Ang mga teknikal na isyu ang karaniwang dahilan kung bakit hindi tumatakbo o nae-export ang isang ulat. Halimbawa, posibleng mag-timeout habang tumatakbo ang mga ulat na naglalaman ng napakahahabang saklaw na petsa.
Puwede mong gamitin ang mga sumusunod na suhestyon para tugunan ang ilan sa mga mas karaniwang problema na nararanasan kapag nagpapatakbo o nag-e-export ng ulat:
Tingnan kung nag-timeout ang ulat
Puwedeng mag-timeout ang isang ulat kung masyadong malaki ang data na ginagamit habang binubuo ang ulat (kahit na mas maliit ang pinal na ulat kung ihahambing). Kapag nag-export ka ng ulat sa Google Drive, mas maliit dapat ito kaysa sa pinapayagang laki ng file para sa mga spreadsheet.
- Gumamit ng mas maikling saklaw na petsa.
- Gumamit ng mas kaunting dimensyon.
- Gumamit ng mga mas granular na filter.
- Kung mag-e-export ka, gumamit ng ibang format ng file.
- Hatiin ang isang malaking ulat sa maraming mas maliliit na ulat gamit ang iba't ibang sukatan.
- Hatiin ang isang malaking ulat sa maraming mas maliliit na ulat gamit ang iba't ibang filter.
Tingnan ang iyong browser
- Mag-sign out sa lahat ng Google account sa browser. Pagkatapos, mag-sign in sa account na naka-link sa iyong AdSense account.
- Gumamit ng pribadong mode o incognito mode, kung available ito sa gusto mong browser.
- I-clear ang data mula sa pag-browse. Kasama rito ang cache, cookies, at "Naka-host na data ng app."
- Pag-isipang i-disable ang mga extension, lalo na ang mga ad blocker, dahil puwedeng magdulot ang mga ito ng mga problema.
- Gumamit ng ibang browser.
Tingnan ang iyong environment
- Gumamit ng ibang device o computer.
- Gumamit ng ibang operating system.
- Kung mag-e-export ka ng ulat, tingnan kung may anumang network proxy na posibleng mag-block sa pag-download.
- Gumamit ng iba o external na network.