Para mabigyan ka ng kontrol sa pag-edit sa mga ad na lumalabas sa iyong site, may ilang opsyon ang AdSense para sa pagsusuri at pag-block ng mga ad.
May iba't ibang dahilan kung bakit posibleng ayaw mong lumabas ang ilang partikular na ad sa iyong site. Posibleng may mga dahilan kang nauugnay sa content o negosyo, o mga isyu dahil sa relihiyosong paniniwala. Baka mayroon kang blog tungkol sa vegan na pagkain, at ayaw mong magpakita ng ad para sa isang steakhouse. Baka nakakita ka ng ad na lumalabag sa mga patakaran ng Google at wala dapat doon.
Makakatulong sa iyo ang artikulong ito na piliin ang tamang kontrol sa pag-block para sa partikular mong pangangailangan.
Available ang mga opsyon sa pagba-block sa mga Publisher
Para makita ang mga subtitle sa iyong wika, i-on ang mga caption sa YouTube. Piliin ang icon ng Mga Setting sa kanang sulok sa itaas ng video player, piliin ang Mga Caption, at pagkatapos ay tukuyin ang iyong wika.
Piliin ang tamang kontrol sa pag-block
Posibleng may negatibong epekto ang pag-block ng mga ad sa iyong mga kita, kaya mahalagang piliin ang tamang kontrol sa pag-block. Gamitin ang listahan sa ibaba para tulungan kang piliin ang kontrol na tumutugma sa iyong mga kinakailangan sa pag-block ng ad. Inirerekomenda naming magsimula muna sa kontrol na nagba-block sa pinakakakaunting ad.
Mag-block ng mga indibidwal na ad
Nagbibigay-daan sa iyo ang Ad review center na suriin at aksyunan ang mga indibidwal na ad na lumabas sa iyong mga page. Matuto pa tungkol sa Ad review center.
Mag-ulat ng lumalabag na ad sa Google
Kung may makikita kang ad na lumalabag sa aming mga patakaran, magagawa mong:
- Mag-ulat ng ad sa Ad review center
- Mag-ulat ng ad sa pamamagitan ng form ng Google Ads.
I-block ang lahat ng ad na tumuturo sa isang partikular na advertiser
Puwede mong i-block ang mga ad na tumuturo sa isang partikular na advertiser.
Matuto pa tungkol sa pag-block ng mga URL ng advertiser.
Mag-block ng mga ad na nauugnay sa isang sensitibong paksa
Puwede mong i-block ang mga ad mula sa mga kategoryang nauugnay sa mga sensitibong paksa, gaya ng Relihiyon, Pulitika, at Mga Pahayag na Tumutukoy sa Pakikipagtalik at Sekswalidad. Available ang Pag-block ng sensitibong kategorya para sa mga ad sa isang limitadong hanay ng mga wika, anuman ang wika ng site.
Mag-block ng pangkalahatang pangkat ng mga ad
Puwede mong i-block ang mga ad mula sa mga pangkalahatang kategorya gaya ng Kasuotan, Internet, Real Estate, at Mga Sasakyan. Available ang Pag-block ng pangkalahatang kategorya para sa mga ad sa isang limitadong hanay ng mga wika, anuman ang wika ng site.
I-block ang mga awtorisadong buyer
Nagbibigay sa iyo ang page na "Authorized Buyers" ng insight sa mga awtorisadong buyer na nagbi-bid sa imbentaryo sa iyong site. Puwede mong gamitin ang mga kontrol sa pag-bid sa iyong account para payagan o i-block ang ilang partikular na awtorisadong buyer.
Mag-block ng ilang partikular na uri ng mga format o gawi ng ad
Puwede kang mag-block ng ilang partikular na gawi ng format ng ad at auction sa AdSense, gaya ng pag-block ng mga ad na batay sa user, o pagpapahintulot sa mga karagdagang vendor ng teknolohiya ng ad sa iyong account. Matuto pa tungkol sa mga setting ng paghahatid ng ad.
Piliin kung paano maglapat ng mga kontrol sa pag-block sa lahat ng iyong site
Kung marami kang site, puwede mong piliing maglapat ng kontrol sa pag-block sa lahat ng iyong site. Gayunpaman, para bigyan ka ng higit pang kontrol, puwede kang maglapat ng ilang kontrol sa pag-block sa bawat site. Tinatawag itong pag-block sa antas ng site.
Puwedeng makatulong sa iyo ang pag-block sa antas ng site na mag-block ng mas kaunting ad impression dahil nagbibigay-daan ito sa iyong pumili ng iba't ibang diskarte sa pag-block para sa bawat site na pinapamahalaan mo. Sa partikular, puwede mong i-customize ang mga opsyon sa pag-block sa URL ng advertiser, pangkalahatang kategorya, at sensitibong kategorya para sa bawat isa sa mga site mo.
Baka gusto mong mag-block ng isang kategorya ng mga ad para hindi ito lumabas sa isang pambatang site na pinapatakbo mo, pero payagan ang mga ad ding iyon na lumabas sa isang hiwalay na site na nauugnay sa sports na pinapamahalaan mo rin.
Mahahalagang bagay na dapat malaman tungkol sa pag-block sa level ng site:
- Nalalapat lang sa mga ad sa AdSense para sa Content.
- Nagba-block lang ng mga URL ng advertiser, pangkalahatang kategorya, at sensitibong kategorya sa bawat site.
- Naglalapat lang ng mga pag-block sa level ng site sa paisa-isang site, hindi mo puwedeng pagsama-samahin sa isang grupo ang ilang site.
Gamitin ang feature na pamamahala ng site para gawing available ang iyong site para sa pag-block sa level ng site.