Baguhin kung sino ang sine-save at iminumungkahi bilang mga contact

May makikita kang mga contact na iminumungkahi sa ilang serbisyo ng Google, halimbawa, kapag nagsimula kang mag-type ng pangalan ng tao sa isang bagong email sa Gmail. Makokontrol mo kung sino ang sine-save at iminumungkahi bilang contact.

Sino ang ipapakita bilang mga suhestyon

Nakabatay ang mga suhestyon sa iba't ibang signal na nauugnay sa iyong mga contact at interaction, gaya ng paglalagay ng star sa isang contact o kung kamakailan kang nagpadala ng email sa isang contact. Kabilang sa mga iminumungkahing contact ang mga taong idinagdag mo sa iyong mga contact. Awtomatikong sine-save sa "Iba pang contact" ang mga taong nakaugnayan mo sa mga serbisyo ng Google.

Sa ilang app, tulad ng Gmail o Photos, puwede kang makakita ng mga iminumungkahing contact bago mag-type o maghanap ng anuman.

Mga Tip:

Kontrolin kung sino ang sine-save bilang mga contact

Ikaw mismo ang magdagdag ng mga contact
  1. Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang iyong Mga Contact .
  2. Sa kanang bahagi sa ibaba, i-tap ang Magdagdag Magdagdag ng tanong.
  3. Ilagay ang impormasyon sa pakikipag-ugnayan ng tao.
  4. I-tap ang I-save.
I-save ang impormasyon sa pakikipag-ugnayan kapag nakipag-ugnayan ka sa mga tao

Puwede kang magpasya kung awtomatikong ise-save ang impormasyon sa pakikipag-ugnayan sa ilang partikular na serbisyo ng Google mula sa mga taong nakakaugnayan mo, tulad ng:

  • Mga taong napadalhan mo ng email sa Gmail.
  • Mga taong pinagbahagian mo ng isang bagay, tulad ng dokumento sa Drive.
  • Mga taong kasama mo sa mga event, grupo, o content, tulad ng nakabahaging album sa Google Photos.
  • Mga taong minarkahan mo bilang kilala.

Simulan o ihinto ang awtomatikong pag-save

  1. Buksan ang app na Mga Setting ng device mo at i-tap ang Google at pagkatapos ay Pamahalaan ang iyong Google Account.
  2. Sa itaas, i-tap ang Mga tao at pagbabahagi.
  3. Sa "Mga Contact," i-tap ang Impormasyon sa pakikipag-ugnayan na na-save mula sa mga pakikipag-ugnayan.
  4. I-on o i-off ang I-save ang impormasyon sa pakikipag-ugnayan kapag nakipag-ugnayan ka sa mga tao.
  5. Kung gumagamit ka ng Gmail, piliin kung ise-save ng Gmail ang impormasyon sa pakikipag-ugnayan mula sa mga taong pinapadalhan mo ng email:
    1. Sa computer, pumunta sa iyong mga setting ng Gmail.
    2. Sa ilalim ng "Gumawa ng mga contact para sa auto-complete," pumili ng opsyon.
    3. Sa ibaba ng page, i-click ang I-save ang mga pagbabago.

Magbago o mag-alis ng mga contact

Para mag-edit o mag-alis ng mga contact, sundin ang mga hakbang na ito.

Mga contact na idinagdag mo
  1. Sa iyong Android device, buksan ang app na Mga Contact Mga Contact.
  2. Mag-tap ng contact.
    • Magbago ng impormasyon:
      1. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang I-edit I-edit.
      2. Gawin ang mga pagbabagong gusto mo.
      3. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang I-save.
    • Mag-alis ng contact: Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Higit pa Higit pa at pagkatapos ay I-delete.
Mga contact na awtomatikong na-save
  1. Sa iyong Android device, buksan ang app na Mga Contact Mga Contact.
  2. Sa itaas, i-tap ang search bar.
    • Hanapin ang contact na gusto mong baguhin.
  3. Sa seksyong Iba Pang Contact ng mga resulta ng paghahanap, i-tap ang contact na gusto mong suriin.
  4. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Idagdag sa mga contact at pagkatapos ay I-edit.
    • Gawin ang mga pagbabagong gusto mo.
  5. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang I-save.

Mga Tip: 

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
8651304622483366531
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
70975
false
false