Pagdaragdag sa Gmail

Kung idaragdag mo ang Gmail sa Google Account mo, permanenteng magiging yourusername@gmail.com ang pangunahing username ng iyong account.

Pagkatapos mong idagdag ang Gmail, ang orihinal na email address na nauugnay sa iyong account ang magiging kahaliling email address mo. Kung na-verify mo na ang iyong orihinal na email address bago idagdag ang Gmail, makakapag-sign in ka gamit ang email address na ito.

Pagdaragdag ng Gmail sa umiiral nang Google Account

  1. Pumunta sa mail.google.com.
  2. Punan ang form at i-click ang Isumite.
  3. Sundin ang mga tagubilin para i-verify ang iyong account. 

Tip: Kung gagamitin mo ang Mag-sign in gamit ang Google o Remote na Desktop ng Chrome, baka magkaroon ka ng mga isyu kung papalitan mo ang iyong pangunahing email address.

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
18069108807304957721
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
70975
false
false