Gamitin ang Gmail para i-access ang iyong Google Account

Kung gumagamit ka ng Gmail, mayroon ka nang Google Account. Gamit ang Google Account, mayroon kang access sa mga produkto ng Google nang libre, gaya ng Drive, Docs, Calendar, at higit pa.

Para mag-sign in sa iyong Google Account (o anumang produkto ng Google):

  1. Pumunta sa page ng pag-sign in ng produkto (para sa mga Google Account, sa myaccount.google.com).
  2. Ilagay ang iyong username sa Gmail (lahat ng nakikita mo bago ang '@gmail.com').
  3. Ilagay ang iyong password.

Mga karaniwang isyu

Mukhang wala akong account sa Gmail

May kasamang Gmail ang mga bagong Google Account, kaya dapat ay mayroon ka nang Gmail address kung kamakailan mo lang ginawa ang iyong account.

Kung hindi ka pa gumagawa ng Gmail account, puwede kang mag-sign up nang libre. Para gumawa ng Gmail account:

  1. Pumunta sa Gmail.com.
  2. Piliin ang Higit pang opsyon at pagkatapos ay Gumawa ng account.
  3. Sundin ang mga tagubilin sa screen.
Mukhang na-delete ko ang aking Gmail account

Kung mayroon ka nang Google Account at na-delete ang iyong Gmail account, puwede mong idagdag ang Gmail sa kasalukuyan mong Google Account.

Para idagdag ang Gmail:

  1. Pumunta sa mail.google.com.
  2. Mag-sign in sa iyong Google Account.
  3. Sundin ang impormasyon sa screen para idagdag ang Gmail sa iyong account.

Kapag idinagdag mo ang Gmail, magiging pangunahing username sa iyong account ang Gmail address mo. Ito ang makikita ng iba kapag nagbahagi ka ng impormasyon, gaya ng mga dokumento o larawan, mula sa iyong Google Account. Ang iyong orihinal na email address ang magiging email address sa pag-recover sa account mo.

Kung mayroon ka pang mga tanong, bumisita sa Help Center ng Gmail.

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
15483056352745070731
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
70975
false
false