Maaari kang mag-alis ng ilang partikular na produkto sa iyong Google Account anumang oras. Para mag-alis ng produktong hindi mo na ginagamit, sundin ang mga hakbang sa ibaba.
-
Buksan ang app na Mga Setting ng device mo at i-tap ang Google Pamahalaan ang iyong Google Account.
- Sa itaas, i-tap ang Data at privacy.
- Sa ilalim ng "I-download o i-delete ang iyong data," i-tap ang Mag-delete ng serbisyo ng Google. Posibleng kailanganin mong mag-sign in.
- Sa tabi ng produktong gusto mong alisin, i-tap ang I-delete .
- Sundin ang mga hakbang sa screen.
Para mag-alis ng produkto sa iyong account na hindi nakalista sa Google Account mo, bumisita sa support.google.com para sa higit pang impormasyon tungkol sa isang partikular na produkto.