Nagbibigay ang Google ng mga translated na bersyon ng aming Help Center, gayunpaman, hindi ginawa ang mga ito para baguhin ang content ng aming mga patakaran. Ang English na bersyon ang opisyal na wikang ginagamit namin para ipatupad ang aming mga patakaran. Para tingnan ang artikulong ito sa ibang wika, gamitin ang dropdown ng wika sa ibaba ng page.
Sa Marso 2024, ia-update ang patakaran sa Pangangalaga sa kalusugan at mga gamot ng Google Ads para payagan ang mga online na parmasya na i-promote ang kanilang mga serbisyo sa Belgium at South Africa, at ang mga provider ng telemedicine na i-promote ang kanilang mga serbisyo sa South Africa.
Idaragdag ang mga sumusunod na detalyeng partikular sa bansa sa page ng patakaran sa Pangangalaga sa kalusugan at mga gamot:
Belgium
Produkto | Pinapayagan? |
---|---|
Mga online na parmasya |
Pinapayagan nang may mga limitasyon Pinapayagan ng Google ang promosyon ng mga online na parmasya kung rehistrado ang mga ito sa Federal Agency for Medicines and Health Products. Hindi puwedeng mag-promote ang mga advertiser ng mga inireresetang gamot sa kanilang mga ad o landing page. Certified din dapat sa Google ang mga advertiser. Tingnan kung paano mag-apply. |
South Africa
Produkto | Pinapayagan? |
---|---|
Mga online na parmasya, telemedicine |
Pinapayagan nang may mga limitasyon Pinapayagan ng Google ang promosyon ng mga online na parmasya at mga provider ng telemedicine kung natutugunan nila ang mga sumusunod na kinakailangan:
Hindi puwedeng mag-promote ang mga advertiser ng mga inireresetang gamot sa kanilang mga ad o landing page. Certified din dapat sa Google ang mga advertiser. Tingnan kung paano mag-apply. |
Hindi hahantong ang mga paglabag sa patakarang ito sa agarang pagsuspinde ng account nang walang paunang babala. May ibibigay na babala, hindi bababa sa 7 araw, bago ang anumang pagsususpinde ng iyong account.
(Na-post noong Marso 1, 2024)