Ayusin ang mga asset sa Library ng asset

Para ayusin ang iyong mga asset sa Library ng asset, puwede kang gumawa ng mga folder para mas madaling mahanap ang mga asset.

Gumawa ng folder

  1. Mag-sign in sa Ads Creative Studio.
  2. I-click ang Library ng asset.
  3. (Opsyonal) Para gumawa ng bagong folder sa isang kasalukuyang folder, mag-navigate papunta sa folder na iyon.
  4. I-click ang + Bagongand thenFolder.
  5. Maglagay ng pangalan para sa bagong folder. Mga kinakailangan sa pangalan ng folder:
    • 1–100 character ang haba
    • Puwede lang magsama ng mga numero, titik (sa anumang wika), space, gitling, underscore, square bracket, curly bracket, at tuldok.
    • Puwede lang magsimula sa isang titik o numero
    • Hindi puwedeng magtapos sa space
  6. I-click ang Gawin.

Maglipat ng asset

Sa kasalukuyan, hindi ka puwedeng maglipat ng mga asset o folder sa iba pang folder. Idaragdag ang feature na ito sa mga darating na buwan.

Sa halip:

  • I-upload ang parehong asset sa ibang folder.
  • Gumawa ng bagong folder sa ibang folder at i-upload ulit ang mga asset

Alisin ang mga asset

Puwede kang mag-alis ng anumang asset na na-upload mo sa Library ng asset. Kapag nag-alis ka ng asset, inaalis lang ito sa Library ng asset. Hindi aalisin ang asset sa:

  • Mga proyekto kung saan ito ginamit
  • Mga ulat para sa mga ad kung saan ito inihahatid
  • Iba pang platform kung saan ito na-export

Kung nagkamali ka sa pag-aalis ng mga asset, may 15 segundo ka para i-undo ang pag-aalis at i-restore ang asset. Kung pipiliin mong hindi ito i-restore, puwede mong i-upload ulit ang asset.

Puwede kang mag-alis ng mga asset mula sa alinmang card o view ng talahanayan. Puwede ka ring mag-alis ng asset habang pini-preview ito.

Tandaan: Sa kasalukuyan, hindi ka puwedeng mag-alis ng mga folder. Idaragdag ang feature na ito sa mga darating na buwan.

Mag-alis ng asset

  1. Mag-sign in sa Ads Creative Studio.
  2. I-click ang Library ng asset.
  3. Hanapin ang asset na gusto mong alisin. Piliin ang Higit paat pagkatapos ayAlisin.

Mag-alis ng maraming asset

  1. Mag-sign in sa Ads Creative Studio.
  2. I-click ang Library ng asset.
  3. Piliin ang mga asset na gusto mong alisin.
  4. I-click ang Alisin.

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
13968077525646471616
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
5271713
false
false