Gumawa ng hindi nako-customize na proyekto sa display mula sa simula

Kung hindi gagana ang isang template para sa iyong hindi nako-customize na proyekto sa display ad, puwede kang gumawa ng template mula sa simula. Gumawa ng HTML5 ad, i-compress ito sa ZIP file, pagkatapos ay i-upload ito.

Mga sinusuportahang format ng ad

Sa ngayon, mga display banner at mga banner ng rich media na HTML5 lang ang sinusuportahan ng Ads Creative Studio.

Ang mga display banner na HTML5 ay:

  • Binuo gamit ang JavaScript, HTML, at CSS
  • Puwedeng ihatid sa mga web page o mobile app
  • Sumusuporta sa mga responsive na asset
  • Sumusuporta sa pag-uulat ng mga indibiduwal na paglabas

Bukod sa mga nasa itaas, ang mga banner ng rich media ay:

  • Puwedeng magsama ng mga video, audio, at iba pang component ng rich media
  • Sumusuporta ng iba't ibang interaction, kasama na ang pag-hover at pag-scroll

Mga Limitasyon

  • Hindi sinusuportahan ang mga interstitial na creative.
  • Sinusuportahan ang mga creative na nag-e-expand sa full screen, pero hindi sinusuportahan ang mga creative na nag-e-expand sa ibang laki.
  • Dapat gumamit ang lahat ng clickthrough ng ad ng Enabler o mga click tag. Hindi sinusuportahan ang mga hard-coded na clickthrough gamit ang mga anchor tag ng HTML.

Tungkol sa Enabler

Para mag-upload ng rich media ad sa Ads Creative Studio, kailangan mong gamitin ang Enabler sa iyong mga file. Ang Enabler ay isang JavaScript library na gumaganap bilang hub ng komunikasyon para sa iyong ad. Puwede mo itong gamitin para i-load ang mga file sa secure na paraan mula sa server ng ad kapag live na ang iyong ad. Puwede mo rin itong gamitin para magtala ng mga interaction sa iyong ad para malaman mo kung paano ito nagpe-perform.

Kung hindi mo ginagamit ang Enabler, dapat kang gumamit ng mga click tag para tukuyin ang mga landing page ng bawat paglabas.

Gumawa ng banner ad

Puwede kang gumawa ng banner ad gamit ang Google Web Designer o anumang HTML5 editor Piliin kung aling opsyon ang gagamitin mo para matutunan kung paano:

Pagkatapos makumpleto ang iyong mga file, i-compress ang mga iyon sa ZIP file, pagkatapos ay i-upload ito sa Ads Creative Studio.

Magdagdag ng custom na laki

Pagkatapos mong i-upload ang iyong mga file, susubukang tukuyin ng Ads Creative Studio kung aling mga dimensyon ang sinusuportahan ng iyong ad. Puwede mo ring i-preview ang iyong ad sa mga laki na iyon. Kung hindi matukoy ng Ads Creative Studio ang lahat ng sinusuportahang dimensyon, puwede kang magdagdag ng mga custom na laki sa preview.

  1. Buksan ang creative
  2. Kung namarkahan mo na itong kumpleto, i-click ang I-edit para gumawa ng mga pagbabago.
  3. Sa tabi ng Mga Dimensyon, i-click ang menu ng Pumili ng mga laki ng creative. Mukha itong isang drop-down na menu na ipinapakita ang bilang ng mga napiling laki (halimbawa, "8 laki"). Bubukas ang window ng pagpili ng laki. Sa kaliwa, nakaayos sa mga grupo ang mga laki. Sa kanan, may listahan kung saan nakalagay ang bawat napiling laki.
  4. I-click ang Magdagdag ng custom na laki.
  5. Ilagay ang lapad at taas.
  6. I-click ang Idagdag.
  7. I-click ang Ilapat. Lalabas ang custom na laki sa live na preview.
  8. I-click ang I-save.

Susunod na hakbang

Kung tapos ka nang gumawa ng mga pagbabago sa iyong proyekto, puwede mong suriin ito.

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
5377162625355492387
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
5271713
false
false