Kung may kahina-hinalang aktibidad sa iyong Google Account o kung ma-detect naming ninakaw ang password mo, posible naming hilingin sa iyong palitan mo ang iyong password. Sa pamamagitan ng pagpapalit ng iyong password, makakatulong kang tiyaking ikaw lang ang makakagamit ng account mo.
Tumulong na i-secure kaagad ang iyong account
- Mag-sign in sa iyong Google Account.
- Hihilingin sa iyong pumili ng bagong password. Gumawa ng malakas na password na hindi mo ginagamit sa anumang iba pang serbisyo.
- Tumulong na higit pang i-secure ang iyong account.
Maraming beses na hiniling na palitan ang iyong password
- I-clear ang iyong cache at cookies.
- Kung patuloy na hinihiling sa iyo na palitan mo ang iyong password, posibleng may sumusubok na pumasok sa account mo gamit ang mapaminsalang software. Mahigpit naming inirerekomenda sa iyo na:
- I-update mo ang iyong anti-virus software at gamitin ito para i-scan ang computer mo
- Alisin ang hindi gustong software o malware