Idinisenyo ang mga ulat sa AdSense para bigyan ka ng insight sa performance ng iyong account. May mga kasamang chart at talahanayan ang mga ito para matingnan mo ang mga trend at mapaghambing mo ang mahahalagang sukatan.
Nagbibigay-daan sa iyo ang nagawa nang overview na ulat sa Performance na mabilisang tingnan ang kita mo.
Puwede ka ring gumawa, mag-save, at mag-iskedyul ng mga custom na ulat na makakatulong sa iyong subaybayan kung paano nagbabago ang mga bagay-bagay sa paglipas ng panahon.
Alamin ang pasikot-sikot mo
- Listahan ng ulat: Gumawa ng custom na ulat o magpatakbo ng mga nagawa nang ulat.
- Mga hanay ng petsa: Magpalipat-lipat sa mga petsa at maghambing ng mga hanay ng petsa.
- Mga Breakdown at Filter: Magdagdag ng mga breakdown para isaayos ang iyong data at magdagdag ng mga filter para pinuhin ang data.
- Mga Chart at Sukatan: I-present ang iyong data batay sa mga sukatang pipiliin mo, o i-click ang para magpalipat-lipat sa pagitan ng mga uri ng chart. Kung naka-breakdown ang iyong chart ayon sa mga petsa, puwede mong i-click ang para tingnan ang mga dating pagbabago sa iyong account at magdagdag ng sarili mong mga tala.
- Data ng talahanayan: Gamitin ang mga mata sa talahanayan para magdagdag ng serye ng data sa iyong chart.
- Mga Setting at Opsyon sa pag-save: Palitan ang time zone o currency ng iyong ulat at pamahalaan ang mga channel mo. Puwede kang mag-save, mag-iskedyul, o mag-export ng mga ulat.