Update sa patakaran sa mga paghihigpit sa mask (Agosto 2021)

Nagbibigay ang Google ng mga nakasaling bersyon ng aming Help Center, gayunpaman, hindi ginawa ang mga ito para baguhin ang content ng aming mga patakaran. Ang English na bersyon ang opisyal na wikang ginagamit namin para ipatupad ang aming mga patakaran. Para tingnan ang artikulong ito sa ibang wika, gamitin ang dropdown ng wika sa ibaba ng page.

Noong 2020, ipinagbawal ang paglista ng mga respirator mask sa aming mga property at network para makaiwas sa pang-aabuso at mapanatili ang supply para sa mga manggagawa sa pangangalagang pangkalusugan, na dating nakaranas ng mga kakulangan. Habang nagbabago ang sitwasyon sa COVID-19, napagpasyahan naming naaangkop na ngayong payagang mailista sa aming mga Shopping ad at libreng listing ang mga N95 mask sa U.S. at mga piling naaprubahang mask na katulad ng N95 (KN95, FFP2, at KF94) sa buong mundo.

Simula Agosto 31, 2021, papayagan ng Google ang mga naaprubahang merchant at supplier na maglista ng mga N95 at katulad na mask sa aming mga Shopping ad at libreng listing para makatulong na gawing available ang mga ito sa mga hindi medikal na mangagawa sa pangangalagang pangkalusugan at iba pang consumer na mas madaling maapektuhan na walang access sa mga ito sa pamamagitan ng daloy ng medikal na supply. Sa U.S. lang aaprubahan ng Project N95 ang paglista ng mga alok ng N95 mask. Direktang ililista ng Project N95 ang mga naaprubahang alok ng N95 mask sa ngalan ng mga merchant ng N95. Aaprubahan ng LegitScript ang paglista ng mga alok ng mask na katulad ng N95 (KN95, FFP2, at KF94) sa buong mundo. Direktang makakapaglista ang mga naaprubabhang merchant ng mga naaprubahang alok ng KN95, FFP2, at KF94 mask sa Merchant Center. 

Kakailanganin ng mga merchant at supplier na mag-apply para sa pag-apruba bago nila mailista ang kanilang mga alok para mabawasan ang panganib ng pagbebenta ng mga pekeng mask. Sa parehong sitwasyon, kakailanganin ng proseso ng pag-apply na magbigay ang mga merchant at supplier ng impormasyon ng negosyo at produkto para sa pagsusuri. Mag-apply dito para sa pag-apruba ng listing ng N95 sa pamamagitan ng Project N95 at mag-apply dito para sa pag-apruba ng listing ng mask na katulad ng N95 sa pamamagitan ng LegitScript. Nalalapat ang update na ito sa mga Shopping ad at libreng listing.

(Na-post noong Agosto 31, 2021)

 

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
true
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
3338871764063503719
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false
false