
Sagutin ang ilang tanong tungkol sa iyong payment historyKakailanganin mong sagutin ang ilang tanong tungkol sa iyong paraan ng pagbabayad at kung ano ang ginagawa ng organisasyon mo. |
Kumpirmahin ang iyong paraan ng pagbabayadMagkakaroon ng maliit na singil sa iyong paraan ng pagbabayad na may code sa pagkumpirma. Gagawa ang Google ng pansamantalang singil na may code sa pagkumpirma na lalabas sa iyong history ng transaksyon. May lalabas na singil sa loob ng 5 minuto at mababawi mo ang perang iyon sa loob ng 14 na araw. Ang halaga ng singil na ito ay nakadepende sa uri ng currency na ginagamit mo pero hindi ito lalampas sa $1.95 USD. Dapat lumabas agad ang singil na ito pero puwedeng abutin nang hanggang 7 araw bago ito lumabas sa iyong listahan ng mga kamakailang transaksyon.
|
|
MagbayadBaka kailangan mong magbayad ng kasalukuyang balanse o magbayad nang minsanan. Mangyayari halos agad-agad ang mga pagbabayad gamit ang credit o debit card. Puwedeng mas matagalan bago pumasok sa account ang mga pagbabayad sa pamamagitan ng bank account, digital wallet, at iba pang paraan ng pagbabayad.
|
|
Sagutin ang isang tanong tungkol sa kung sino ang nagbabayad para sa iyong mga adKapag tapos ka nang magpa-verify, may lalabas na "Pinopondohan ni/ng (pangalan sa profile sa pagbabayad)" sa iyong paghahayag ng ad kung iba ang na-verify mong pangalan sa iyong pangalan sa profile sa pagbabayad. Lalabas ito sa Ang Aking Ad Center at Ads Transparency Center. Bilang default, gagamitin ang iyong pangalan sa profile sa pagbabayad bilang pangalan. Para sa mga na-verify na account ng ahensya, gagamitin ang profile sa pagbabayad ng kliyente mo. Para baguhin ang pangalan, kakailanganin mong sagutin ang isang tanong tungkol sa kung sino ang nagbabayad para sa iyong mga ad. |
Mga gawain para sa mga indibidwal
|
|
Isumite ang iyong mga dokumentoIsusumite mo ang iyong personal na impormasyon at isang photo ID na bigay ng gobyerno. Tingnan ang listahan ng mga katanggap-tanggap na dokumento para sa iyong bansa. Ang pangalan at lokasyon sa profile sa mga pagbabayad ay dapat eksaktong tumugma sa pangalan at lokasyon mo sa anumang dokumentong isusumite mo. Kung hindi tumutugma ang pangalan, tiyaking ie-edit mo ang iyong pangalan sa profile sa mga pagbabayad sa pamamagitan ng pag-click sa icon na lapis sa tabi ng pangalan mo. Kung wala kang access sa pag-edit, kakailanganin mong makipag-ugnayan sa amin. |
|
|
Kumpirmahin ang numero ng iyong teleponoMaglalagay ka ng numero ng telepono at kukumpirmahin mo ang 6 na digit na code na ipapadala sa iyong telepono.
|
|
|
Kumpirmahin ang iyong numero ng social security (US lang)Magsusumite ka ng personal na impormasyon, kasama ang iyong numero ng social security (SSN).
|
|
|
Kumuha ng video selfieIsusumite mo ang iyong photo ID na bigay ng gobyerno at kukuha ka ng video selfie. Admin lang sa profile sa mga pagbabayad ang puwedeng magkumpleto ng gawaing ito. Kung hindi magtutugma ang iyong ID at video selfie pagkatapos ng 5 pagsubok, kakailanganin mong makipag-ugnayan sa amin. |
Mga gawain para sa mga organisasyon
|
|
Ibigay ang iyong impormasyon sa Dun & BradstreetIlalagay mo ang impormasyon ng iyong organisasyon at magkakaroon ka ng opsyong ibigay ang iyong D-U-N-S number. Puwedeng gamitin ng Google Ads ang iyong D-U-N-S® number para kumpirmahin ang impormasyong ibibigay mo tungkol sa iyong negosyo habang isinasagawa ang pag-verify ng advertiser. Matuto pa Tungkol sa pag-enroll sa D‑U‑N‑S®. Kung walang tugma, siguraduhing tama ang impormasyong ibinigay mo at subukan ulit. Pagkatapos ng 3 hindi matagumpay na pagsubok, hihilingin sa iyong magsumite na lang ng mga dokumento ng organisasyon mo. |
|
|
Isumite ang mga dokumento ng iyong organisasyonIlalagay mo ang impormasyon ng iyong organisasyon at isusumite ang mga dokumento ng organisasyon mo. Sumangguni sa Mga nire-require na dokumento para sa pag-verify ng advertiser para sa iyong lokasyon. Ang pangalan at lokasyon sa profile sa mga pagbabayad ay dapat eksaktong tumugma sa legal na pangalan at lokasyon mo sa anumang dokumentong isusumite mo. Kung hindi tumutugma ang pangalan, i-edit ang iyong pangalan sa profile sa mga pagbabayad sa pamamagitan ng pag-click sa icon na lapis Kung gumagamit ka ng trade name o “Nagnenegosyo Bilang” (Doing Business As o DBA) na pangalan, dapat tumugma ang trade name o DBA na pangalan at legal na pangalan sa dokumento ng pagpaparehistro na isusumite mo. Siguraduhing wala ang mga sumusunod sa pangalan sa dokumento:
Mga detalye ng lokasyon sa South Korea Kakailanganin mong:
Kung hindi mo makukumpirma ang iyong numero ng telepono pagkatapos ng 5 pagsubok, kakailanganin mong subukan ulit pagkalipas ng 24 na oras. |
|
|
Kumpirmahin ang iyong affiliation sa organisasyon moKukumpirmahin ng Google Ads ang iyong affiliation sa organisasyon mo sa pamamagitan ng pagpapadala ng 6 na digit na code sa numero ng telepono mo sa pamamagitan ng SMS o email ng organisasyon. Tiyaking gamitin ang email o numero ng telepono na nauugnay sa iyong organisasyon sa Google Ads account mo.
|
Mga gawain para sa mga ahensya
|
|
Ibigay ang impormasyon ng iyong ahensyaIlalagay mo ang impormasyon ng iyong ahensya at kakailanganin mong tapusin ang isa o higit pa sa mga sumusunod na gawain:
|
|
|
Ibigay ang impormasyon ng iyong kliyentePara sa mga Google Grants account, ang pangalan ng negosyo ng profile na pipiliin mo ay dapat tumugma sa pangalan ng tagatanggap ng grant. Kung nire-require sa iyo na magsumite ng mga dokumento, kailangan mong isumite ang dokumentasyon ng tagatanggap ng grant. Matuto pa tungkol sa Mga nire-require na dokumento para sa pag-verify ng advertiser.
Bilang isang ahensya, puwede mong gawin ang alinman sa mga sumusunod:
Makikita mo lang ang mga profile sa mga pagbabayad kung saan admin ka. Hindi mo ba nakikita ang isang partikular na profile sa mga pagbabayad? Kakailanganin mong makipag-ugnayan sa admin ng profile sa mga pagbabayad at magpadala ng link ng gawain sa admin. Hindi ito makakaapekto sa setup ng pagsingil ng Google Ads account o magbibigay ng bagong access sa Google Ads account. Kung hindi na-verify ang piniling profile sa mga pagbabayad, kakailanganin mong kumumpleto ng hiwalay na pag-verify ng advertiser para sa kliyenteng iyon. Nangangahulugan itong hihilingin sa iyong kumumpleto ng isa o higit pang gawaing nakalista sa itaas sa ilalim ng Organisasyon o Indibidwal, depende sa uri ng account ng kliyente mo. Kapag na-verify na ang profile sa mga pagbabayad, aabisuhan ang ahensya sa pamamagitan ng email. Bilang kliyente, kakailanganin mong gawin ang mga sumusunod:
Makikita mo lang ang mga profile sa mga pagbabayad kung saan admin ka. Hindi mo ba nakikita ang isang partikular na profile sa mga pagbabayad? Kakailanganin mong makipag-ugnayan sa admin ng profile sa mga pagbabayad at magpadala ng link ng gawain sa admin. Hindi ito makakaapekto sa setup ng pagsingil ng Google Ads account o magbibigay ng bagong access sa Google Ads account. Kung hindi na-verify ang piniling profile sa mga pagbabayad, kakailanganin mong kumumpleto ng gawain. Kapag na-verify na ang profile sa mga pagbabayad, aabisuhan ang ahensya sa pamamagitan ng email. |
Mga gawain para sa ilang partikular na industriya
Para makapagpagana ng mga ad para sa ilang partikular na industriya, kakailanganin mong matugunan ang mga karagdagang pamantayan, na posibleng kinabibilangan ng pag-apply para sa certification, pag-verify, o pagkumpleto ng ilang partikular na gawain.
Ang mga sumusunod na industriya ay may karagdagang mga requirement sa patakaran:
- Pagsusugal at mga laro
- Mga Copyright
- Mga serbisyo sa pakikipag-date sa Japan
- Pangangalaga sa kalusugan at mga gamot
- Mga produkto at serbisyong pinansyal
- Mga Halalan
- Mga benta ng ticket ng event
- Mga dokumento at opisyal na serbisyo ng pamahalaan
- Mga serbisyo ng locksmith at sa garahe
- Libreng desktop software
- Mga cryptocurrency at kaugnay na produkto
Patuloy naming sinusuri ang aming mga patakaran sa ad kaugnay ng mga pagbabago sa industriya at trend ng pang-aabuso, at puwede kaming magtakda ng mga bagong requirement sa pag-verify para sa ilang partikular na content.
|
|
Magsagot ng ilang tanong tungkol sa iyong domainKakailanganin mong sagutin ang ilang tanong tungkol sa ugnayan ng iyong domain sa isang industriya. |
Bakit ko kailangang magkumpleto ng mga karagdagang gawain para sa mga industriyang ito?
Mahigpit na kinokontrol o maraming nangyayaring pang-aabuso sa mga industriyang ito, na nangangahulugang kailangan ng Google Ads ng karagdagang impormasyon tungkol sa iyong organisasyon.