Para makita ang pag-uulat ng AdSense sa Analytics para sa isang webpage, dapat nasa webpage na iyon ang:
- AdSense code na ginamit para magpakita ng mga ad
- Tracking code ng Analytics
Pakitandaan na napakahalaga ng pagkakasunod-sunod ng mga snippet ng code. Inirerekomenda naming ilagay mo ang mga snippet sa HTML ng webpage mo sa ganitong pagkakasunod-sunod:
- Ang tracking code ng Analytics, sa unahan mismo ng pansarang tag na </head>
- Ang AdSense ad code, sa pagitan ng mga tag na <body> at </body>