Para magsimulang makatanggap ng data mula sa AdSense sa iyong property sa Google Analytics, dapat mo munang i-link sa AdSense ang property sa Analytics. Kung wala ka pang Analytics account, bisitahin ang site ng Google Analytics para mag-sign up. Pagkatapos ma-link ang iyong property sa Analytics, makikita mo na sa Analytics ang iyong data sa AdSense.
Bago ka magsimula
Tiyaking gumagamit ka ng pag-log in sa AdSense na Google Account na may parehong pang-administrator na access sa iyong AdSense account at Pahintulot sa pag-edit sa Google Analytics property.
Mga Tagubilin
Para mag-link ng property sa Analytics sa iyong AdSense account:
- Mag-sign in sa iyong AdSense account.
- I-click ang Account Access at pahintulot Pag-integrate ng Google Analytics.
Bubukas ang page na "Pamahalaan ang mga link mo sa Google Analytics." Dito, magagawa mong:
- Tingnan ang iyong mga link sa Analytics.
- Gumawa ng mga bagong link.
- Mag-delete ng mga kasalukuyang link.
- I-click ang +Bagong Link.
- Piliin ang property na gusto mong i-link mula sa listahan.
- I-click ang Gawin ang pag-link.
Naka-link na ngayon sa AdSense ang iyong property. Tandaan na puwedeng abutin nang hanggang 24 na oras bago magsimulang magpakita ng data ang iyong Google Analytics account.