Kung may-ari ka ng isang Brand Account, magagawa mong:
- Magdagdag ng mga taong makakatulong na pamahalaan ito at ang mga ginagamit nitong serbisyo ng Google
- Piliin kung gaano kalaki ang kontrol ng bawat tao sa account
- Baguhin ang pangunahing may-ari ng account
Matuto pa tungkol sa Mga Brand Account.
Tumingin o magdagdag ng mga tao
Para malaman kung sino ang namamahala sa iyong Brand Account o para mag-imbita ng mga bagong tao:
- Pumunta sa seksyong Mga Brand Account ng iyong Google Account.
- Sa ilalim ng "Iyong Mga Brand Account," piliin ang account na gusto mong pamahalaan.
- Piliin ang Pamahalaan ang mga pahintulot. Makakakita ka ng listahan ng mga taong puwedeng mamahala sa account.
- Para mag-imbita ng mga bagong tao, piliin ang Mag-imbita ng mga bagong user
.
- Ilagay ang kanilang mga email address.
- Sa ibaba ng kanilang mga pangalan, piliin ang kanilang tungkulin:
- Ang mga may-ari ang makakagawa ng karamihan ng pagkilos, at kinokontrol nila kung sino ang namamahala sa account. Dapat ay mayroong isang pangunahing may-ari ang isang account.
- Maaaring gumamit ang mga manager ng mga serbisyo ng Google na sumusuporta sa Mga Brand Account, tulad ng pagbabahagi ng mga larawan sa Google Photos o pag-post ng mga video sa YouTube.
- Puwede ring gawin ng mga manager ng mga komunikasyon ang mga bagay na ginagawa ng Mga Manager, pero hindi nila magagamit ang YouTube.
- I-tap ang Imbitahan
Tapos na.
Makakatanggap ang mga taong inimbitahan mo ng email kung saan puwede nilang tanggapin ang iyong imbitasyon.
Magbago ng mga tungkulin o mag-alis ng mga tao
Mahalaga: Kailangang 7 araw ka nang may-ari ng account bago ka makapag-alis ng mga manager o may-ari. Kung wala ka pang 7 araw na may-ari, makakatanggap ka ng mensahe ng error.
- Pumunta sa seksyong Mga Brand Account ng iyong Google Account.
- Sa ilalim ng "Iyong Mga Brand Account," piliin ang account na gusto mong pamahalaan.
- Piliin ang Pamahalaan ang mga pahintulot. Makakakita ka ng listahan ng mga taong puwedeng mamahala sa account.
- Mula rito, magagawa mong:
- Baguhin ang tungkulin ng isang tao: Sa tabi ng pangalan ng tao, piliin ang kasalukuyan niyang tungkulin, pagkatapos ay pumili ng bagong tungkulin.
- Mag-alis ng tao: Sa tabi ng pangalan ng tao, piliin ang Alisin
. Kumpirmahin ang iyong pinili kung hinihiling.
- I-tap ang Tapos na.
Puwede mong alisin ang iyong sarili bilang may-ari o manager. Kung ikaw ang pangunahing may-ari at gusto mong umalis sa account, kailangan mo munang baguhin ang tungkulin ng isa pang tao at gawin siyang "Pangunahing may-ari."
Baguhin ang pangunahing may-ari ng iyong Brand Account
Puwedeng gawing pangunahing may-ari ang sinumang manager o may-ari ng Brand Account hangga't:
- Ang taong gumagawa ng pagbabago ay naging may-ari sa loob ng 7 araw o higit pa
- Ang taong magiging bagong pangunahing may-ari ay 7 araw nang manager o may-ari o mas matagal pa
Kung hindi natutugunan ang alinman sa mga kundisyong ito, makakatanggap ka ng mensahe ng error.
- Sa iyong computer, buksan ang seksyong Mga Brand Account ng Google Account mo.
- Sa ilalim ng "Iyong Mga Brand Account," piliin ang account na gusto mong pamahalaan.
- I-click ang Pamahalaan ang mga pahintulot.
- Hanapin ang taong nakalista na gusto mong paglipatan ng pangunahing pagmamay-ari.
- Tip: Kung hindi mo mahanap ang tao, kakailanganin mo siyang idagdag bilang may-ari. Pagkatapos niyang tanggapin ang iyong imbitasyon, subukan ulit mula hakbang 1.
- Sa tabi ng kanyang pangalan, i-click ang pababang arrow
Pangunahing may-ari
Ilipat.