Kung kailangan mo ng tulong sa pagbasa ng text sa isang screen, maaari mong i-on ang mga setting ng accessibility para sa ilang produkto ng Google sa iyong Google Account.
I-on o i-off ang screen reader
Nalalapat lang ang setting ng screen reader sa Google Docs, Sheets, Slides, Forms, at Drawings sa isang browser, gaya ng Chrome. Kapag ginagamit mo ang mga produktong ito, mababasa ng screen reader nang malakas ang text sa iyong screen.
Para gumana ang setting na ito, kailangang may screen reader ka, gaya ng NVDA, JAWS, VoiceOver o ChromeVox.
- Buksan ang iyong Google Account. Baka kailanganin mong mag-sign in.
- Sa kaliwa, i-click ang Personal na impormasyon.
- Sa ilalim ng "Mga pangkalahatang kagustuhan para sa web," i-click ang Accessibility.
- I-on o i-off ang Screen reader.
Posibleng kailanganin mong sundin ang mga karagdagang hakbang para i-set up ang iyong screen reader para sa Google Docs, Sheets, Slides, Forms, at Drawings.
I-on o i-off ang mga kulay na mataas ang contrast
Nalalapat lang ang setting ng mga kulay na mataas ang contrast sa Google Voice, sa site ng Google Developers, at sa iba pang site ng dokumentasyon ng developer sa isang browser, tulad ng Chrome. Sa site na iyon, makakatulong ang mga kulay na mataas ang contrast na gawing mas malinaw ang text sa screen.
- Buksan ang iyong Google Account. Baka kailanganin mong mag-sign in.
- Sa kaliwa, i-click ang Personal na impormasyon.
- Sa ilalim ng "Mga pangkalahatang kagustuhan para sa web," i-click ang Accessibility.
- I-on o i-off ang Mga kulay na mataas ang contrast.