Mga tip para makumpleto ang mga hakbang sa pag-recover ng account

Kung hindi ka makapag-sign in, para subukang makabalik sa iyong Google Account, sundin ang mga hakbang na ito:

  1. Pumunta sa page ng Pag-recover ng account.
  2. Habang kinukumpleto mo ang mga hakbang, gumamit ng kahit gaano karaming tip sa ibaba.

Tip: Posibleng hindi mo makita ang lahat ng tanong na inilalarawan dito.

Kung sinubukan mo nang i-recover ang iyong account at nakatanggap ka ng mensaheng "Hindi ma-verify ng Google kung sa iyo ang account na ito," puwede mong subukang ulit.

Magsagot ng maraming tanong hangga't posible

Subukang huwag lumaktaw ng mga tanong. Kung mayroon kang hindi siguradong sagot, hulaan ito sa abot nang makakaya mo sa halip na lumipat sa susunod na tanong. Hindi ka aalisin ng mga maling hula sa proseso.

Gumamit ng pamilyar na device at lokasyon

Kung posible:

  • Gumamit ng computer, telepono, o tablet kung saan ka kadalasang nagsa-sign in
  • Gamitin ang browser (gaya ng Chrome o Safari) na karaniwan mong ginagamit
  • Manatili sa isang lokasyon kung saan ka kadalasang nagsa-sign in, gaya ng sa bahay o sa trabaho

Maging eksakto sa mga password

Mahalaga ang mga detalye, kaya iwasang gumawa ng mga typo at ituon ang atensyon sa malalaki at maliliit na titik.

Mga password

Kung hihingin sa iyo ang huling password na naaalala mo, ilagay ang pinakabagong naaalala mo.

  • Kung hindi mo maalala ang iyong huling password: Gumamit ng dating password na naaalala mo. Mas maigi kung mas bago ito.
  • Kung hindi mo tiyak na naaalala ang anumang nakaraang password: Ibigay ang pinakamahusay mong hula.

Maglagay ng email na nakakonekta sa iyong account

Kung hihilingin sa iyo na maglagay ng email address na puwede mong tingnan ngayon, maglagay ng email address na idinagdag mo sa iyong account. Narito ang ilang halimbawa:

  • Email address sa pag-recover na makakatulong sa iyong makapasok ulit at kung saan ka namin pinapadalhan ng mga notification sa seguridad.
  • Ang kahaliling email address ay email address na puwede mong gamitin para mag-sign in.
  • Ang email address sa pakikipag-ugnayan ay ang email address kung saan ka nakakatanggap ng impormasyon tungkol sa karamihan ng mga serbisyo ng Google na ginagamit mo.

Maghanap ng mensahe sa iyong folder ng spam

Mahalaga: Hinding hindi hihingin ng Google ang iyong password o mga code sa pag-verify sa email, tawag sa telepono, o mensahe. Ilagay lang ang iyong password o mga code sa pag-verify sa accounts.google.com.

Kung may inaasahan kang mensahe mula sa aming team pero hindi mo ito makita, tingnan sa iyong folder ng spam o junk kung may email na may pamagat na “Iyong tanong sa suporta ng Google." 

Hindi pa rin makapasok? Pag-isipang gumawa ng kapalit na Google Account. Kapag gagawin mo ito, puwede mong sundin ang mga hakbang na ito para maiwasang ma-lock out sa iyong Google Account.

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
16274577694642663413
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
70975
false
false