Nagbibigay ang Google ng mga nakasaling bersyon ng aming Help Center, gayunpaman, hindi ginawa ang mga ito para baguhin ang content ng aming mga patakaran. Ang English na bersyon ang opisyal na wikang ginagamit namin para ipatupad ang aming mga patakaran. Para tingnan ang artikulong ito sa ibang wika, gamitin ang dropdown ng wika sa ibaba ng page.
Sa Agosto 2023, ia-update ng Google ang aming patakaran sa Mga produkto at serbisyong pinansyal para ipagbawal ang pag-advertise ng mga kumplikadong speculative na produktong pinansyal sa Denmark. Narito ang ilang halimbawa ng mga kumplikadong speculative na produktong pinansyal na ipagbabawal sa ilalim ng bagong patakarang ito:
- Mga Contract for Difference (CFD)
- Pampinansyal na spread betting
- Rolling spot forex at mga kaugnay na anyo ng mga speculative na produkto
Sisimulan naming ipatupad ang update na ito sa patakaran sa Agosto 31, 2023.
(Na-post noong Agosto 2023)