Update sa Mga Mapanganib na Produkto at Serbisyo at Pangangalaga sa Kalusugan at Mga Gamot (Disyembre 2022)

Nagbibigay ang Google ng mga translated na bersyon ng aming Help Center, gayunpaman, hindi ginawa ang mga ito para baguhin ang content ng aming mga patakaran. Ang English na bersyon ang opisyal na wikang ginagamit namin para ipatupad ang aming mga patakaran. Para tingnan ang artikulong ito sa ibang wika, gamitin ang dropdown ng wika sa ibaba ng page.

Sa Enero 20, 2023, ia-update ang mga patakaran ng Google Ads sa Mga Mapanganib na Produkto at Serbisyo at Pangangalaga sa Kalusugan at Mga Gamot para payagan ang pag-promote ng mga FDA-approved na pharmaceutical na may cannabidiol (CBD) at mga topical at hemp-derived na CBD product na may THC content na 0.3% o mas mababa sa California, Colorado, at Puerto Rico. Hindi magiging kwalipikado ang ilang partikular na format, kasama ang YouTube Masthead, para sa paghahatid. Aalisin ang CBD sa listahan ng Mga Hindi Inaprubahang Pharmaceutical at Supplement. Hindi pa rin papayagan ang lahat ng ad na nagpo-promote ng iba pang CBD-based na produkto, kasama ang mga supplement, additive sa pagkain, at inhalant.

Sa United States, mga topical na CBD product lang na certified ng LegitScript ang puwedeng i-promote sa Google. Sa certification, kailangan na ang mga produktong gustong i-advertise ay: (1) nagbibigay ng mga sample ng kanilang produkto para masubukan kung sumusunod sa mga legal na limitasyon sa THC; at (2) may LegitScript ng third party na Certificate ng Pagsusuri. Hindi sine-certify ng LegitScript ang mga FDA-approved na pharmaceuticals na may CBD.

Naniningil ng bayarin ang LegitScript para sa pagproseso at pagsubaybay sa mga aplikante. Para matuto pa tungkol sa certification sa LegitScript at magsumite ng aplikasyon, bisitahin ang website ng LegitScript. Puwedeng mag-apply kaagad ang mga advertisers para sa certification.

Pagkatapos, dapat ma-certify ng Google ang mga advertiser ng recreational na CBD na certified ng LegitScript at ang mga FDA-approved na pharmaceutical na may CBD bago sila makapag-advertise. Puwedeng humiling ng certification sa Google ang mga advertiser simula Enero 20, 2023, kapag na-publish na ang form.

(Na-post noong Disyembre 2022)

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
true
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
17038659503233427253
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false
false