Sekswal na kalusugan at wellness

Nagbibigay ang Google ng mga translated na bersyon ng aming Help Center, gayunpaman, hindi ginawa ang mga ito para baguhin ang content ng aming mga patakaran. Ang English na bersyon ang opisyal na wikang ginagamit namin para ipatupad ang aming mga patakaran. Para tingnan ang artikulong ito sa ibang wika, gamitin ang dropdown ng wika sa ibaba ng page.

Pinapayagan ng Google ang promosyon ng mga personal lubricant at inireresetang gamot para sa erectile dysfunction at hypoactive sexual desire disorder sa Google Display Network at YouTube, hangga't:

  • Hindi pino-promote ang mga ad sa paraang nakatuon sa sekswal na kasiyahan o pag-aayos ng sekswal na katangian, o hindi gumagamit ng mga element at temang may sekswal na pahiwatig;
  • Mga user na 18 taong gulang pataas ang tina-target ng mga ad;
  • Iginagalang ng mga ad ang mga paghihigpit sa paghahatid at paghihigpit na partikular sa bansa ng Patakaran sa pangangalaga sa kalusugan at mga gamot ng Google Ads (kasama ang pag-apply para sa certification ng mga produktong para sa pangangalaga sa kalusugan, para makapag-promote ng mga pangalan ng inireresetang gamot sa ad o landing page, kung naaangkop)
  • Sumusunod ang mga ad sa mga lokal na batas sa mga rehiyong tina-target ng iyong mga campaign.

Papagayan lang ng Google ang promosyon ng mga personal lubricant at inireresetang gamot sa mga piling bansa.

  • Puwedeng mag-promote ang mga advertiser ng mga personal lubricant sa mga sumusunod lang na bansa: Australia, Brazil, Canada, Germany, Portugal, New Zealand, Spain, United Kingdom, at United States
  • Ang mga certified na pharmaceutical manufacturer at certified na advertiser na nagpopromote ng mga serbisyo para sa inireresetang gamot ay puwedeng mag-promote ng mga inireresetang gamot para sa erectile dysfunction at hypoactive sexual desire disorder sa mga sumusunod lang na bansa: Canada, New Zealand, at United States

Ang mga pino-promote na ad na lumalabag sa mga pamantayang ito ay napapailalim sa mga patakaran sa Sekswal na content, Hindi naaangkop na content, at Pangangalaga sa kalusugan at mga gamot ng Google Ads at posibleng patuloy na paghigpitan o hindi aprubahan.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Mga app ng Google
Pangunahing menu