Mga proteksyon sa paghahatid ng ad para sa mga teenager

Nagbibigay ang Google ng mga nakasaling bersyon ng aming Help Center, gayunpaman, hindi ginawa ang mga ito para baguhin ang content ng aming mga patakaran. Ang English na bersyon ang opisyal na wikang ginagamit namin para ipatupad ang aming mga patakaran. Para tingnan ang artikulong ito sa ibang wika, gamitin ang dropdown ng wika sa ibaba ng page.

Dapat sumunod ang mga user ng Display & Video 360 sa patakaran ng Google Ads na ito. Bisitahin ang help center ng Display & Video 360 para sa mga karagdagang paghihigpit.

 

Mahalagang kapaki-pakinabang, nagbibigay ng impormasyon, at higit sa lahat, ligtas para sa lahat ng aming user ang karanasan sa pag-advertise sa mga produkto ng Google. Kaya nagsisikap kaming tiyaking pinoprotektahan din ang mga teenager sa content ng pag-advertise na ipinapakita sa mga produkto ng Google.

Ang patakaran ng Google na Mga Proteksyon sa Paghahatad ng Ad para sa mga Teenager ay nagpapatupad ng mga karagdagang pag-iingat. Sa mga Google Account ng mga taong lampas na sa digital na edad na puwede nang magbigay ng pahintulot pero wala pang 18 taong gulang, gagawin namin ang sumusunod:

  • I-disable ang pag-personalize ng mga ad 
  • Paghigpitan ang mga sensitibong kategorya ng ad

Bukod pa sa pagbabawal sa paghahatid ng mga ad batay sa aming mga kasalukuyang patakaran, puwedeng limitahan ng Google ang paghahatid sa mga teenager ng mga ad sa mga kategorya sa ibaba. Kumakatawan ang listahan sa mga kategoryang fini-filter sa YouTube, Google Display Ads, at Display & Video 360 simula Agosto 2022. Daragdagan namin ang mga produkto sa paglipas ng panahon.

Patuloy na ilalapat kapag naaangkop ang mga dating proteksyong itinatag bilang tugon sa mga regulasyong para sa bata, tulad ng Children’s Online Privacy Protection Act (COPPA), Age Appropriate Design Code (AADC), at Australia Online Safety Act (AU OSA).

Mga pinaghihigpitang kategorya at ipinagbabawal na content

Pinaghihigpitan ang mga kategoryang ito sa buong mundo sa mga Google Account ng mga user na lampas na sa digital na edad na puwede nang magbigay ng pahintulot pero wala pang 18 taong gulang.

Kategorya Pinaghihigpitang content ng ad (hindi kumpleto)
Content na pang-adult at may sekswal na pahiwatig Sekswal at pang-mature na content na nilalayon para sa mga nasa hustong gulang na audience.

Media na para sa nasa hustong gulang

Mga ad para sa mga pelikula, palabas sa TV, at pang-console na laro na sensitibong ipakita sa mga user na wala pang 18 taong gulang.
Alak / tabako / mga recreational drug Mga produktong tulad ng alak, tabako, at mga recreational drug na kontrolado o ilegal na i-advertise sa mga bata. Kasama rin dito ang Ipinagbabawal na Content at Pinaghihigpitang Content. Bukod pa rito, ipinagbabawal din ang mga produktong may napakalapit na kaugnayan sa alak, tabako, o mga recreational drug (halimbawa, mga alok para sa mga vineyard tour, e-cigarette, o paraphernalia ng droga).
Pagbabago sa katawan at pagbabawas ng timbang Mga ad para sa mga produkto o serbisyo ng pagbabago sa katawan tulad ng mga cosmetic na procedure, pagbabawas ng timbang, pagpapa-tan, piercing, at tattoo.
Mga paligsahan at sweepstake Mga paligsahan o promosyon ng mga sweepstake, kahit na libre ang pagsali.
Mapanganib na content Mga ad para sa mga produkto o serbisyong mapanganib at hindi naaangkop para sa mga user na wala pang 18 taong gulang o na sa pangkalahatan ay nangangailangan ng patnubay ng nasa hustong gulang, tulad ng spray paint, mga substance para sa glass-etching o produkto para sa graffiti, mga paputok, armas o mga accessory ng armas, mga alok na may kaugnayan sa pangangaso, atbp.
Pakikipag-date at mga relasyon Mga ad para sa mga serbisyo sa pakikipag-date, pagtatambal, o pagpapayo sa relasyon.
Pagsusugal at mga laro sa casino Mga ad para sa pagsusugal online o sa tunay na buhay, lottery, o pagtaya; entertainment na naka-host sa mga casino at tuluyan sa mga casino hotel; at mga larong lubos na nauugnay sa mga casino at pagtaya (kahit na walang totoong pera ang nakataya) o mga gabay sa kung paano magtagumpay sa mga naturang laro.
Mga pharmaceutical at supplement Mga ad para sa mga pharmaceutical o gamot, bitamina, at nutritional supplement.
Nakakapangilabot na content Marahas, karumal-dumal, detalyado, malaswa, bastos, at iba pang content na puwedeng makapangilabot o makapanakot.
Mga speculative na produktong pinansyal Mga kontrata para sa difference, rolling spot forex, spread betting na pampinansyal, at mga synonymous na produkto.
Paniniktik at mga tala ng pagkaaresto Mga alok para sa mga serbisyong nagpapahiwatig na tutulong sila sa paniniktik sa kasintahan, o sa paghahanap ng hindi nakabahaging personal na impormasyon tungkol sa isang third party. Kasama rin ang mga serbisyong naghahanap ng mga tala ng pagkaaresto sa mga pampublikong talaan.
Mga virtual world at chat room na para sa mga nasa hustong gulang Mga alok para sa mga platform o serbisyong para sa mga nasa hustong gulang na ang pangunahing layunin ay magbigay-daan sa mga user na kumonekta at makipag-ugnayan sa mga estranghero.
 

Posibleng i-adjust ng Google ang mga uri ng content at mga format ng ad na pinaghihigpitan sa bisa ng patakaran nito na Mga Proteksyon sa Paghahatid ng Ad para sa Mga Teenager ayon sa naaangkop o kinakailangan.

Ano ang ibig sabihin nito para sa mga advertiser?

Inaasahan naming susunod ang lahat ng aming advertiser sa lokal na mga kinakailangan ng batas kapag ginagamit ang aming mga produkto, kabilang ang anumang regulasyon sa pag-advertise sa mga user na wala pang 18 taong gulang, pati na rin sa lahat ng patakaran ng Google Ads.

Bagama't posible kang makapansin ng epekto sa abot o performance ng campaign ng ad, wala kang kinakailangang gawin. Iminumungkahi naming makipagtulungan ka sa iyong mga legal na tagapayo para tukuyin kung paano sumunod sa mga regulasyong may kaugnayan sa bata.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
3427202783362872476
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false
false