Gumawa ng mga variant ng video

Sa page na Mga Variant, puwede mong i-edit ang mga puwedeng i-swap na element ng proyektong video para gumawa ng iba't ibang variant na may iba't ibang asset.

Kung nagpaplano kang mag-customize ng mga variant ayon sa mga panuntunan, puwede kang magtalaga ng mga variant sa mga panuntunan para matukoy kung kailan ihahatid ang bawat variant. Puwede mo ring laktawan ang page na Mga Variant, at puwede kang gumawa at mag-customize ng mga variant nang direkta sa page na Mga Panuntunan. O kaya, gumawa ng mga variant ng video offline gamit ang mga spreadsheet.

Mga viewing mode

Mayroon kang dalawang opsyon para sa pagtingin sa page na Mga Variant:

  • Grid view – Mas visual ang grid view at nagbibigay-daan ito sa iyong magtuon sa isang variant sa bawat pagkakataon. May ipinapakitang preview ng kasalukuyang napiling variant sa kanan, habang nakalista sa kaliwang pane ang lahat ng variant.
  • View ng talahanayan – Nagbibigay-daan sa iyo ang view ng talahanayan na gumawa ng maramihang pag-edit nang mas madali. Ipinapakita ang bawat variant bilang row sa isang talahanayan, na may column para sa bawat puwedeng i-swap na element.

Para magpalipat-lipat sa mga view, gamitin ang mga button sa kanang sulok sa itaas ng page na Mga Variant.

Gumawa ng variant

Gawin ang una mong variant sa pamamagitan ng pag-click sa Bagong variant. Iangkop ang variant sa pamamagitan ng pagdaragdag ng mga asset o paglalagay ng content na text para sa mga puwedeng i-swap na element.

Magdagdag ng mga asset

I-customize ang bawat element na puwedeng i-swap ayon sa uri nito:

  • Text  – Ilagay ang ipapakitang text.
  • Larawan  – Mag-drag ng sinusuportahang uri ng file mula sa iyong computer at i-drop ito sa I-drop ang file dito o i-click ang Mag-browse para pumili ng larawan mula sa library ng asset.
  • Video  – Mag-drag ng sinusuportahang uri ng file mula sa iyong computer at i-drop ito sa I-drop ang file dito o i-click ang Mag-browse para pumili ng video sa library ng asset.
  • Audio  – Mag-drag ng sinusuportahang uri ng file mula sa iyong computer at i-drop ito sa I-drop ang file dito o i-click ang Mag-browse para pumili ng audio file mula sa library ng asset.
  • Kulay  – Maglagay ng hexadecimal na value ng kulay (halimbawa, #ffffff para sa puti), pagkatapos ay pumili ng opacity mula 0–100%. Invisible ang zero opacity, see-through ang 50%, at kitang-kita ang 100%. Puwede kang pumili ng mga value na may dagdag na tig-10.
  • Voice-over  – Ilagay ang text na bibigkasin, pagkatapos ay piliin ang wika, bilis ng pagsasalita, boses, at istilo.

Kung gusto mong mag-adjust ng iba pang property ng element gaya ng font, pag-scale, volume, o pag-duck, kailangan mong i-edit ang template. Malalapat ang mga pagbabagong iyon sa property sa lahat ng variant sa proyektong ito.

I-rename ang variant

Dapat mong bigyan ang bawat variant ng makabuluhang pangalan para makatulong na matukoy ito mula sa iba pang variant.

Sa grid view:

  1. Itapat ang iyong cursor sa pangalan ng variant. I-click ang lalabas na opsyong I-edit .
  2. Maglagay ng bagong pangalan ng variant.
  3. I-click ang Ilapat.

Sa view ng talahanayan:

  1. Sa tabi ng pangalan ng variant, i-click ang I-edit .
  2. Maglagay ng bagong pangalan ng variant.
  3. I-click ang Ilapat.

Tungkol sa mga pangalan ng video para sa mga proyekto sa Google Ads

Gagamitin ang pangalan ng variant bilang pangalan ng video sa YouTube maliban na lang kung ie-edit mo ito roon. Bilang default, ia-unlist at hindi makikita sa channel ang mga video na na-upload sa isang channel sa YouTube sa pamamagitan ng Ads Creative Studio.

I-preview

Sa grid view, kapag nagdagdag ka ng mga asset para sa mga puwedeng i-swap na element sa isang variant, may ipapakitang preview na video. Puwede mong i-play ang preview gamit ang mga kontrol ng video player sa ibaba ng video.

Kung gumawa ka ng variant o gumawa ka ng mga pagbabago sa isang variant kamakailan, posibleng magpakitang blangko ang preview na video. Pindutin ang I-play para simulan ang pagpoproseso sa video, na puwedeng tumagal nang ilang minuto.

Kung nakikita mo ang mensaheng "Hindi available ang video," tiyaking nagdagdag ka ng mga asset para sa lahat ng puwedeng i-swap na element at na-save mo ang proyektong video.

Kung hindi mo sisimulan ang iyong pagpoproseso ng video sa page na Mga Variant, puwede mo rin itong simulan sa mga page na Mga Panuntunan at Pagsusuri.

Gumawa ng mga karagdagang variant

Magdagdag ng higit pang variant at i-customize ang mga ito para sa iba pang grupo ng mga tao o konteksto.

  • Para gumawa ng bagong variant gamit ang mga default na value para sa mga puwedeng i-swap na element, i-click ang Bagong variant.
  • Para gumawa ng duplicate ng isang kasalukuyang variant, piliin ang variant na gusto mong kopyahin, pagkatapos ay i-click ang Gumawa ng kopya sa grid view, o Kopyahin sa view ng talahanayan.
    • Puwede kang pumili ng maraming variant na idu-duplicate sa pamamagitan ng paggamit ng Shift+click para pumili ng hanay, o Ctrl+click (Windows)/⌘+click (Mac) para magdagdag ng mga indibidwal na variant sa pagpipilian.

Kung may naitakda nang mga panuntunan para sa proyektong ito, mainam kung susuriin mo kung nagawa mo ang mga naaangkop na variant na itatalaga sa bawat row sa talahanayan ng mga panuntunan. Puwede ka ring gumawa at mag-edit ng mga variant nang direkta sa page na Mga Panuntunan.

Mga limitasyon sa variant

Puwede kang gumawa ng hanggang 250 variant sa mga proyekto ng video. Ito ang limitasyon para sa Campaign Manager 360. Para sa mga proyekto ng Google Ads, makipag-ugnayan sa suporta para gawing 1,000 ang limitasyon.

Mag-delete ng mga variant

Kung gagawa ka ng variant na hindi mo kailangan, puwede mo itong piliin at pagkatapos ay i-click ang I-delete.

Mga susunod na hakbang

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
12863172439509874558
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
5271713
false
false