Update sa mga patakaran ng Google Ads (Agosto 2023)

Nagbibigay ang Google ng mga nakasaling bersyon ng aming Help Center, gayunpaman, hindi ginawa ang mga ito para baguhin ang content ng aming mga patakaran. Ang English na bersyon ang opisyal na wikang ginagamit namin para ipatupad ang aming mga patakaran. Para tingnan ang artikulong ito sa ibang wika, gamitin ang dropdown ng wika sa ibaba ng page.

Sa Nobyembre 2023, ia-update ng Google ang mga patakaran nito para limitahan ang mga impression sa ilang partikular na sitwasyon ng paghahatid ng ad na may mas mataas na potensyal na magdulot ng pang-aabuso o hindi magandang experience para sa aming mga user. Sa mga partikular na sitwasyong ito, mga kwalipikadong advertiser lang ang makakapagpagana ng kanilang mga ad nang walang limitasyon.

Posibleng limitahan ng Google ang mga ad ng mga hindi kwalipikadong advertiser kapag hindi malinaw ang kaugnayan ng advertiser at ng brand na binanggit sa ad, o kung may mga generic na ad na walang brand. Bagama't posibleng hindi talaga nilayon ng isang advertiser na linlangin ang isang user o katawanin nang mali ang kanyang sarili, puwedeng malito ang mga user sa ganitong mga sitwasyon at isiping nakikipag-interact sila sa gusto nilang advertiser. Bagama't posibleng hindi nilalabag ng mga ad na ito ang mga patakaran ng Google Ads, mas mataas ang potensyal ng mga ito na maabuso o magdulot ng hindi magandang experience para sa aming mga user. Bilang resulta, magkakaroon ang ilang advertiser ng limitadong kakayahang magpagana ng mga branded at generic na ad habang bumubuo sila ng tiwala sa Google at sa aming mga user para maging kwalipikadong advertiser.

Hindi malilimitahan ng patakarang ito ang mga ad ng mga kwalipikadong advertiser. Para maging kwalipikado, susuriin ang mga advertiser batay sa maraming pamantayan tulad ng: mga attribute ng account, maturity ng account, history ng pagsunod sa patakaran, at status ng pag-verify ng pagkakakilanlan. Bisitahin ang patakaran sa Limitadong paghahatid ng ad para matuto pa.

Tandaan na hiwalay ang patakarang ito sa mga kasalukuyang certification ng Google na nagbabawal sa mga hindi certified na advertiser na maghatid ng mga partikular na ad. Matuto pa tungkol sa pagiging kwalipikado sa paghahatid ng ad

(Na-post noong Agosto 2023)

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
true
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
3020789394730488081
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false
false