I-troubleshoot ang mga error sa pagpoproseso ng video

Kung magkaproblema habang pinoproseso ang mga video, magkakakuha ka ng error. Piliin ang mensahe ng error na nakikita mo at sundin ang mga hakbang sa pag-troubleshoot para lutasin ang iyong isyu.

"Hindi mapoproseso ang video na ito hangga't hindi mo nase-save ang proyekto"

Mayroon kang mga hindi na-unsave na pagbabago sa iyong proyekto na kailangang i-save bago maproseso ang video.

"Hindi maproseso ang video na ito sa ngayon"

Nagkaroon ng hindi alam na problema at hindi maproseso ng Ads Creative Studio ang video. Subukan ulit mamaya.

"Hindi mapoproseso ang video na ito hangga't hindi mo idinaragdag ang mga nawawalang asset sa template at sa variant na ito"

Hindi mapoproseso ang mga video hanggang sa mapili mo ang asset para sa bawat element sa iyong template at sa variant.
Para magdagdag ng mga nawawalang asset sa template, i-click ang I-edit ang template. Dadalhin ka sa tab na Template. Tingnan ang mga element sa template na walang laman o wala pang napipiling asset.
Para magdagdag ng mga nawawalang asset sa variant, i-click ang I-edit ang variant. Tingnan ang mga element sa panel ng "Mga puwedeng i-swap na element" na walang laman o wala pang napiling asset.
Halimbawa, kung wala pang asset ang isang element ng larawan, sa tab na Mga Variant, magkakaroon ng mensahe sa tabi ng element sa timeline: "Wala pang larawan." I-click ang element, pagkatapos ay pumili ng larawan.

"Hindi mapoproseso ang video na ito hangga't hindi mo idinaragdag ang mga nawawalang asset sa template na ito"

Hindi mapoproseso ang mga video hanggang sa mapili mo ang asset para sa bawat element sa iyong template.
Para magdagdag ng mga nawawalang asset sa template, i-click ang I-edit ang template. Dadalhin ka sa tab na Template. Tingnan ang mga element sa template na walang laman o wala pang napipiling asset.

"Hindi mapoproseso ang video na ito hangga't hindi mo idinaragdag ang mga nawawalang asset sa variant na ito"

Hindi mapoproseso ang mga video hanggang sa mapili mo ang asset para sa bawat element sa variant.
Para magdagdag ng mga nawawalang asset sa variant, i-click ang I-edit ang variant. Tingnan ang mga element sa panel ng "Mga puwedeng i-swap na element" na walang laman o wala pang napiling asset.
Halimbawa, kung wala pang asset ang isang element ng larawan, sa tab na Mga Variant, magkakaroon ng mensahe sa tabi ng element sa timeline: "Wala pang larawan." I-click ang element, pagkatapos ay pumili ng larawan.

"Hindi mapoproseso ang video na ito hangga't hindi mo inaayos ang mga invalid na asset sa template at variant na ito"

Nagkaproblema sa ilan sa mga napiling asset sa template at variant. Hindi mapoproseso ang mga video hanggang sa maayos ang lahat ng error sa asset.
Para ayusin ang mga error sa asset sa template, i-click ang I-edit ang template. Dadalhin ka sa tab na Template kung saan ka makakapagsuri ng mga asset na may mga error. I-edit ang asset sa labas ng Ads Creative Studio para ayusin ang problema at i-upload ulit ang asset o pumili ng ibang asset.
Para ayusin ang mga error sa asset sa variant, i-click ang I-edit ang variant. Dadalhin ka sa tab na Mga Variant kung saan makakapagsuri ng mga asset sa mga error. I-edit ang asset sa labas ng Ads Creative Studio para ayusin ang problema at i-upload ulit ang asset o pumili ng ibang asset.

Kung kailangan mo ng tulong sa pag-aayos ng mga error sa pag-upload ng asset, pumunta sa I-troubleshoot ang mga error sa pag-upload ng asset.

"Hindi mapoproseso ang video na ito hangga't hindi mo inaayos ang mga invalid na asset sa template na ito"

Nagkaproblema sa ilan sa mga napiling asset sa parehong template. Hindi mapoproseso ang mga video hanggang sa maayos ang lahat ng error sa asset.
Para ayusin ang mga error sa asset sa template, i-click ang I-edit ang template. Dadalhin ka sa tab na Template kung saan ka makakapagsuri ng mga asset na may mga error. I-edit ang asset sa labas ng Ads Creative Studio para ayusin ang problema at i-upload ulit ang asset o pumili ng ibang asset.

Kung kailangan mo ng tulong sa pag-aayos ng mga error sa pag-upload ng asset, pumunta sa I-troubleshoot ang mga error sa pag-upload ng asset.

"Hindi mapoproseso ang video na ito hangga't hindi mo inaayos ang mga invalid na asset sa variant na ito"

Para ayusin ang mga error sa asset sa variant, i-click ang I-edit ang variant. Dadalhin ka sa tab na Mga Variant kung saan makakapagsuri ng mga asset sa mga error. I-edit ang asset sa labas ng Ads Creative Studio para ayusin ang problema at i-upload ulit ang asset o pumili ng ibang asset.

Kung kailangan mo ng tulong sa pag-aayos ng mga error sa pag-upload ng asset, pumunta sa I-troubleshoot ang mga error sa pag-upload ng asset.

"Hindi nagsimula ang ilan o lahat ng pag-render ng video"

Nagkaroon ng hindi alam na problema at hindi maproseso ng Ads Creative Studio ang video. Maghintay nang ilang minuto at subukan ulit.

"Hindi nagsimula ang ilan o lahat ng pag-render ng thumbnail"

May hindi alam na problema at hindi makagawa ang mga thumbnail ng video sa Ads Creative Studio. Maghintay nang ilang minuto at subukan ulit.

"Hindi sinusuportahan ng iyong browser ang video player na ito"

Pinakamahusay na gumagana ang Ads Creative Studio sa pinakabago at huling dating bersyon ng mga browser na ito:

"May mga ginawang pagbabago sa variant na ito. Para panoorin ang video, i-save ang proyektong ito."

Mayroon kang mga hindi na-save na pagbabago sa variant na kailangang i-save bago maproseso ang video.

"Hindi ka naglagay ng 1 o higit pang element sa template"

  1. Pumunta sa tab na Template.
  2. I-click ang I-edit ang template.
  3. Tingnan ang mga element sa template na walang laman o wala pang napipiling asset. Magdagdag ng content o mga asset para sa mga element na ito.
  4. I-click ang I-save.

"Sa iyong template, mas malaki ang 1 element kaysa sa laki ng video. Para makatiyak na hindi mapuputol ang iyong element, baguhin ang laki o mga dimensyon nito para kumasya sa video."

Dahil sa posisyon o laki ng element, nasa labas na ng video player ang isang bahagi nito. Hindi makikita ang bahaging nasa labas ng player.
  1. Pumunta sa tab na Template.
  2. I-click ang I-edit ang template.
  3. Hanapin ang element na babawasan.
  4. I-click ang Posisyon at laki.
  5. I-edit ang laki o posisyon ng element para makita ito nang lubos.

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
8141363077575231899
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
5271713
false
false