Update sa Mga legal na kinakailangan (Pebrero 2021)

Nagbibigay ang Google ng mga nakasaling bersyon ng aming Help Center, gayunpaman, hindi ginawa ang mga ito para baguhin ang content ng aming mga patakaran. Ang English na bersyon ang opisyal na wikang ginagamit namin para ipatupad ang aming mga patakaran. Para tingnan ang artikulong ito sa ibang wika, gamitin ang dropdown ng wika sa ibaba ng page.

Mula Pebrero 28, 2021, ia-update ng Google ang patakaran sa Mga Legal na Kinakailangan para bigyang-pansin ang mga kinakailangan ng Direktiba sa Mga Serbisyo ng Audiovisual na Media (Audiovisual Media Services Directive o AVMSD) sa EU at UK. Pinapaalalahanan ang mga advertiser na dapat silang sumunod sa mga lokal na batas.

Para sa mga advertiser na nagta-target ng kanilang mga ad sa European Union at UK, puwede itong mangahulugang kailangan mong sumunod sa mga kinakailangan ng AVMSD sa paraang ipinapatupad sa tina-target na bansa. Inilagay namin ang Artikulo 9 ng Direktiba sa ibaba para maging sanggunian.

Hindi ito isang kumpletong listahan ng mga lokal na legal na kinakailangan sa bawat bansa, at responsibilidad pa rin ng mga advertiser na magsaliksik at sumunod sa mga lokal na batas kung saan ka nagnenegosyo, at sa anumang rehiyong tina-target ng iyong mga ad.

Artikulo 9

1. Dapat tiyakin ng Mga Miyembrong Estado na ang mga audiovisual na komersyal na komunikasyon na ibinibigay ng mga service provider ng media sa ilalim ng kanilang hurisdiksyon ay nakakasunod sa mga sumusunod na kinakailangan:
(a) dapat matukoy kaagad ang mga audiovisual na komersyal na komunikasyon; ipagbabawal ang mga palihim na audiovisual na komersyal na komunikasyon
(b) hindi dapat gumamit ang mga audiovisual na komersyal na komunikasyon ng mga hindi namamalayang diskarte
(c) ang mga audiovisual na komersyal na komunikasyon ay hindi dapat:
(i) mag-alis ng paggalang sa dignidad ng tao;
(ii) magsama o mag-promote ng anumang diskriminasyon batay sa kasarian, pinagmulang lahi o etniko, nasyonalidad, relihiyon o paniniwala, kapansanan, edad, o sekswal na oryentasyon;
(iii) humimok ng gawing nakakasama sa kalusugan o kaligtasan;
(iv) humimok ng gawing labis na nakakasama sa proteksyon ng kalikasan;
(d) ipagbabawal ang lahat ng uri ng audiovisual na komersyal na komunikasyon para sa mga sigarilyo at iba pang produktong tabako, pati na rin ang para sa mga elektronikong sigarilyo at container na pang-refill;
(e) hindi dapat partikular na ituon sa mga menor de edad ang mga audiovisual na komersyal na komunikasyon para sa mga nakakalasing na inumin at hindi dapat humimok ang mga ito ng labis na pag-inom ng mga inuming iyon;
(f) ipagbabawal ang mga audiovisual na komersyal na komunikasyon para sa mga produktong panggamot at medikal na panggagamot na available lang kapag inireseta sa Miyembrong Estado na may sakop sa hurisdiksyon kung saan napapailalim ang service provider ng media;
(g) hindi dapat magdulot ang mga audiovisual na komersyal na komunikasyon ng pisikal, mental, o moral na pinsala sa mga menor de edad; samakatuwid, hindi dapat direktang himukin ng mga ito ang mga menor de edad na bumili o mag-hire ng produkto o serbisyo sa pamamagitan ng pananamantala sa kawalan nila ng karanasan o pagiging mapaniwalain, direktang himukin silang kumbinsihin ang kanilang mga magulang o iba pa na bilhin ang mga produkto o serbisyong ina-advertise, samantalahin ang espesyal na pagtitiwala ng mga menor de edad sa kanilang mga magulang, guro, o iba pang tao, o hindi makatuwirang magpakita ng mga menor de edad sa mapapanganib na sitwasyon.

(Na-post noong Disyembre 2020)

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
true
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
8595738739673217057
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false
false