Pagdaragdag ng Gmail

Kung idaragdag mo ang Gmail sa iyong Google Account, ang pangunahing username ng iyong account ay permanenteng mababago sa yourusername@gmail.com.

Matapos mong idagdag ang Gmail, ang orihinal na email address na nauugnay sa iyong account ay ang iyong magiging kahaliling email address. Kung na-verify mo na ang iyong orihinal na email address bago idagdag ang Gmail, makakapag-sign in ka gamit ang email address na ito.

Pagdaragdag ng Gmail sa umiiral nang Google Account

  1. Pumunta sa mail.google.com.
  2. I-click ang Mag-sign up para sa Gmail.
  3. Sa tuktok ng pahina, i-click ang Kung may Google Account ka na, maaari kang mag-sign in dito. Mare-redirect ka sa isang pahina sa pag-sign in.
  4. Gamitin ang iyong umiiral na username at password sa Google Account upang mag-sign in. Sa susunod na pahina, makikita mo ang pinaikling form sa pag-sign-up sa Gmail kung saan maaari mong piliin ang iyong username sa Gmail