Nagbibigay ang Google ng mga translated na bersyon ng aming Help Center, gayunpaman, hindi ginawa ang mga ito para baguhin ang content ng aming mga patakaran. Ang English na bersyon ang opisyal na wikang ginagamit namin para ipatupad ang aming mga patakaran. Para tingnan ang artikulong ito sa ibang wika, gamitin ang dropdown ng wika sa ibaba ng page.
Ang mga pampromosyong alok, na kilala rin bilang mga promosyon, ay isang credit na puwedeng idagdag sa iyong account kapag natugunan mo ang anumang kinakailangang pamantayan. Ang Google o ang aming mga partner ay mag-aalok ng mga promosyon paminsan-minsan para hikayatin ang mga bagong advertiser na magsimula sa Google Ads, o ang mga kasalukuyang advertiser na makakamit ng mga bagong layunin. Matuto pa Tungkol sa mga pampromosyong alok.
Sa artikulong ito
Ano ang patakaran?
Sa karamihan ng mga alok, kailangan mong matugunan ang ilang partikular na pamantayan bago lumabas ang credit sa iyong account. Puwedeng mag-iba-iba ang mga tuntunin at kundisyon para sa bawat promosyon ayon sa lokasyon o ayon sa promosyon. Siguraduhing susuriin mo ang mga tuntuning kasama ng iyong promosyon para sa mga detalye tungkol sa alok mo.
Para magamit ang iyong credit, kailangang nakapaglagay ka na rin ng mga detalye ng pagsingil sa iyong account. Tandaang magagamit lang ang mga pampromosyong credit para sa pag-advertise. Kung kinansela mo ang iyong account bago gastusin ang buong credit, hindi mare-refund ang natitirang balanse. Puwede mong pamahalaan ang iyong mga promosyon sa page na Mga Promosyon sa Google Ads account mo.
Mga halimbawa ng mga tuntunin ng promosyon (hindi kumpleto):
- Bagama't kailangang mailapat ang karamihan ng mga alok sa pag-sign up, ang iba ay kailangang mailapat sa loob ng 14 na araw pagkatapos mong gumawa ng iyong Google Ads account sa unang pagkakataon.
- Kailangang ilapat ang mga dati nang promosyon ng advertiser sa loob ng timeframe na nakabalangkas sa Mga Tuntunin at Kundisyon ng promosyon.
- Hindi puwedeng tanggapin o palitan ng Google ang mga nag-expire na pampromosyong alok.
- Magkakaiba ang paggana ng mga pampromosyong alok sa iba't ibang setting ng pagbabayad, gaya ng mga awtomatiko o manual pagbabayad.
- Para magamit ang karamihan ng mga pampromosyong alok, kailangang matugunan ng iyong account ang ilang partikular na pamantayan. Puwedeng mag-iba-iba ayon sa promosyon ang mga tuntunin at kundisyon para sa bawat alok, kaya siguraduhing titingnan mo ang mga detalye sa pampromosyong materyal.
- Puwedeng mag-iba-iba ayon sa promosyon ang mga tuntunin at kundisyon para sa bawat alok, kaya siguraduhing titingnan mo ang mga detalye sa pampromosyong materyal.
Mga halimbawa ng tinatanggap at hindi tinatanggap na paggamit ng pampromosyong alok (hindi kumpleto):
| Tinatanggap na paggamit ng pampromosyong alok | Hindi tinatanggap na paggamit ng pampromosyong alok |
|---|---|
|
|
Ano ang mangyayari kung lalabagin ko ang patakarang ito?
Pagsususpinde ng account: Posibleng masuspinde ang isang account kung mayroon kang ilang paglabag o isang malalang paglabag. Kung mangyari ito, hindi na gagana ang lahat ng ad sa nasuspindeng account, at posibleng hindi na kami tumanggap ng pag-advertise mula sa iyo. Puwede ring permanenteng masuspinde ang anumang nauugnay na account at puwedeng awtomatikong masuspinde ang iyong mga bagong account habang sine-set up. Matuto pa Tungkol sa mga pagsuspinde ng account sa patakaran sa Google Ads.
Paano naiiba ang patakarang ito ayon sa lokasyon?
Mag-click ng lokasyon sa ibaba para makita ang mga pangkalahatang tuntunin at kundisyon para sa paggamit ng mga pampromosyong alok ng Google Ads. Tandaan na puwede ring mag-iba-iba ang mga tuntunin at kundisyon ayon sa promosyon.
Mga Lokasyon
- Algeria (French)
- Algeria (Arabic)
- Argentina
- Armenia
- Australia
- Austria
- Azerbaijan
- Bahrain
- Belarus
- Belgium (French)
- Belgium (Dutch)
- Bolivia
- Bosnia And Herzegovina
- Brazil
- Bulgaria
- Canada (English)
- Canada (French)
- Chile
- China
- Colombia
- Costa Rica
- Croatia
- Cyprus
- Czechia
- Denmark
- Dominican Republic
- Ecuador
- Egypt (Arabic)
- Egypt (English)
- El Salvador
- Estonia
- Finland
- France
- Georgia
- Germany
- Greece
- Greece (English)
- Guatemala
- Honduras
- Hong Kong
- Hong Kong (English)
- Hungary
- Iceland
- India (English)
- India (Hindi)
- Indonesia
- Indonesia (English)
- Ireland
- Israel
- Italy
- Japan
- Jordan
- Kazakhstan
- Kenya
- Korea
- Kuwait
- Latvia
- Lebanon
- Libya
- Lithuania
- Luxembourg (French)
- Luxembourg (German)
- Macedonia
- Malaysia (English)
- Malaysia (Malay)
- Malta
- Mexico
- Montenegro
- Morocco (French)
- Morocco (Arabic)
- Netherlands
- New Zealand
- Nicaragua
- Nigeria
- Norway
- Oman
- Pakistan
- Palestine
- Panama
- Paraguay
- Peru
- Pilipinas (English)
- Pilipinas (Filipino)
- Poland
- Portugal
- Puerto Rico
- Qatar
- Romania
- Saudi Arabia (Arabic)
- Saudi Arabia (English)
- Serbia
- Singapore
- Slovakia
- Slovenia
- South Africa
- Spain (Spanish)
- Spain (Catalan)
- Sri Lanka
- Sweden
- Switzerland (German)
- Switzerland (French)
- Switzerland (Italian)
- Taiwan
- Thailand
- Tunisia (French)
- Tunisia (Arabic)
- Turkey
- Ukraine
- United Arab Emirates (Arabic)
- United Arab Emirates (English)
- United Kingdom
- United States (English)
- United States (Spanish)
- Uruguay
- Venezuela
- Vietnam
