Nagbibigay ang Google ng mga translated na bersyon ng aming Help Center, gayunpaman, hindi ginawa ang mga ito para baguhin ang content ng aming mga patakaran. Ang English na bersyon ang opisyal na wikang ginagamit namin para ipatupad ang aming mga patakaran. Para tingnan ang artikulong ito sa ibang wika, gamitin ang dropdown ng wika sa ibaba ng page.
Dapat sumunod ang mga user ng Display & Video 360 sa patakaran ng Google Ads na ito. Bisitahin ang help center ng Display & Video 360 para sa mga karagdagang paghihigpit.
Sa page na ito
Pagsusugal at content na nagpo-promote ng pagsusugal
Sinusuportahan namin ang pag-advertise ng responsableng pagsusugal at nire-require namin ang mga advertiser na sumunod sa mga lokal na batas sa pagsusugal at mga pamantayan sa industriya. Tingnan ang mga lokal na regulasyon para sa mga lugar na gusto mong i-target.
Sinasaklaw ng patakaran sa ibaba ang online na pagsusugal, offline na pagsusugal, at content na nagpo-promote ng online na pagsusugal. Itinatakda sa bawat seksyon ng patakarang ito ang pinapayagan namin sa bawat kategorya. Pinapayagan lang namin ang pag-advertise ng pagsusugal at content na nagpo-promote ng pagsusugal kapag natugunan ang mga pamantayang itinakda sa mga nauugnay na seksyon. Ang mga ad at destinasyon ng pagsusugal at content na nagpo-promote ng online na pagsusugal ay dapat ding:
- mag-target lang ng mga inaprubahang bansa,
- may landing page na nagpapakita ng impormasyon tungkol sa responsableng pagsusugal at
- hindi kailanman nagta-target ng mga menor de edad.
Ano ang pagsusugal?
Ang terminong "pagsusugal" at mga nauugnay na termino ay may legal na mga kahulugan na iba sa bawat bansa. Kapag tinutukoy namin ang pagsusugal (at mga nauugnay na termino) sa patakaran ito, tinutukoy namin ang pagsusugal ayon sa ibinigay na kahulugan ng batas sa ilalim ng framework sa pagkontrol sa bansa kung saan ka nagta-target ng mga ad, at sa anumang gumagana sa mga sumusunod na paraan:
- Pag-stake ng may halaga sa mga resulta ng mga event o proseso na tinukoy ng element ng swerte na may pagkakataong manalo nang may halaga.
Ano ang content na nagpo-promote ng pagsusugal?
Ang ibig sabihin ng content na nagpo-promote ng pagsusugal ay:
- content na direktang nagpo-promote ng engagement sa mga aktibidad sa pagsusugal at/o
- content na nagpo-promote ng pagsusugal na nagre-require ng pahintulot sa ilalim ng lokal na batas.
Online na pagsusugal at content na nagpo-promote ng online na pagsusugal
Pinapayagan lang namin ang pag-advertise ng online na pagsusugal at content na nagpo-promote ng online na pagsusugal sa mga bansang nakalista sa ibaba at kung saan natutugunan ang mga pamantayan sa certification na partikular sa bansa. Alamin kung paano mag-apply para sa certification. Hindi kwalipikado para sa certification at hindi puwedeng i-advertise ang anumang uri ng online pagsusugal na hindi nakalista sa ilalim ng "Online na pagsusugal." Kapag hindi nakalista ang content na nagpo-promote ng online na pagsugal para sa isang partikular na bansa, hindi ito puwedeng i-advertise doon.
Itinakda namin sa ibaba ang pinapayagan at hindi namin pinapayagan sa mga kategoryang ito.
Pinapayagan ang sumusunod:
Pag-promote ng online na pagsusugal
Mga Halimbawa: Mga online na casino o bookmaker, mga site o app ng online na bingo o slots, online na pagbili ng ticket ng lotto o scratch card, online na pagtaya sa sports, online na pagsusugal na ginagamitan ng mga virtual na currency o item na may halaga sa totoong buhay.
Pag-promote ng content na nagpo-promote ng online na pagsusugal ng mga sumusunod na uri:
- Mga aggregator o affiliate na site na nagbibigay ng impormasyon tungkol sa, o paghahambing ng, iba pang serbisyo sa pagsusugal
Hindi dapat direktang mag-alok ng mga serbisyo sa pagsusugal o mag-link sa mga serbisyo sa pagsusugal na pagmamay-ari nila ang mga destinasyong nagtatampok ng content na nagpo-promote ng online na pagsusugal. Bukod pa rito, hindi sila puwedeng mag-promote ng anumang aktibidad sa pagsusugal na hindi sumusunod sa mga requirement na partikular sa bansa na nakatakda sa ibaba para sa online na pagsugal sa bansang tina-target nila. Ibig sabihin, dapat mayroon ang anumang pino-promote na produkto ng nakalistang pahintulot o mga lisensya sa bansang iyon.
Hindi pinapayagan ang sumusunod:
Hindi pinapayagan ang pag-promote ng content na nagpo-promote ng online na pagsusugal maliban sa aggregator o mga affiliate na site na nagbibigay ng impormasyon tungkol sa, o paghahambing ng, iba pang serbisyo sa pagsusugal
Hindi pinapayagan ng Google ang pag-promote ng Mahjong na may kasamang palitan ng pera sa Asia-Pacific region.
Dapat panatilihin ng mga advertiser ang anumang lisensya, awtorisasyon, rehistro, o katulad ng mga ito na nire-require sa ilalim ng patakarang ito hangga't nananatiling certified namin ang advertiser at dapat nila kaming abisuhan kaagad kung mag-expire o masuspinde o wakasan ang alinman sa itaas. Ang paghahatid ng mga ad sa pagsusugal nang walang valid na certification ay puwedeng humantong sa pagbabawal sa account mo na magpagana ng mga ad hanggang sa mag-apply ka para sa at makatanggap ka ng certification.
Mga requirement na partikular sa bansa
Mga requirement na partikular sa bansa
| Mga pinapayagang produkto | Requirement sa certification na partikular sa bansa |
|---|---|
|
Online na pagsusugal:
|
Ang operator ay dapat isang lisensyadong operator na nakarehistro sa Instituto de Supervisão de Jogos. Tingnan kung paano mag-apply. |
| Mga pinapayagang produkto | Requirement sa certification na partikular sa bansa |
|---|---|
|
Online na pagsusugal:
|
Ang operator ay dapat na mga entity na pinapagana ng probinsya o lisensyado ng probinsya. Tingnan kung paano mag-apply. |
| Content na nagpo-promote ng online na pagsusugal | Tingnan kung paano mag-apply. |
| Mga pinapayagang produkto | Requirement sa certification na partikular sa bansa |
|---|---|
|
Online na pagsusugal:
|
Ang operator ay isa dapat lisensyadong operator na nakarehistro sa naaangkop na Australian State o Territory at may valid na lisensya. Kasalukuyang naka-pause simula Agosto 25, 2025 ang mga bagong aplikasyon para sa mga certification sa pagsusugal. |
| Mga pinapayagang produkto | Requirement sa certification na partikular sa bansa |
|---|---|
|
Online na pagsusugal:
|
Ang mga operator ng pagtaya sa sports ay lisensyado dapat ng isang gobyerno ng estado sa kahit isang Estado lang ng Austria at may valid na numero ng pahintulot sa pagtaya sa sports. Lisensyado dapat ng Austrian Ministry of Finance ang mga operator ng online na bingo, mga online na larong pang-casino, at lotto na nauugnay sa pagsusugal. Tingnan kung paano mag-apply. |
| Mga pinapayagang produkto | Requirement sa certification na partikular sa bansa |
|---|---|
|
Online na pagsusugal:
|
Lisensyado dapat ng awtoridad sa pagsusugal ng Belgium ang operator ng online na bingo, pagtaya sa sports, o mga online na larong pang-casino. Ang Belgian National Lottery lang ang puwedeng maging operator ng mga lotto. Tingnan kung paano mag-apply. |
| Mga pinapayagang produkto | Requirement sa certification na partikular sa bansa |
|---|---|
|
Online na pagsusugal:
|
Lisensyado dapat ng mga awtoridad sa pagsusugal sa Brazil ang mga operator. Para sa mga app: Nire-require sa opisyal na nakarehistrong domain ng operator ang isang kitang-kita at gumaganang link papunta sa listing ng app sa App Store o Play Store. Tingnan kung paano mag-apply. |
| Mga pinapayagang produkto | Requirement sa certification na partikular sa bansa |
|---|---|
|
Online na pagsusugal:
|
Ang operator ay dapat isang lisensyadong operator na nakarehistro sa Agence de Régulation des Jeux. Tingnan kung paano mag-apply. |
| Mga pinapayagang produkto | Requirement sa certification na partikular sa bansa |
|---|---|
|
Online na pagsusugal:
|
Ang mga operator ng mga lotto ay dapat na mga entity na pinapagana ng gobyerno o lisensyado ng mga pederal na awtoridad sa Canada. Lisensyado dapat ng nauugnay na probinsya ang operator ng pagtaya sa sports, mga online na casino, at fantasy sports, at ang probinsya lang na iyon ang tina-target nito. Tingnan kung paano mag-apply. |
| Mga pinapayagang produkto | Requirement sa certification na partikular sa bansa |
|---|---|
|
Online na pagsusugal:
|
Dapat nakarehistro sa Colijuegos at may valid na lisensya ang operator. Tingnan kung paano mag-apply. |
| Content na nagpo-promote ng online na pagsusugal |

Ang Croatian Lottery LLC lang ang puwedeng maging operator ng mga lotto at bingo. Lisensyado dapat ng mga awtoridad sa pagsusugal sa Croatia ang operator ng pagsusugal at pagtaya. Tingnan kung paano mag-apply. |
| Mga pinapayagang produkto | Requirement sa certification na partikular sa bansa |
|---|---|
|
Online na pagsusugal:
|
Lisensyado dapat ng mga awtoridad sa pagsusugal sa Czechia ang operator. Tingnan kung paano mag-apply. |
| Mga pinapayagang produkto | Requirement sa certification na partikular sa bansa |
|---|---|
|
Online na pagsusugal:
|
Ang operator ay lisensyado dapat ng Danish Gambling Authority para makapag-advertise:
Tingnan kung paano mag-apply. Ang operator ay lisensyado dapat ng operator ng estado para mai-advertise ang mga sumusunod:
|
| Content na nagpo-promote ng online na pagsusugal | Tingnan kung paano mag-apply. |
| Mga pinapayagang produkto | Requirement sa certification na partikular sa bansa |
|---|---|
|
Online na pagsusugal:
|
Ang mga operator ay dapat mga entity na inaprubahan ng estado na may lisensya sa paggawa ng aktibidad at nauugnay na pahintulot sa pagpapatakbo. Tingnan kung paano mag-apply. |
| Mga pinapayagang produkto | Requirement sa certification na partikular sa bansa |
|---|---|
|
Online na pagsusugal:
|
Ang mga operator ng mga sumusunod na produkto ay mga awtorisadong entity dapat na pinapatakbo ng estado:
Ang mga operator ng mga sumusunod na produkto ay lisensyado dapat ng National Lottery Administration at dapat magbigay ng karagdagang kumpirmasyon mula sa NLA tungkol sa kasalukuyang status ng lisensya:
|
| Mga pinapayagang produkto | Requirement sa certification na partikular sa bansa |
|---|---|
|
Online na pagsusugal:
|
Ang operator ay isa dapat entity na binigyan ng lisensya ng estado. Tingnan kung paano mag-apply. |
| Mga pinapayagang produkto | Requirement sa certification na partikular sa bansa |
|---|---|
|
Online na pagsusugal:
|
Ang operator ay dapat na:
|
|
Content na nagpo-promote ng online na pagsusugal |
Tingnan kung paano mag-apply. |
| Mga pinapayagang produkto | Requirement sa certification na partikular sa bansa |
|---|---|
|
Online na pagsusugal
|
Ang operator o broker ay dapat na may hawak na valid na lisensya ng operator o broker ng pagsusugal na ibinigay ng kwalipikadong awtoridad ng Germany na pumapayag sa online na advertisement sa pamamagitan ng Google Ads. Ang mga customer na hindi mga operator o broker (tulad ng mga ahensya sa pag-advertise o mga kumpanyang nag-e-execute para sa mga lotto) ay dapat awtorisado ng may hawak ng lisensyang mag-advertise, at dapat nilang tanggapin ang Mga Tuntunin at Kundisyon sa Pag-advertise ng Pagsusugal, sa ngalan nila. Kapag nag-a-apply para sa certification, dapat magbigay ang mga customer ng sulat na nilagdaan ng may hawak ng lisensya at idokumento ang pagpapahintulot na iyon. Dapat gawing available ng destinasyon ang isang imprint alinsunod sa mga lokal na legal requirement.
|
| Mga pinapayagang produkto | Requirement sa certification na partikular sa bansa |
|---|---|
|
Online na pagsusugal:
|
Ang mga operator ng mga pampublikong lotto ay mga awtorisadong entity dapat na pinapatakbo ng estado. Ang mga operator ng mga pribadong lotto at Mga Reseller ng mga kupon ng Pambansang Lotto ay lisensyado dapat ng National Lottery Authority. Ang mga operator ng pagtaya sa sports o mga online na casino ay lisensyado dapat ng Gaming Commission of Ghana at dapat magbigay ng karagdagang pahintulot para mag-advertise. Tingnan kung paano mag-apply. |
| Mga pinapayagang produkto | Requirement sa certification na partikular sa bansa |
|---|---|
|
Online na pagsusugal:
|
Dapat angkop na pinahintulutan ng mga awtoridad sa Greece ang mga operator at ahensya sa pag-advertise. Tingnan kung paano mag-apply. |
| Content na nagpo-promote ng online na pagsusugal |
Dapat angkop na pinahintulutan ng mga awtoridad sa Greece ang mga operator at ahensya sa pag-advertise. Tingnan kung paano mag-apply. |
| Mga pinapayagang produkto | Requirement sa certification na partikular sa bansa |
|---|---|
|
Online na pagsusugal:
|
Ang operator ay isa dapat entity na binigyan ng lisensya ng estado. Tingnan kung paano mag-apply. |
| Mga pinapayagang produkto | Requirement sa certification na partikular sa bansa |
|---|---|
|
Online na pagsusugal:
|
Ang mga operator ng online na pagtaya ay nakarehistro dapat sa naaangkop na Hungarian Gambling Authority. Ang operator ng mga online na casino ay puwede lang ayusin ng entity na may karapatan ayon sa concession na magpatakbo ng mga casino sa Hungary bilang mga sakop ng mga brick-and-mortar. Ang operator ng lotto ay ang mga awtorisadong entity dapat na pinapatakbo ng estado: Tingnan kung paano mag-apply. |
| Mga pinapayagang produkto | Requirement sa certification na partikular sa bansa |
|---|---|
|
Dapat lang magtuon ang mga ad sa pag-promote ng Rummy at hindi ng anupamang uri ng online na pagsusugal. Tingnan kung paano mag-apply. |
| Mga pinapayagang produkto | Requirement sa certification na partikular sa bansa |
|---|---|
|
Online na pagsusugal:
|
Nakarehistro dapat ang operator bilang bookmaker sa Revenue Commissioners at may valid na numero ng lisensya: Tingnan kung paano mag-apply. |
| Content na nagpo-promote ng online na pagsusugal | Tingnan kung paano mag-apply. |
| Mga pinapayagang produkto | Requirement sa certification na partikular sa bansa |
|---|---|
|
Online na pagsusugal:
|
Ang operator ay isa dapat entity na binigyan ng lisensya ng estado Tingnan kung paano mag-apply. |
| Mga pinapayagang produkto | Requirement sa certification na partikular sa bansa |
|---|---|
|
Online na pagsusugal:
|
Ang operator ay isa dapat entity na pinapatakbo ng estado Tingnan kung paano mag-apply. |
| Mga pinapayagang produkto | Requirement sa certification na partikular sa bansa |
|---|---|
|
Online na pagsusugal:
|
Lisensyado dapat ng estado ang mga operator ng mga lotto na nauugnay sa pagsusugal at pagtaya sa sports. Tingnan kung paano mag-apply. |
| Mga pinapayagang produkto | Requirement sa certification na partikular sa bansa |
|---|---|
|
Online na pagsusugal:
|
Ang mga operator ay lisensyado dapat ng Betting Control & Licensing Board at dapat magbigay ng karagdagang pahintulot para mag-advertise. Tingnan kung paano mag-apply. |
| Content na nagpo-promote ng online na pagsusugal |
Dapat magbigay ang mga entity ng letter of no objection mula sa Betting Control & Licensing Board. Tingnan kung paano mag-apply. |
| Mga pinapayagang produkto | Requirement sa certification na partikular sa bansa |
|---|---|
|
Online na pagsusugal:
|
Ang operator ay dapat na mga entity na pinapagana ng estado o lisensyado ng estado. Tingnan kung paano mag-apply. |
| Mga pinapayagang produkto | Requirement sa certification na partikular sa bansa |
|---|---|
|
Online na pagsusugal:
|
Ang operator ay isa dapat entity na pinapatakbo ng estado Tingnan kung paano mag-apply. |
| Mga pinapayagang produkto | Requirement sa certification na partikular sa bansa |
|---|---|
|
Online na pagsusugal:
|
Ang operator ay isa dapat entity na inaprubahan ng estado Tingnan kung paano mag-apply. |
| Mga pinapayagang produkto | Requirement sa certification na partikular sa bansa |
|---|---|
|
Online na pagsusugal:
|
Nakarehistro dapat sa Secretaria de Gobernacion ang operator ng nauugnay na landing page at may valid na numero ng lisensya, o pinapagana dapat ng Pronósticos para la Asistencia Pública ang nauugnay na landing page na iyon at dapat may ibigay na kopya ng valid na kasunduan na nagpapatunay sa katangian nito bilang ahensya (comisionista) o pampromosyong partner (socio promocional). Ang mga advertiser o operator ay dapat mag-publish ng babala sa kanilang landing page at pati na rin sa mga ad nila na nagsasaad na hindi para sa mga menor de edad ang pagsusugal (tulad ng "prohibido para menores") at naglalaman dapat ang mga ito ng mga mensaheng humihimok sa mga tao na maglaro sa responsableng paraan (tulad ng "juega responsablemente"). Tingnan kung paano mag-apply. |
| Content na nagpo-promote ng online na pagsusugal | Tingnan kung paano mag-apply. |
| Mga pinapayagang produkto | Requirement sa certification na partikular sa bansa |
|---|---|
|
Online na pagsusugal:
|
Ang operator ay lisensyado dapat ng Mozambican Gaming General Inspectorate. Tingnan kung paano mag-apply. |
| Content na nagpo-promote ng online na pagsusugal |
Ang operator ay lisensyado dapat ng Mozambican Gaming General Inspectorate. Tingnan kung paano mag-apply. |
| Mga pinapayagang produkto | Requirement sa certification na partikular sa bansa |
|---|---|
|
Online na pagsusugal:
|
Ang operator ay dapat isang lisensyadong operator na nakarehistro sa Gambling Board at sa Lotteries Board. Tingnan kung paano mag-apply. |
| Mga pinapayagang produkto | Requirement sa certification na partikular sa bansa |
|---|---|
|
Online na pagsusugal:
|
Lisensyado dapat ng Dutch Gambling Authority (‘de Kansspelautoriteit’) ang operator. Tingnan kung paano mag-apply. |
| Mga pinapayagang produkto | Requirement sa certification na partikular sa bansa |
|---|---|
|
Online na pagsusugal
|
Ang operator ay isa dapat entity na binigyan ng lisensya ng estado. Tingnan kung paano mag-apply. |
| Mga produktong pinapayagan | Requirement sa certification na partikular sa bansa |
|---|---|
|
Online na pagsusugal:
|
Pinapahintulutan ng Google ang mga ad para sa content ng online na pagsusugal na lisensyado ng naaangkop na awtoridad sa pagsusugal sa estado sa isang kwalipikadong estado. Mga kasalukuyang kwalipikadong estado: Cross River, Ekiti, Lagos, Oyo Tingnan kung paano mag-apply. |
| Mga pinapayagang produkto | Requirement sa certification na partikular sa bansa |
|---|---|
|
Online na pagsusugal:
|
Pinapayagan ang mga lotto na pagmamay-ari ng Estado o lisensyado ng pamahalaan ng UK. Tingnan kung paano mag-apply. |
| Mga pinapayagang produkto | Requirement sa certification na partikular sa bansa |
|---|---|
|
Online na pagsusugal:
|
Ang operator ay isa dapat entity na binigyan ng lisensya ng estado. Tingnan kung paano mag-apply. |
| Mga pinapayagang produkto | Requirement sa certification na partikular sa bansa |
|---|---|
|
Online na pagsusugal:
|
Lisensyado dapat ng komisyon sa gaming ng gobyerno ang operator. Tingnan kung paano mag-apply. |
| Mga pinapayagang produkto | Requirement sa certification na partikular sa bansa |
|---|---|
|
Online na pagsusugal:
|
Lisensyado dapat ng komisyon sa gaming ng gobyerno ang operator. Tingnan kung paano mag-apply. |
| Content na nagpo-promote ng online na pagsusugal | Tingnan kung paano mag-apply. |
| Mga pinapayagang produkto | Requirement sa certification na partikular sa bansa |
|---|---|
|
Online na pagsusugal:
|
Ang operator ay dapat isang entity na lisensyado ng estado o pinapatakbo ng estado. Tingnan kung paano mag-apply. |
| Mga pinapayagang produkto | Requirement sa certification na partikular sa bansa |
|---|---|
|
Online na pagsusugal:
|
Pagmamay-ari dapat ng estado ang mga operator ng mga lotto at numeric na laro. Lisensyado dapat ng Ministry of Finance ang mga operator ng mga site sa pagtaya. Tingnan kung paano mag-apply. |
| Mga pinapayagang produkto | Requirement sa certification na partikular sa bansa |
|---|---|
|
Online na pagsusugal:
|
Lisensyado dapat ng mga nauugnay na awtoridad sa Portugal ang operator. Tingnan kung paano mag-apply. |
| Content na nagpo-promote ng online na pagsusugal | Tingnan kung paano mag-apply. |
| Mga pinapayagang produkto | Requirement sa certification na partikular sa bansa |
|---|---|
|
Online na pagsusugal:
|
Ang pagsasaayos at pananamantala ng mga aktibidad ng remote/online na pagsusugal sa Romania ay pinapayagan lang para sa mga operator na may lisensya para sa pagsasaayos ng mga aktibidad sa pagsusugal at may pahintulot sa pananamantala, na parehong ibinigay ng Romanian National Office for Gambling (ang “ONJN”), ang may kapangyarihang awtoridad kaugnay nito. Ang pagsasaayos at pananamantala ng mga lotto (tradisyonal at remote/online) sa Romania ay puwedeng eksklusibong gawin ng National Company "Romanian Lottery" (COMPANIA NATIONALA LOTERIA ROMANA SA). Tingnan kung paano mag-apply. |
| Content na nagpo-promote ng online na pagsusugal |
Nire-require ang mga aggregator na magkaroon ng Class 2 na lisensya ng pagsusugal na ibinigay ng ONJN. Tingnan kung paano mag-apply. |
| Mga pinapayagang produkto | Requirement sa certification na partikular sa bansa |
|---|---|
|
Online na pagsusugal:
|
Nakarehistro dapat sa naaangkop na awtoridad ang mga operator ng pagtaya, slots, at larong pang-casino, at dapat silang magsumite ng valid na lisensya. Ang mga operator ng mga classic na laro ay dapat na mga entity na pinapatakbo ng estado: Tingnan kung paano mag-apply. |
| Content na nagpo-promote ng online na pagsusugal. | Tingnan kung paano mag-apply. |
| Mga pinapayagang produkto | Requirement sa certification na partikular sa bansa |
|---|---|
|
Online na pagsusugal:
|
Lisensyado dapat ng awtoridad sa pagsusugal sa Slovakia ang operator. Tingnan kung paano mag-apply. |
| Mga pinapayagang produkto | Requirement sa certification na partikular sa bansa |
|---|---|
|
Online na pagsusugal:
|
May hawak dapat na concession ang operator mula sa Government of the Republic of Slovenia. Tingnan kung paano mag-apply. |
| Mga pinapayagang produkto | Requirement sa certification na partikular sa bansa |
|---|---|
|
Online na pagsusugal:
|
Lisensyado/awtorisado dapat ng National Lotteries Commission ang mga operator ng lotto. Lisensyado dapat ng naaangkop na Panlalawigang regulator ang mga operator ng pagtaya sa sports. Tingnan kung paano mag-apply. |
| Mga pinapayagang produkto | Requirement sa certification na partikular sa bansa |
|---|---|
|
Online na pagsusugal:
|
Nakarehistro dapat sa awtoridad sa pagsusugal sa Spain ang operator. Tingnan kung paano mag-apply. |
| Mga pinapayagang produkto | Requirement sa certification na partikular sa bansa |
|---|---|
|
Online na pagsusugal:
|
Ang operator ay isa dapat lisensyadong operator ng Spelinspektionen. Tingnan kung paano mag-apply. |
| Mga pinapayagang produkto | Requirement sa certification na partikular sa bansa |
|---|---|
|
Online na pagsusugal:
|
Isa dapat entity na lisensyado ng Swiss Federal Gaming Board ang operator ng mga online na larong pang-casino. Isa dapat entity na pinapatakbo ng estado na lisensyado ng Swiss Gambling Supervisory Authority ang operator ng mga lotto at pagtaya sa sports. Tingnan kung paano mag-apply. |
| Mga pinapayagang produkto | Requirement sa certification na partikular sa bansa |
|---|---|
|
Online na pagsusugal:
|
Ang operator ay isa dapat entity na inaprubahan ng estado. Tingnan kung paano mag-apply. |
| Mga pinapayagang produkto | Requirement sa certification na partikular sa bansa |
|---|---|
|
Online na pagsusugal:
|
Ang operator ay lisensyado dapat ng Gaming Board of Tanzania at dapat magbigay ng karagdagang pahintulot sa pag-advertise. Tingnan kung paano mag-apply. |
| Mga pinapayagang produkto | Requirement sa certification na partikular sa bansa |
|---|---|
|
Online na pagsusugal:
|
Ang operator ay isa dapat entity na pinapatakbo ng estado. Tingnan kung paano mag-apply. |
| Mga pinapayagang produkto | Requirement sa certification na partikular sa bansa |
|---|---|
|
Online na pagsusugal:
|
Ang operator ay isa dapat entity na binigyan ng lisensya ng estado. Tingnan kung paano mag-apply. |
| Mga pinapayagang produkto | Requirement sa certification na partikular sa bansa |
|---|---|
|
Online na pagsusugal:
|
Lisensyado dapat ng awtoridad sa pagsusugal sa Uganda ang operator. Dapat magpakita ang operator ng mensahe sa landing page na nagbibigay ng babala na ‘Nakakahumaling ang pagtaya at puwede itong makasama sa kalusugan ng pag-iisip.’ Tingnan kung paano mag-apply. |
| Mga pinapayagang produkto | Requirement sa certification na partikular sa bansa |
|---|---|
|
Dapat angkop na pinahintulutan ng mga awtoridad sa Ukraine ang mga operator at ahensya sa pag-advertise. Nire-require ang isang hiwalay na lisensya para sa bawat kategorya ng pagsusugal. Tingnan kung paano mag-apply. |
| Content na nagpo-promote ng online na pagsusugal |
Dapat angkop na pinahintulutan ng mga awtoridad sa Ukraine ang mga operator at ahensya sa pag-advertise. Tingnan kung paano mag-apply. |
| Mga pinapayagang produkto | Requirement sa certification na partikular sa bansa |
|---|---|
|
Online na paglalaro:
|
Entity na lisensyado ng GCGRA dapat ang operator. Tingnan kung paano mag-apply. |
| Mga pinapayagang produkto | Requirement sa certification na partikular sa bansa |
|---|---|
|
Online na pagsusugal:
|
Ang mga operator ng online na bingo, pagtaya sa sports, mga online na larong pang-casino, at mga lotto ay nakarehistro dapat sa Komisyon sa Pagsusugal, at may valid na numero ng lisensya sa pagpapatakbo. Ang mga operator ng mga raffle at libreng palabunutan o palabunutang may papremyo ay nakarehistro dapat sa UK Fundraising Regulator o Scottish Charity Register. Tingnan kung paano mag-apply. |
| Content na nagpo-promote ng online na pagsusugal | Tingnan kung paano mag-apply. |
| Mga pinapayagang produkto | Requirement sa certification na partikular sa bansa |
|---|---|
|
Online na pagsusugal:
|
Mga entity dapat na pinapatakbo ng estado ang mga operator ng mga lotto. Ang mga advertiser ng karera ng kabayo, pagtaya sa sports, at mga online na casino ay lisensyado dapat ng entity ng estado sa ilang partikular na estado kung saan legal ang mga ito. Ang mga advertiser ng mga serbisyo ng courier ng lotto ay lisensyado dapat sa kahit isang estado lang at puwede lang mag-target ng ilang partikular na estado kung saan hindi ipinagbabawal ng batas ang ganoong mga serbisyo. Pinapayagan ng Google ang pag-target sa buong bansa para sa mga ad na nagpo-promote ng pagtaya sa sports sa YouTube. Ang mga advertiser ay dapat (1) hindi mag-target ng mga user na wala pang 21 o user sa labas ng (mga) estado kung saan lisensyado sila, at (2) maglagay ng babala laban sa mga panganib ng nakakahumaling at hindi mapigilang pagsusugal at impormasyon sa kaugnay na tulong sa landing page o sa creative Tingnan kung paano mag-apply. |
| Content na nagpo-promote ng online na pagsusugal | Puwede lang mag-target ang mga advertiser ng content na nagpo-promote ng online na pagsusugal ng mga partikular na estado sa U.S., gaya ng nakabalangkas sa form ng certification. Tingnan kung paano mag-apply. |
Offline na Pagsusugal
Pag-promote ng legal at pisikal na aktibidad o establisimiyento ng pagsusugal sa totoong mundo.
Mga Halimbawa: "mga brick and mortar casino,” mga entertainment event sa mga casino, streaming ng mga offline na poker tournament
Ipinagbabawal ang pag-promote ng offline na pagsusugal sa mga sumusunod na bansa: Bulgaria, China, Estonia, Egypt, Hong Kong, India, Indonesia, Italy, Korea, Lithuania, Malaysia, Morocco, Northern Ireland, Philippines, Singapore, Taiwan, Thailand, Turkey, Ukraine, United Arab Emirates, Vietnam.
Mga online na larong hindi pang-casino
Mga requirement na partikular sa bansa
Anumang online na larong hindi pang-casino na para sa isang premyong may halaga kung saan hindi ganap o hindi bahagyang nakabatay sa tsamba ang resulta. Para sa ilang partikular na laro, posibleng i-require sa iyong magkaroon ng certification at sumunod sa mga karagdagang requirement sa certification na partikular sa bansa na nakasaad sa talahanayan sa ibaba.
Mga Halimbawa: Mga crane game, chess o mga video game, fantasy sports (maliban na lang kung itinuturing itong pagsusugal o ilegal ng lokal na batas), mga pay-to-enter na multi-player na larong may premyong may halaga kung saan tinutukoy ang panalo ayon sa kakayahan.
Ang mga larong kadalasang makikita sa mga casino ay itinuturing na Online na Pagsusugal.
Dapat mag-apply para sa certification sa pagsusugal ang mga larong (i) nagre-require ng lisensya o pahintulot sa bansang tina-target ng iyong mga ad (kapag pinapahintulutan) at posibleng kailangang sumunod ng mga ito sa mga karagdagang requirement sa certification na partikular sa bansa gaya ng nakatakda sa talahanayan sa ibaba, o (ii) ilegal.
Sa Brazil, India, Netherlands, o US, anumang laro maliban sa mga laro kung saan nagre-require kami ng certification (ibig sabihin, mga social na larong pang-casino, pagsusugal, o Pang-araw-araw na Fantasy Sport ayon sa naaangkop).
Mga Halimbawa: Fantasy sports kung saan itinuturing itong pagsusugal ng lokal na batas.
| Bansa | Requirement sa certification ng Pang-araw-araw na Fantasy Sport |
|---|---|
| United States |
Dapat matugunan ng mga advertiser ng Pang-araw-araw na Fantasy Sports ang mga sumusunod na requirement, bukod pa sa pagkakaroon ng lisensya sa estado kapag nire-require:
Kung tina-target ng mga advertiser ang mga ad nila sa isang estadong hindi nagre-require ng lisensya, lisensyado dapat ang advertiser sa kahit isa pang estadong nagre-require ng lisensya para makapagpatakbo. Tingnan kung paano mag-apply rito. |
| India |
Dapat na eksklusibong i-promote ng ad ang Pang-araw-araw na Fantasy Sports at wala dapat itong i-promote na ibang uri ng pagsusugal. Hindi puwedeng i-target ang ad sa mga sumusunod na estado: Andhra Pradesh, Assam, Nagaland, Odisha, Sikkim, at Telangana. Tingnan kung paano mag-apply rito. |
| Brazil |
Dapat na eksklusibong i-promote ng ad ang Pang-araw-araw na Fantasy Sports at wala dapat itong i-promote na ibang uri ng pagsusugal. Pinapayagan ang mga ad na nagpo-promote ng content ng Pang-araw-araw na Fantasy Sports hangga't natutugunan ng mga ito ang mga requirement sa pag-apply. Tingnan kung paano mag-apply rito. |
| Nigeria |
(Mga) kasalukuyang kwalipikadong estado: Lagos Pinapayagan ang mga ad na nagpo-promote ng content ng Pang-araw-araw na Fantasy Sports hangga't natutugunan ng mga ito ang mga requirement sa pag-apply. Tingnan kung paano mag-apply rito. |
Mga social na larong pang-casino
Pinapayagan lang namin ang pag-advertise ng mga social na larong pang-casino sa mga bansang nakalista sa ibaba, kung saan natutugunan ang mga requirement na nakalista sa ibaba at kung saan ang advertiser ay may certification sa Google Ads para sa Mga social na larong pang-casino. Puwedeng maging certified ang isang account para sa content ng mga social na larong pang-casino o ng online na pagsusugal. Para ma-advertise ang dalawa, mangangailangan ka ng magkaibang account. Alamin kung paano mag-apply para sa certification.
Ang mga social na larong pang-casino ay mga online na simulated na laro sa istilong pagsusugal kung saan walang pagkakataong manalo ng anumang may halaga.
Hindi pinapayagan ang pag-promote ng content na direkta mismong nagpo-promote ng engagement sa mga social na larong pang-casino, tulad ng mga aggregator o affiliate.
Pag-promote ng mga social na larong pang-casino
Mga halimbawa ng mga larong hindi mga social na larong pang-casino: Mga sweepstake na casino
Para tumanggap at mag-retain ng certification sa Google Ads, dapat kang sumunod sa mga requirement sa ibaba:
- Dapat may kasamang disclaimer ang mga laro na para lang ito sa mga user na lampas na sa legal na edad ng pagsusugal at hindi dapat itong mag-target ng mga menor de edad.
- May hawak dapat na valid na lokal na lisensya ang advertiser para sa pamamahagi ng kanyang mga laro sa mga tina-target na bansa, kapag naaangkop.
- Dapat kasama sa mga laro ang mga pahayag na hindi nag-aalok o nagpo-promote ang mga ito ng pagsusugal na gumagamit ng totoong pera at hindi ito nagbibigay ng mga papremyo na may halaga sa totoong mundo.
- Dapat ihayag ng advertiser sa landing page o ad kung may kasamang mga in-app na pagbili ang isang laro.
- Hindi dapat gumamit ang mga ad, site, o app ng mga logo, pangalan, o markang nauugnay sa mga brand ng pagsusugal na gumagamit ng totoong pera
Alamin kung paano mag-apply para sa certification.
Pinapayagan lang ang pag-promote ng mga social na larong pang-casino sa mga sumusunod na bansa kapag natutugunan ang mga requirement sa itaas:
Australia, Austria, Brazil, Bulgaria, Canada, Colombia, Czech Republic, Denmark, Finland, France, Germany, Greece, Hong Kong, Hungary, India, Ireland, Israel, Japan, Korea, Latvia, Lithuania, Malaysia, Mexico, Mozambique, Netherlands, New Zealand, Nigeria, Norway, Peru, Portugal, Romania, Serbia, Slovakia, South Africa, Spain, Sweden, Switzerland, Taiwan, Thailand, United Kingdom, United States, Vietnam
Lubos naming sineseryoso ang mga paglabag sa kategoryang ito, at itinuturing naming malala ang mga ito. Kung makakakita kami ng mga paglabag sa Patakaran sa mga social na larong pang-casino na ito, sususpindihin namin ang iyong mga Google Ads account sa oras na matukoy ang paglabag at nang walang paunang babala, at hindi ka na papayagang mag-advertise ulit sa amin.
Mag-apply para sa certification para makapag-promote ng pagsusugal
- Sumangguni sa patakaran at mga requirement na partikular sa bansa at kumpirmahing natutugunan mo ang mga requirement na iyon.
- Mag-apply para sa certification:
- Kung isa kang operator o nag-aalok ka ng content na nagpo-promote ng pagsusugal sa isa sa mga bansa kung saan pinapahintulutan namin ang content ng online na pagsusugal, punan ang form ng aplikasyon sa online na pagsusugal sa Help Center ng Google Ads. Para makatulong na maiwasan ang mga hindi kinakailangang pagkaantala, tiyaking ibigay ang lahat ng nire-request na impormasyon.
- Kung isa kang operator ng Social na Larong Pang-casino sa isa sa mga bansa kung saan pinapahintulutan namin ang content na social na larong pang-casino, punan ang Aplikasyon para sa mga social na larong pang-casino para isumite ang URL ng website o app ID mo para sa certification.
- Kung mahigit sa isang bansa ang gusto mong i-target, magsumite ng hiwalay na form ng aplikasyon para sa bawat bansa.
- Dapat kang magpa-certify ulit kung magkaroon ng anumang pagbabago sa materyal sa impormasyong ibinigay mo sa iyong aplikasyon. Puwedeng magresulta sa pagkakasuspinde ng account ang hindi paggawa nito.
Epekto ng patakaran
Kung kwalipikado ang iyong ad at natutugunan nito ang mga requirement ng patakaran, posibleng maapektuhan ng mga sumusunod na salik ang paghahatid.
| Certification |
|---|
| Bansa |
|---|
|
| Mga Format ng Ad |
|---|
Posibleng mag-iba ang mga katanggap-tanggap na format ng ad depende sa mga salik gaya ng platform na ginagamit mo, status ng iyong ad, at kung nag-opt in na magpakita ng mga ganoong ad ang isang publisher o partner.
|
Paano mag-ayos ng paglabag
Narito ang higit pang detalye tungkol sa bawat paglabag at kung ano ang puwede mong gawin kung hindi naaprubahan ang iyong ad.
Tina-target ng ad sa pagsusugal ang isang pinaghihigpitang bansa
Kung natutugunan mo ang mga requirement:
- Mag-apply para maging certified ng Google. Kung hindi ka pa nakakapag-apply, ipadala sa amin ang iyong opisyal na impormasyon ng lisensya sa pagsusugal. Kailangan mong kumpletuhin ang form ng aplikasyon para sa bawat bansa na gusto mong i-target. Kung maaprubahan ang iyong aplikasyon, mag-request ng pagsusuri ng iyong mga hindi naaprubahang ad para magsimulang gumana ang mga iyon.
- I-target ang iyong certified na lokasyon. Kung tama ang lisensya mo at certified ka na ng Google, i-edit ang iyong pag-target sa lokasyon para ang mga bansa lang na isinumite mo sa iyong request para sa certification ang i-target mo. Kung gusto mong mag-target ng bagong lokasyon, kailangan mong mag-apply ulit partikular na para sa bansang iyon. Kapag mga bansa na lang kung saan certified ka ng Google ang tina-target mo, mag-request ng pagsusuri sa iyong mga hindi naaprubahang ad para magsimulang gumana ang mga ito.
Kung hindi mo natutugunan ang mga requirement:
- Mag-target ng ibang lokasyon. Kung natutugunan ng ad mo ang mga pangunahing requirement sa patakaran pero hindi ang mga para sa mga bansang tina-target ng iyong campaign, puwede mong piliing i-edit ang iyong pag-target sa lokasyon para mapagana ang mga ad mo sa ibang lugar kung saan nakakatugon ang mga ito sa aming mga requirement. Kapag na-target mo ang iyong campaign sa mga tinatanggap na lokasyon lang, puwede kang mag-request ng pagsusuri sa mga hindi naaprubahang ad mo, at susuriin namin kung puwede nang magsimulang gumana ang mga ito.
- Tiyaking sumusunod ang iyong mga ad sa aming mga patakaran. I-edit ang ad o asset para makasunod ito sa patakaran o baguhin ang iyong final URL para tumuro sa isa pang bahagi ng website o app mo na hindi lumalabag sa aming mga patakaran.
Nire-require ang certificate sa pagsusugal
- Mag-apply para maging certified ng Google. Kung hindi mo pa nagagawa, ipadala sa amin ang iyong opisyal na impormasyon ng lisensya sa pagsusugal -- tingnan kung paano mag-apply. Kailangan mong kumpletuhin ang form ng aplikasyon para sa bawat bansa na gusto mong i-target. Kung maaprubahan ang iyong aplikasyon, mag-request ng pagsusuri ng iyong mga hindi naaprubahang ad para magsimulang gumana ang mga iyon.
- I-target ang iyong certified na lokasyon. Kung tama ang lisensya mo at certified ka na ng Google, i-edit ang iyong pag-target sa lokasyon para ang mga bansa lang na isinumite mo sa iyong request para sa certification ang i-target mo. Kung gusto mong mag-target ng bagong lokasyon, kailangan mong mag-apply ulit partikular na para sa bansang iyon. Kapag mga bansa na lang kung saan certified ka ng Google ang tina-target mo, mag-request ng pagsusuri sa iyong mga hindi naaprubahang ad para magsimulang gumana ang mga ito.
Kung hindi mo natutugunan ang mga requirement:
- Mag-target ng ibang lokasyon. Kung natutugunan ng ad mo ang mga pangunahing requirement sa patakaran pero hindi ang mga para sa mga bansang tina-target ng iyong campaign, puwede mong piliing i-edit ang iyong pag-target sa lokasyon para mapagana ang mga ad mo sa ibang lugar kung saan nakakatugon ang mga ito sa aming mga requirement. Kapag na-target mo ang iyong campaign sa mga tinatanggap na lokasyon lang, puwede kang mag-request ng pagsusuri sa mga hindi naaprubahang ad mo, at susuriin namin kung puwede nang magsimulang gumana ang mga ito.
- Baguhin ang landing page ng iyong ad. Kung humahantong ang iyong ad sa content na lumalabag sa patakarang ito, i-edit ang landing page para makasunod ito o baguhin ang iyong final URL para tumuro sa isa pang bahagi ng website o app mo na hindi lumalabag sa patakarang ito.
- Alisin ang content na iyon sa iyong ad. Kung lumalabag sa patakarang ito ang iyong ad, i-edit ito para makasunod ito.
Hindi tumutugma ang URL sa certificate sa pagsusugal
Paano ayusin ang mga hindi pag-apruba dahil sa “Hindi tumutugma ang URL sa certificate sa pagsusugal”:
- Mag-apply para magkaroon ng isa pang website na certified ng Google. Kung gusto mong mag-promote ng ibang website bukod sa website kung para saan ka orihinal na nag-apply, magsumite ng isa pang aplikasyon -- tingnan ang paano mag-apply. Kailangan mong kumpletuhin ang form ng aplikasyon para sa bawat bansa na gusto mong i-target. Kung maaprubahan ang iyong aplikasyon, mag-request ng pagsusuri ng iyong mga hindi naaprubahang ad para magsimulang gumana ang mga iyon.
- Gamitin ang naaprubahang website para sa iyong ad. I-edit ang URL ng iyong ad para tumugma sa website na isinumite mo sa iyong aplikasyon para sa certification.
Mga opsyon para ayusin ang mga paglabag ng ad
- Sa iyong Google Ads account, i-click ang icon ng Mga Campaign
.
- I-click ang drop down na Mga Campaign sa menu ng seksyon.
- I-click ang Mga Ad.
- Mag-hover sa ad o asset at i-click ang I-edit.
- I-edit ang ad o asset para makasunod ito sa patakaran.
- I-click ang I-save.
Kapag na-edit at na-save mo na ang iyong ad, ipapadala ito sa amin para sa pagsusuri. Sinusuri ang karamihan ng mga ad sa loob ng 1 business day, bagama't puwedeng mas matagalan ang ilan kung nangangailangan ang mga iyon ng mas kumplikadong pagsusuri. Kung malaman naming inalis mo na ang di-katanggap-tanggap na content sa iyong ad at landing page, puwede naming suriin ang ad mo para magsimula itong gumana. Kung nagsagawa ka ng mga pagbabago para ayusin ang ilang partikular na uri ng paglabag, baka maisumite mo ulit ang buo mong campaign para sa pagsusuri.
Mga hakbang para isumite ulit ang iyong campaign para sa pagsusuri
- Sa iyong Google Ads account, i-click ang icon ng Mga Campaign
.
- I-click ang drop down na Mga Campaign sa menu ng seksyon.
- I-click ang Mga Ad.
- Sa column na “Status,” mag-hover sa puting speech bubble
sa tabi ng "Hindi Naaprubahan."
- I-click ang Isumite ulit ang aking campaign para sa pagsusuri. Tandaan na lalabas lang ang link na ito kung hindi naaprubahan ang iyong ad dahil sa ilang partikular na paglabag.
- Sundin ang mga tagubilin sa screen para isumite ulit ang mga kwalipikadong hindi naaprubahang ad sa iyong campaign.
Kung hindi mo magagawang ayusin ang mga paglabag na ito o pipiliin mong huwag ayusin ang mga ito, alisin ang iyong ad para tumulong na pigilang masuspinde ang account mo sa hinaharap dahil sa pagkakaroon ng masyadong maraming hindi naaprubahang ad.
Ano ang magagawa ko tungkol sa mga paglabag sa patakaran?
- Kung naghihinala kang lumalabag ang isang ad sa aming mga patakaran, puwede kang Mag-ulat ng ad.
- Hindi pag-apruba ng ad o asset: Posibleng hindi maaprubahan ang mga ad at asset na hindi sumusunod sa patakarang ito. Hindi gagana ang isang hindi naaprubahang ad hanggang sa maayos ang paglabag sa patakaran at maging kwalipikado ang ad.
- Pagsususpinde ng account: Posibleng masuspinde ang isang account kung mayroon kang ilang paglabag o matinding paglabag. Magreresulta sa pagsususpinde ang pagsusumite ng maling impormasyon bilang bahagi ng iyong aplikasyon o pag-asa sa certification sa ilalim ng patakarang ito para mag-advertise ng mga produktong hindi pinapahintulutan. Kung mangyari ito, hindi na gagana ang lahat ng ad sa nasuspindeng account, at posibleng hindi na kami tumanggap ng pag-advertise mula sa iyo. Maaari ding permanenteng masuspinde ang anumang mga nauugnay na account at maaaring awtomatikong masuspinde ang mga bago mong account habang sine-set up. Matuto pa tungkol sa mga nasuspindeng account.
Para matiyak ang isang ligtas at positibong karanasan para sa mga user, nire-require ng Google sa mga advertiser na sumunod sa lahat ng naaangkop na batas at regulasyon bukod pa sa mga patakaran ng Google Ads. Mahalaga na maging pamilyar ka at patuloy na nakakaalam tungkol sa mga requirement para sa mga lugar kung saan tumatakbo ang iyong negosyo, gayundin sa anumang lugar kung saan lumalabas ang iyong mga ad. Kapag nakahanap kami ng content na lumalabag sa mga requirement ito, puwede namin itong i-block para hindi lumabas, at sa mga sitwasyon ng paulit-ulit o matitinding paglabag, posibleng hindi mo na magagawang mag-advertise sa Google.
Kailangan mo ba ng tulong?
Kung mayroon kang mga tanong tungkol sa aming mga patakaran, ipaalam sa amin: Makipag-ugnayan sa Suporta sa Google Ads
Puwede mong limitahan ang mga ad na nakikita mo tungkol sa ilang partikular na paksa na baka hindi ka kumportable. Matuto pa tungkol sa kung paano Limitahan ang mga ad tungkol sa mga sensitibong paksa sa Google.